Chapter 4

709 46 42
                                    

Pagpasok ko sa Office ay nakangiting muka ni Jelay sumalubong sakin.
Tumingin ako sa wrist watch ko.

7:12am

Ang aga niya ah..

"Good Morning Ms. President!" bibong bati nya na tinitigan ko lang.

"Lara, Coffee please." naupo na ako sa table ko..

"Ang aga-aga nakabusangot ka.. Ganyan ba kapag may asawang pangit." nilingon ko siya sa sinabi nya..

"Asawa??" nagugulohang tanong ko

"Wala. Hehe. Tara! Work na tayo." tatawa tawang sagot niya.

May dala na rin siyang Laptop at nakita ko dun ang list of stock holders namin at profile.
Mabuti naman at binabasa nya mga sinend kong email.

Pati ang suot nya. Simple lang na white loose blouse na naka-tuck in sa black fitted slacks niya. Nakasabit ang black blazer nya sa armrest. Improving ah.

Pero anong asawa sinasabi nya?

"Ma'am" naramdaman ko naman ang paglapag ng kape ni Lara sa tabi ko.

Inabutan niya din si Jelay sa gilid.
Kelan pa siya naging secretary ni Jelay?!

Ito namang isa ang landi talaga pangiti ngiti pa kay Lara.

Inopen ko na lang ang Laptop ko.
Marami pa akong dapat isipin mas mahahalaga kaysa sa katabi ko.

"Kao, ang laki pala ng shares ng family ni Missy dito? Ang galing!" turan niya na hindi ko pinansin.

"Kumusta na sila ni Gian?" tanong muli nito

"Don't ask personal stuff during working hours." simpleng sagot ko sa kanya.

Nagbabasa lang ata sya ng stock holder profile para maki-tsismis.

"Sungit!" asik nya sakin.

Nakita kong nainom siya sa kape kaya dinanggi ko siya..

"Aww.. Aww.." reklamo nya ng mapaso ang dila nya sa pagkabigla..

"Ow Sorry.. Di ko sinasadya" kunwaring hingi ko ng paumanhin at nginisihan siya.

"Tissue po Ma'am" mabilis na abot ng tissue ni Lara kay Jelay.

Tumaas naman kilay ko. Masyadong halata ah.

"Thank you" sagot ni Jelay sa kanya at ngumiti.

Ang landi bweset!

"Go back to your post, Lara. You're wasting your time." turan ko dito na hindi inaalis ang tingin sa laptop ko.

"You do it on purpose!" bintang nya sa kin.

"I already said sorry.. Duh!" maarte kong sagot sa kanya

"Pero sinadya mong mataponan ako." pilit niya.

I faced her and look in her eyes intently.

"Now you know the feeling? Yung alam mong sinasadya ng tao na saktan ka tapos mag-sosorry siya. Un-acceptable right?" natahimik naman siya sa sinabi ko. Guilty.

"Are we still talking about the coffee?" seryosong tanong nya

"You guess." sagot ko at binalik ang tingin sa laptop ko.

Nakaka-istorbo talaga siya sa trabaho ko.
Nag focus nako sa ginagawa ko.

Tumahimik naman siya. Hanggang sa board meeting namin ay ang tahimik niya.
Inintroduce ko siya sa mga board members at ngumiti lang siya ng tipid.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon