Chapter 22

662 45 18
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa lahat ng sinabi ni Jelay. Ang alam ko lang mahal ko siya at mahal niya ako.

At napaka-tanga ko para di makita yun.

Pinunasan nya ang luha ko at nginitian ako.

"Kumain ka na, Love. Or else.. Ikaw kakainin k--" bago nya pa matuloy ang sasabihin nya ay tinakpan ko na ang bibig nya gamit ang kamay ko.

"Words." banta ko sa kanya.

Tinanggal nya naman ang kamay kong nasa bibig nya.

"Honestly, mas nagalit ako sa ginawa mo kaninang umaga.." naniningkit na matang saad nya.

I knew it. She's gone mad kanina talaga.

"We need to talk everything first. As in EVERYTHING" diniinan ko ang salitang everything para makuha nya ang punto ko.

Ngumiti naman siya ng pilit

"You tease me lang kanina. You did that to annoy me." akusa nya na tama naman siya.

Sinusubok ko talaga haba ng pasensya nya sa akin.

"Kakain na ako. Balik ka na dun." pagtataboy ko sa kanya para ibahin ang usapan.

Bumalik naman siya sa upuan nya at nagsimulang kumain.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay muli siyang nagsalita.

"Love, hindi ka ba pwede sumama sa Charity event?" alam ko itatanong ni Jelay ito.

She's being so clingy to me lately at alam kong ayaw nyang malayo ng one week sa akin.

Ayaw ko rin naman malayo siya sa akin pero anong magagawa ko? Hahayaan ko ang company na walang mamuno ng isang linggo?

"You know that i can't." sagot ko sa kanya.

Nalungkot naman siya sa naging sagot ko.

"Isang linggo lang yun Jelay. Pagbalik mo dito mag-sasawa ka na naman sakin." umiling iling naman siya

"Hinding hindi ako magsasawa sayo, Love" napaka tamis talaga ng dila ng taong ito.

Hindi ko na siya sinagot dahil baka maiyak na naman ako. Ang emotional ko pa naman pagdating kay Jelay.

Noon pa man si Jelay lang naman nakakapaglabas ng iba't ibang emosyon sa akin. Ibang iba talaga ako pagdating sa kanya. Hindi ko makilala ang sarili ko kapag siya ang kasama ko.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid ako ni Jelay. Sabi ko sa kanya wag na pero mapilit siya.

"Mag-ingat ka pag-uwi mo" bilin ko sa kanya.

"Okay. Mag lock ka ng gate ha?" bilin nya sa akin na tinangoan ko..

Nakatayo lang kaming dalawa sa labas ng bahay walang nagsasalita. Parehas nagpapakiramdaman.

"Love.." mahinang tawag nya sakin.

"Uhmm.. Yung mga nangyayari satin ngayon, nag-aassume lang ba ako na mahal mo na ako or totoo yung assumption ko this time?" nahihiyang tanong nya.

My Gosh Jelay! Ngayon ka pa nag dalawang isip sa assumption mo.

"Well i guess, it's safe to assume that i still love you." pa-demure na sagot ko.

Ngumiti naman siya ng ubod ng tamis sakin. Ow. I love that smile so much.

"So, can we be girlfriends now?" napahinto naman ako sa tanong niya.

Teka lang. Ang bilis naman.

"Jelay, i'll think about it pagbalik mo galing charity event." it's not because i don't trust her pa rin.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon