Chapter 13

667 53 11
                                    

"Gian cheated?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

She simply smiled.

"When? How?" hindi niya nabanggit sa akin yun.

"Naalala mo yung Sophomore night ball natin?" tumango ako sa tanong niya.. Kaya ba siya maraming ininom nun?

"Bago ang gabing yun, nalaman kong may kinakatagpong iba si Gian." napatutop ako sa bibig ko sa sinabi niya.

"Nabasa ko na nagkita sila twice. Gian admitted ng malasing siya they make out. Pagkatapos daw nun hindi na siya tinantanan ng babae." hindi ko kinakaya nalalaman ko. Kinuha ko ang tequila at nasalin sa baso at mabilis ininom yun.

"Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi mo sinabi sa kin? Bakit hindi ka nagalit?" ang dami kong gusto itanong sa kanya. Nagugulohan ako.

"Hindi ko na sinabi sayo. Malungkot ka nun. Hindi rin kayo okay ni Jelay. Kung hindi ako nagalit kay Gian? Nagalit ako, Kao. Galit na galit ako sa ginawa nya.." pero nakikita kong nakangiti siya ngayon habang nagkukwento. Ibig sabihin ba nun, wala na lang yun sa kanya?

"Tinatanong ko sarili ko, saan ba ako nagkulang? binigay ko naman lahat. May nagawa ba akong mali? Nagsawa na ba siya sakin? Lahat yun tinanong ko sa sarili ko. Masakit eh" alam ko ang pakiramdam na yan dahil yan ang nararamdaman ko sa loob ng apat na taon.

"Paano mo siya napatawad?" tanong ko at muling napainom sa tequila.

"Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Hindi ko magagawang magalit sa kanya dahil mahal ko siya. Diba ganon ka rin kay Jelay?" hindi ako sumagot pero hindi naman talaga ako nagalit kay Jelay. Pinili ko lang iwasan siya dahil sa tuwing makikita ko siya noon ay nasasaktan ako.

"Galit ako sa ginawa niya pero hindi kay Gian. Pero pinili kong patawarin siya kasi yun ang gusto ko. Bakit ko papahirapan sarili ko at si Gian? Nakita ko naman na nagsisi sya sa ginawa niya. Tanggap ko na lahat nagkakamali ang mahalaga paano mo itatama ang pagkakamali mo. Pinatunayan ni Gian sa akin na nagkamali lang siya kaya pinatawad ko siya." hindi ko pa rin maintindihan.

"Hindi ka ba natatakot na ulitin niya yun?" i shot another tequila. Feeling ko malalasing ako sa nalalaman ko.

"Natatakot. Pero ayukong mabuhay sa takot kung pwede naman pagbigyan ko ang sarili ko na sumaya." masasabi kong matapang si Missy dahil ako hanggang ngayon nag papadala pa rin sa takot.

"Look at us now. He made a mistake, i forgive him. Hindi ako perpekto, i also made a mistake and he forgive me. Wala namang perpektong relasyon kasi walang perpektong tao. You just need to choose each other." i take another shot of tequila.

"Nakakarami ka na." saad ni Missy.

"I don't know what to do Missy." pag-amin ko dito.

"Kao, tinatanong mo kung mahal ka ni Jelay. Ikaw ba natanong mo ba ang sarili mo kung mahal mo talaga si Jelay? Kasi ang nagmamahal handang magpatawad. Ang nagmamahal hindi nagbibilangan ng mali. Hindi perpekto si Jelay para hindi magkamali. Nagkakamali ka rin, nasasaktan mo din siya pero pinipili ka pa rin niya kasi ganon ang pagmamahal. Kung hindi mo siya kayang patawarin at tanggapin, siguro kaya mong mapunta siya sa iba?" mahabang paliwanag ni Missy.

Kaya ko bang mapunta siya sa iba?

"Ano ba Kare! Baka magselos si Kaori.." napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Jelay na naiirita.

"Sabi mo hindi naman siya selosa." nakita kong niyayakap ni Karina si Jelay habang pilit siyang tinutulak ni Jelay palayo.

"Don't move Bessy.. Lalo akong mahihilo" dahil sa sinabi niya ay hindi na nga gumalaw si Jelay.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon