CHAPTER 12

65 2 0
                                    


Chapter 12


Nang matapos ang uwian ay mabilis akong nagligpit ng gamit ko at mabilis na nag punta sa parking at sumakay sa kotse ko, tinapon ko ang bag ko sa tabi ko, mabilis akong nag punta dun sa sinasabi nilang bakanteng lote dito sa likod ng school.

Hindi naman matagal ng makita ko yun, may nakita akong mga kalalakihan na parang may hinihintay, dali dali akong bumaba at pumunta duon.

Mabilis na napatigin sakin ang mga lalaki duon, yung iba nasipulan at tinitignan ako.

"Miss naliligaw kaba?" tanong nung isang lalaki na may sigarilyo sa bunganga

Wala akong reaction na nakatingin sakanila.

"Miss gusto mo maki saya ka muna samin." sabi ulit ng isa sakanila

May lumapit sakin at sadyang kakausapin ako pero mabilis ko syang sinuntok sa muka, dumugo ang bunganga nya at mukang natanggal ang ibang ngipin nya.

Natumba sya sa ginawa kong pag suntok at naalarma yung iba nyang kasama. Agad naman nilang kinuha ang mga panghampas na dala nila at sunod sunod na sumugod sakin.

May isang nagtangkang hahampasin ako ng tubo pero mabilis kong naiwasan iyon at sinipa sya sa sikmura para mapuhod sya kaya kinuha ko na ang pag kakataon at sinipa ko sya sa panga bagsak naman sya.

Sabay sabay silang sumugod sakin at mabilis naman akong umiwas at binigyan sila ng malalakas na suntok at sipa sa sikmura, sa bagal nilang mag si kilos ay mabilis ko silang nasusuntok kaya tumba agad sila, meron pang nag badyang hajampasin ako pero mabilis kong nasalag yun hinawakan ang kamay nila at pinilipit yon, ramdam ko ang pag bali ng buto nila kaya umiyak sila sa sakit.

Matapos ang ilang minutong pakikipag laban ay napansin konflg lahat sila ay tumba na.

Yun na yon? Ni Hindi man lang ako hiningal!

Mga weak! Eto na ba yung mga kinakalaban nila kailer? Putcha mga gangster sa kanto?

Nako! Maturuan nga tong kailer na yon at mukang mahina din pagdating sa pakikipag suntukan kung eto lang ang makakalaban mo!

Kala ko ba naman ay malalakas pero mahihina pala.

Wala nang gagantihan sila kailer dahil nauna na ako dito, no Hassel hindi man lang ako napagod.

Siguro naman hindi na sya maoospital ulit?

May nakita akong fishballan malapit lang dito kaya naman pumunta ako dun at bumili ng fishball at kung ano ano pa, umorder din ako ng gulaman.

Nagutom lang ako sa ginawa ko, tsk tsk! Wag nyong sabihin sakin na nahihirapan pa si kailer pabagsakin yang mga yan.

Ilang minuto lang ay may narinig akong tunog ng kotse at mukang sila kailer na yun, lima na kotse at sabay sabay silang lumabas.

Tss, pa badboy effect ka ghourl!

Umirap ako ng makita ko yung lima, nag punta dun sila sa lote at nagulat sila nang tumba na lahat ng kalaban nila dun.

Tinumba ko na, tagal nyo e!

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ko ng kwek kwek.

"Ate isang tokwa pa." sabi ko sa tindera

Mabilis nya naman akong nilagyan ng tokwa sa cup ko, tinignan ako nung tindera at titig na titig sakin.

"Ang ganda mo naman iha, taga elite kaba?" tanong nya

"Hehehe salamat po, opo taga elite po." sagot ko naman

"Nako! Bibihira lang ang may bumili saamibg taga elite, dahil karamihan duon e laging nasa restaurant ang kinakain." kwento nya naman

Halata naman, mapapakain mo ba ng ganito yung mga maarte kong kaklase e makahawak nga lang ng alikabok yung e mag tititili nayon sa arte.

"Pero may loyal customer saming laging kumakain, silang limang mag babarkada, nako makukukit yung mga yon taga elite din sila kada uwian bibili dito yun--- oh eto pala sila oh!" sabi ni ate at tumingin sa likod ko kaya mabilis akong tumingin dun

Nakita ko ang the packers na papalaput dito, tsk! Mukang sila yung sinasabi ni ate.

"Hi ate! Alam mo na yung lagi kong binibili!" sabi ni valerio at kumindat dun sa babae

"Ako ate, Sampung kwek kwek!" sabi ni sam

"Nako baka pigsain ka nyan sa dami ng kwek kwek mo!" biro ni ate sakanya

Lumayo ako ng kaunti sakanila para hindi nila ako mapansin.

Ayoko pa kayang umalis di ko pa nakukuha yung kikiam na pinaluto ko noh tska yung gulaman!

"Ako palamig ate, tska betamax!" sabi ni guzman

"Ako din te! Lahat ng tinda nyo pati tong cart nyo HAHAHA!" Sabi naman ni ander

Tss, kulit talaga.

"Oh easy lang kayo boys hindi kay mauubusan, saglit lang at ibibigay ko muna ay ganda tong kikiam at gulaman nya!" sabi ni ate at nag salin ng palamig sabay abot sakin

Napatigin naman silang lima sakin, tinago ko ang muka ko pero mukang namukaan ako ni sam.

"BRISEIS!" Pasigaw nyang sabi at lumapit sakin

𝙈𝙮 𝙂𝙞𝙧𝙡𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙞𝙨 𝙖 𝙈𝘼𝙁𝙄𝘼 𝙃𝙀𝙄𝙍𝙀𝙎𝙎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon