Chapter 3

769 41 28
                                    

KAORI POV

Today is the day! Magkikita na kami ni Jelay. After four years...

Dumaan muna ako sa office ko to signature some important documents na need na i-process bago nagtungo sa Office ni Mr. Pilones.

"Ma'am, Okay lang po ba kayo?" tanong ng company driver namin.

Marunong naman ako mag drive pero kahit kasi nasa biyahe may mga important calls ako kaya hindi safe mag drive.

"Opo kuya." magalang na ani ko dito.

Mabait kasi si Kuya Jim, parang tatay ko na siya.

"Parang kinakabahan po kayo. May mahalagang business proposal po ba kayo ngayon?" tanong pa nito.

Bakit naman ako kakabahan?
Magkikita lang naman kami ng babaeng kinabaliwan ko.
My first kiss, my first love and my first heartbreak.

Wala namang nakakakaba dun diba?

"Hindi naman po ako kinakabahan Kuya" sinilip ako sa rear view mirror ni Kuya Jim na parang naninigurado kaya nginitian ko siya.

Hindi naman na siya nangulit pa. Mabuti na lang.

Nasa tapat na ako ng office ni Mr. Pilones.

My Gosh! Ito na yun Kaori!

Kumatok ako ng mahina sa pinto.

"Come in!" narinig kong sagot ng baritono na boses.

Nanginginig ang kamay kong pumasok sa loob.

Nakita ko agad ang pamilyar na likod.

*dub *dub *dub *dub

Bakit? Bakit bigla kong naramdaman ang puso ko?

Akala ko matagal na siyang hindi nagana.

"You're just in time.." nakangiting bati sakin ng ginoo.

Nginitian ko naman siya at yumuko bilang pagbati.
Walang lumalabas na boses sa akin.

"So, Jelay.. Meet your boss!" pakilala sa akin ni Mr. Pilones

Hindi pa rin lumilingon si Jelay sa gawi ko kaya di ko pa nakikita ang muka niya.

"Boss?!" halatang gulat na gulat si Jelay sa narinig at may pagtutol sa boses nito..

"Why? Are you expecting to be a boss instantly? You need to be trained first. And here she is! Your boss. Tingin ko magkakasundo kayo." lumingon sakin si Jelay.

I can see the shocked in her beautiful face.

My Gosh! She's prettier than ever.
Her alluring eyes. Shit!

Nilipat ko na ang tangin kay Mr. Pilones.

"Bakit siya?!" bayolenteng tanong nya sa Daddy nya.

Akala mo naman ginusto ko ito.

"She's maybe young but she's doing excellent as a New President of their company. And we merged our company to them so she's the perfect boss for you.." paliwanag ng Daddy niya.

"Wala naman sigurong problema, Jelay? Naka-move on ka naman na siguro." bigla akong kinabahan sa tanong ng Daddy nya sa kanya.

Gusto ko marinig ang sasabihin nya.

"Hehe, oo naman Dad. That was four years ago." Yah.

That was four years ago. Sino bang hindi pa makaka-move on diba? Ha-ha

"Take a seat, Ms. President" naupo ako sa tapat na pwesto ni Mr. Pilones na katapat din ni Jelay.

Nakikita ko sa Peripheral vision ko na nakatingin sakin si Jelay.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon