CHAPTER 11

68 2 0
                                    


Chapter 11


Nasa kalagitnaan kami ng klase ng may pumasok, maraming nagulat ng pumasok si valerio na bugbog ang muka.

Ikaw ikaw syang naglakad sa pwesto nya sa likod kung nasan yung tropa nya, pasimple ko silang nilingon at nakita ko silang nag uusap usap at seryoso ang muka nila.

"Pre sakit nun! Pinagtulungan ako! Tanga'na lugi ako!" inis na sabi sakanila ni valerio

"Mayabang ka kasi di mo naman pala kaya edi sana tinawagan mo kami!" sabi ni ander

"Hindi talaga titigil yang mga yan, mukang kulto na ni marco yung sumusugod satin!" sabi ni guzman

"Ano Boss Babalikan ba natin?" tanong sakanya ni sam

Seryoso lang ang muka ni kailer at mukang malalim ang iniisip. Binalik ko ang tingin ko sa harap pero narinig ko ang sinabi nya.

"Mamaya sa bakanteng lote, balikan natin."

Hmmm, bagong gulo nanaman, takaw nya talaga sa gulo hindi yata mabubuo ang araw nila ng hindi nakakapag basag ulo.

Nang dumating ang lunch ay mag isa akong pumunta ng canteen, as usual mag isa nanaman ako. Ano paba mapapala dito sa mga babae dito e pag papaganda lang ang gusto at maarte.

May nag lapag ng pagkain sa table ko kaya unangat ko ang tingin ko at nakita ko si sam na malaki ang ngiti habang naka tingin sakin.

Ginagawa neto dito?

"If you don't mind?" paninigurado nya bago umupo sa harap ko

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

"So, no friends?" tanong nya

"Hindi ba halata?" walang buhay na tanong ko

I hear him chuckle. "I see." sabi nya hindi ko naman sya pinansin at nag patuloy lang sa pagkain ng carbonara

"Yung kanina pala..." sabi nya ulit

Anong kanina? Yung pakikipag bugbugan nya sa loob ng room.

"Yung ano...yung kaninang umaga..." hirap na hirap nyang sabihin

Nag angat ako ng tigin sakanya at tinignan sya. "yung pakikipag bugbugan mo dum sa lalaki kanina?" diretso kong tanong sakanya

Hilaw naman syang ngumiti sakin dahilan para mawala ang mata nya, singkit kasi sya. "Oo hehehe."

"Anong gagawin ko?" bored na tanong ko

"Wag mo sanang sabihin na ako yung nambugbog sa lalaki kapag nag tanong yung Principal."

At bakit ko naman gagawin yun?

Umismid ako sakanya. "Bakit naman?"

Napakamot sya ng ulo. "E kasi basta wag mo nalang sabihin na ako."

Naningkit ang mata ko sakanya. "Bakit ko gagawin yun kung hindi ko naman alam dahil ng pag sisinungaling ko."

Tumigin sya sa paligid at ginulo ang buhok.

"Kasi ganito yan, kami nila valerio, guzman, ander tska kailer. Hindi na kasi kami pwedeng makipag away sa loob ng school dahil sa sobrang dami naming record dito ng pakikipag away, so once na nalaman ng principal na ako ang gumawa nun---grupo namin matik na malilipat kami ng section at ayaw namin nun, wala chicks dun!" explain nya sakin

So yun ang dahilan nila, bakit kasi nakikipag away pa sila dito sa loob kung pwede naman sa labas.

Tss.

Tingg*

May naisip akong idea na malaking tulong para sakin.

Ngumisi ako sa malaki sakanya, ngumisi din sya. Para kaming tanga dito na nag ngingitian.

"Pwede ko namang gawin...." pag sisimula ko

Lumiwanag naman mata nya. "Talaga?!"

Tumango ako habang malaki parin ang ngisi ko.

"Pero sa isang kundisyon..."

Kita ko ang pag aalinlangan sa muka nya pero wala syang choice.

"A-ano yun?" alangan na sabi nya

"Sabihin mo sakin lahat kung saan pupunta si kailer, kung anong ginagawa nya at kung sinong kasama nya." sabi ko

Nag tataka ang mata nyang naka tingin sakin, ngiti sya ng malaki para bang may narealize

"Bakit? Gusto mong ireport ko sayo lahat ng gagawin ni kailer ganun ba?"

Tumango naman ako. "exactly." sani ko ang pinitik ang kamay ko

Nag aalin langan ang muka nya. "Bakit? Crush mo si kailer no? Ginawa mo pa akong stalker!"

Tumawa ako. "parang ganun na nga..."

Nag pitik sya ng kamay. "Sabi na e, sige ba! Basta wag mo akong ilalaglag Ah!" sabi nya, lumaki ang ngisi ko

"Oo naman, basta gawin mo ang sabi ko ha, sabihin mo sakin lahat ng ginawa nya at san sya mag pupunta okay?"

Tumango tango sya, nilahad ko ang kamay ko taka naman nya akong tinignan.

"your phone, I'll give you my number para dun mo ako ittext lahat ng galaw ni kailer."

Binigay nya naman ang phone nya, wow iphone 11! Yayamanin!

Nilagay ko ang number ko at kinuha ko din ang number nya.

"Starting now, so san yung bakanteng lote na sinasabi ni kailer?" tanong ko na kinagulat nya

"S-sa likod malapit lang sa school." sagot nya

Good!

"Anong oras kayo pupunta don?"

"uwian."

Tatango tango ako.

May mapapala pala ako dito sa mga pakers nato.

Magaling magaling.

Tumayo at tinapik tapik ang balikat nya.

"Geh, see you there." sabi ko at kumunot naman ang nuo nya hindi yata ako gets

𝙈𝙮 𝙂𝙞𝙧𝙡𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙞𝙨 𝙖 𝙈𝘼𝙁𝙄𝘼 𝙃𝙀𝙄𝙍𝙀𝙎𝙎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon