Continuation of chapter 6
Eto pala ang sinasabihan ng mga bungol na lalaking to hindi pala ako.
Halatang kakapasok nya lang din and guess what! Wala ng cast ang kamay nya at halatang magaling na sya, pero may konting sugat padin sya sa muka nya.
Walang buhay siyang nakatingin dun sa tatlo.
Ang agang paalamusal na laban naman to.
Nag patuloy siyang naglalakad hanggang huminto sya sa tabi ko, wala naman akong gagawin dito baka madamay pa ako sa gulo nya.
Mukang kaya nya naman yung sarili nya at hindi nya na kailangan ng back up.
Mag lalakad na sana ako papuntang gate papasok ng hatakin nya ako sa likod ng uniform ko pinabalik sa pwesto ko katabi sya.
Napunta ang tingin nung tatlong lalaki sakin at tinignan ako ulo hanggang paa.
"Bagong putahe nanaman markeze?" natatawang tanong nung lalaki na may hawak ng tubo
Anong putahe? Ano ako pagkain? Tarantado to ah!
Anong trip nanaman neto at kailangan pa akong hatakin?!
Tinignan ko sya at nakita Kong nakatingin sya sakin at naka smirk.
Mukang may binabalak na hindi maganda! Tsk!
"Oo, gusto mo share tayo?" sagot nya dun sa lalaki habang nakatigin padin sakin
Ano! Gago to ah!
Bigla akong nanggigil sa sinabi nya, Anong akala nya sakin basta basta pumapatol, aba gago sya!
Gigil akong niyukom ang kamao ko. Nangsisismula na akong ma inis sa sinabi nya.
"yan ang gusto ko sayo! Mapag bigay!" sabi nung lalaki at lumapit sakin
Nakakatakot syang ngumisi sakin habang tinitignan ang ang buong kabuoan ko
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa paraan ng paninitig nya sakin, nag sisimula na akong kabahan.
Nanginginig ako mga kamay ko kaya tinago ko iyon sa likod ko.
No please, ayokong ma ulit ulit yung nangyari.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng Bigla kong naalala ang nangyari.
"pre mukang masarap!"
"papasiyahin ka muna namin bago ka naming patayin."
"masarap to! Katulad ng nanay nya!"
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos maputol na ang hininga ko.
Natatakot ako, A-ayoko... Ayokong maulit ulit.
Nagigilid na ang mga luha ko.
Pero Bago nya pa ako mahawakan ay may sumalubong na sakanyang isang kamao.
"In your dream, you son of a bitch!" sabi ni kailer sakanya at malakas syang sinuntok
Kahit ako din ay nagulat pero parang nangyelo ang paa ko at hindi makagalaw sa kinakatayuan ko. Natatakot padin ako
Wala akong magawa, hindi ako makapag salita hindi ako makagalaw.
Natakot ako na baka mamaya ay bigla bigla nalang gawin ulit sakin yun. Natatakot na baka sa konting galaw ko lang ay maulit ulit.
A-ayoko na...
Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko ang may humawak sa braso ko, mabilis kong tinggal yon at lumayo sakanya.
"NO! D-dont P-please...N-noo." takot na takot na sabi ko habang nakayuko
"Hey, its me..." sabi ng kung sino
D-daddy help me...
Nag simula ng magsibagsakan ang luha ko.
"P-please, D-dont touch M-me..."
"No i wont, look at me." sabi nya pero hindi ko magawa nanatili akong nakayuko
Huminto ako sa pag usog ko at tahimik na umiyak.
"P-please..." halos wala ng lumabas sa bibig ko
"Its me kailer, look at me!" sabi nya at hinawak ng dalawa nyang pisngi ang muka ko at inangat para tignan ko sya.
Naguguluhan sya sa inasta ko at kita ko din ang pag aalala sa muka nya, at mas nagulat sya ng makita na umiiyak ako.
"Calm down its me kailer." pag uulit nya uli
Unti Unti naman akong huminahon sa sinabi nya pero nandun padin ang takot.
"W-what happened? Are you hurt?" nag aalalng tanong nya at pinalibot ang tigin sakin.
Nang mahimasmasan ay bahagya akong lumayo sakanya at pinunasan ang luha sa muka ko.
Tingnan ko din ang mga lalaki kanina at bagsak na sila at mukang napabagsak nya na hindi ko man lang namamalayan.
Naguguluhan syang nakatingin sakin, naguguluhan sa inakto ko kanina.
Umiwas ako ng tigin sakanya nya.
"T-thank you, i need to go." tanging nasabi ko at nag mamadaling pumasok.
Tinatawag nya pa ako at hindi ko sya pinansin at dirediretsong pumasok.
Shit! Bakit ako nag break down sa harapan nya pa talaga!
Bakit ako umiyak sa harapan nya!
Shit! Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙂𝙞𝙧𝙡𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙞𝙨 𝙖 𝙈𝘼𝙁𝙄𝘼 𝙃𝙀𝙄𝙍𝙀𝙎𝙎
ActionPROLOGUE Hawak hawak ko ang envelope sa kamay ko at matagal na tinitigan to. Dumating ito kanina sa bahay at ngayon ko lang naisipang bukasan, wala kong kaideya ideya kung anong laman neto. Binuksan ko eto at kinuha ang laman. Tumaas ang kilay ko ng...