Chapter 34

539 41 37
                                    

KAORI POV

6 months earlier....

Pagdating namin sa Manila ay nag-volunteer si Jelay na magbitbit ng gamit namin.

Nauna akong maglakad sa kanya palabas ng airport. Nang mapansing wala sya sa likod ko ay napalingon ako.

Nakita ko siyang nakangiting nakikipag-usap sa isang lalaking crew na malamang nagtra-trabaho dahil halata sa uniform nito.

Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan sila. Mukang nagpapasalamat si Jelay dito dahil nag-alok ito ng tulong.

Tsk. Kung alam ko lang kaya ko naman buhatin ang gamit ko.

"Ang laki ng insecurities mo sa katawan nuh?" narinig kong puna ni Karina pero di ko siya pinansin.

"Nawala lang ying bangs mo, braces at makapal na salamin mo pero di nawala sayo insecurities mo." dugtong niya pa

"Hinihingi ko ba opinyon mo?" masungit na sagot ko sa kanya na di sya binabato ng tingin.

Pinapanuod ko lang si Jelay na nakikipag-usap pa rin kay kuyang crew.

"Takot na takot kang maagaw sayo si Jelay ah" i rolled my eyes.

"Malamang, mahal ko yang ugok na yan e" prangkang sagot ko.

"Okay. Sana lang di talaga siya matauhan sa pinapakita mong ugali. Ingat ka na lang Sis. Kung ako sayo hindi ko na talaga papakawalan pa." i almost vomit ng tawagin nya akong Sis. Napaka plastik.

If i know, isa siya sa mga nag-aasam sa Jelay ko.

"Kaso hindi ako ikaw. Hindi siya sayo." maanghang na sagot ko sa kanya

"Sa ngayon. Pakasaya ka muna" nabigla ako sa sinagot ni Karina. She smirked at me too.

"Inaamin mo na ba na gusto mo si Jelay?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya at tumawang parang impakta.

Arrrgggh!!

"Love, okay ka lang?" tanong ni Jelay sa akin. Nakalapit na pala siya.

"Y-yes." pagsisinungaling ko dito.

End of throwback...

Simula ng araw na iyon ay ginawa ko ang lahat ng sa tingin kong makakabuti sa relasyon namin ni Jelay.

Araw araw ko siyang pinag luluto kahit sobrang busy ko sa trabaho.
Madalas din magpadala ng kung ano anong pagkain si Karina kay Jelay tuwing lunch na kinakainis ko.

Kahit hindi sila nagkikita ay di tumitigil magpapansin si Karina. Yes, papalabasin niya na kaibigan lang nya si Jelay. Bestfriend kaya magmumukang normal pero dahil sa sinabi niya sa airport ay alam kong may tinatago siyang motibo.

Pinilit kong di magkulang kay Jelay. Lahat binibigay ko sa kanya.

Pag-aalaga, paglalambing at higit pa dun. Kahinaan ko lang talaga kapag may mga lumalapit sa kanya at alam kong may ibang motibo.

Malakas ang charisma ni Jelay sa mga tao dahil palangiti ito kaya mapalalaki o babae nagkakagusto sa kanya.

Sobrang hirap sa part ko na parang di ako pwede pumikit kasi baka pagdilat ko, iba na nagmamay-ari sa kanya.

Hindi sa wala akong tiwala kay Jelay. Siguro nga tama si Karina. Malaki ang insecurities ko sa katawan. Sa sarili ko ako, walang tiwala.. Wala akong bilib sa sarili ko.

Hindi mawala sa utak ko ang katotohanan na isa lang ako dati sa libo libong taga-hanga ni Jelay.

*Sigh

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon