Chapter 17

617 40 11
                                    

KAORI POV

Sunday

Mabuti naman at Linggo ngayon. Makakapag pahinga ako sa stress sa office.

Tinignan ko ang phone ko. May mga text ni Jelay at tawag. Binasa ko iyon, puro lang naman tanong kung kumain na ba ako, ano ginagawa ko o nakatulog na ba ako.

Hindi ko na lang pinansin. Mangungulit lang siya lalo kapag nireplyan tsaka naiinis pa ako sa kanya.
Halatang may gusto siya kay Rhys, kung wala ako dun baka ano na ginawa niya.

Nakakainis!
Iniisip ko sinabi sa akin ni Missy pero isang araw pa lang nag pakita na siya ng bagay na makakapag-hold back sa akin.

*Ding *Dong

Nagmadali akong lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang bisita ko ng ganito kaaga.

"Hello Babe!" masayang salubong sakin ni Lance habang buhat si Hannah.

"Bakit andito ka?" tanong ko sa kanya habang sinasara ang gate.

"Bakit may magseselos ba?" nakangising tanong niya sa akin..

Nang-aasar lang yan dahil alam nyang nagkakasama kami ni Jelay.

"Oo. Si Angela baka magselos." sagot ko sa kanya at naglakad na papasok.

"Si Angela? Di magseselos yun. May tiwala sa akin yun!" mayabang na ani niya..

Kinuha ko naman si Baby Hannah sa kanya.

"Hello baby.." malambing na bati ko sa bata.

"Akalain mo may tiwala sayo si Angela." birong totoo ko sa kanya.

Kilala naman nating may pagka babaero noon si Lance.

"Syempre. Mahal niya ako kaya may tiwala siya sakin." napahinto ako sa sinabi niya.

Parang ganyan din ang sinabi ni Missy tungkol kay Gian.

Nagtungo si Lance sa kitchen, pagbalik ay may dalang tubig.

"Kumusta ka na? Alam kong kakakita lang natin nung nakaraang gabi sa party pero hindi ko natanong sayo kailan ka mag-aasawa? Hahaha" natatawang asar nya sakin.

Nilalaro ko lang si Baby Hannah.

"Asawa agad? Wala pa ngang partner." sagot ko sa kanya.

"Si Jelay. Akala ko okay na kayo?" tanong nito sa akin.

"Hays.. Naku! Kahapon lang nag-away kami."

"Bakit naman?" tanong niya at naupo sa may tapat namin ni Hannah.

Kinuwento ko kay Lance ang tungkol sa nangyari kahapon sa meeting kasama si Rhys.

"Anong masama kung nagwapohan siya? Hahaha ako nga rin nagagandahan sa iba pero di ko naman nilalapitan dahil alam kong may asawa na ako." prenteng sagot nya na nagbukas ng tv at pinatong ang dalawang paa sa lamesa.

"Hays! Sunday ngayon dapat mag-rerelax ako andito ka naman dinudumihan mo pa lamesa ko!" pag-iiba ko ng usapan.

Na-i-stress ako pag-usapan ang sa amin ni Jelay. Gusto ko mag-relax.

"Ngayon na nga lang kami nakadaan ni Hannah dito e. Akala ko makikita ko si Jelay dito." tinaasan ko naman siya ng kilay.

"At bakit gusto mo makita si Jelay?" nilingon nya ako at tinawanan.

"Makikipag-kwentuhan lang. Ano iniisip mo?" wala naman. Iniisip ko lang na baka asarin niya si Jelay. Ang alam pa naman nun may relasyon kami.

Kailangan ko na rin linawin sa kanya ang tungkol sa amin ni Lance.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon