Conti of chapter 19 (part 2)
"Ang mga late bow!" bungad samin ni valerio habang naka upo sa lamesa, naka sandal naman si andersa upuan at naka patong ang paa nya sa lamesa habang loko'ng naka tingin samin, si sam naman ay natatawa lang sakin.
Inirapan ko sila at naupo sa pwesto ko. Ang init dun sa labas buti nalang dito ay malamig.
"Bat ka naman na late?" usisa sakin ni sam
"Hay nako late ako nagising sa sobrang pagod." sagot ko habang pinapay payan ang sarili
Tinignan nya ako at unti unting nanalaki at mata nya na para bang may narealize or something.Tinuro nya sakin ang darili nya habang tatawa tawa.
Problema neto?
"Whoa! Pagod at late... Hmm! Nabalitaan kong nakila kailer ka daw nung sabado... Hmm i smell something fishy..."
maarte'ng sabi nya sakin habang naka hawak sya sa bibig nya
Nanlaki naman ang mata ko,
san nya nakukuha ang mga ganyan?Tamang hinala naman to!
"At late din si kailer, at mukang pagod hmmm hindi kaya nag---" bago pa syang makapag salita ng hindi kaaya ay ay pinigilan ko ng ang madaldal nyang bunganga
"Shut up! Hindi no! Never! It's not what you think, kadiri ka samuel clay!" inis kong sagot sakanyaat habang takip takip ang bibig nya
Tinapik nya ang kamay ko kaya inalis ko iyon.
"Okay if you say sooo..." sabi nya pero sa pagtingin nya at na nunudyo padin sya
Hindi ko nalang sya pinansin hanghang dumating na ang teacher namin.Nag simula syang magbigay ng feedback about dun sa report na pinasa namin gamit ang flashdrive.
"Good job markeze, after 3 years nagawa mo ang project mo ng maayos." manghang sabi sakanya ni sir
Napatingin naman ako sakanya at naka smirk ang loko at nag yayabang.
"But what happened to ms. Larkin? Mali mali ang format at report na ginawa mo." medyo disappoint na sabi sakin ni sir
Poker face lang ako kahit medyo masakit ang damdamin ko, ngayon lang kasi ako bumagsak sa project ko.
Nag kabit balikat lang ako.
"may hindi kaba naiintindihan sa mga lesson ko?" tanong nya
Actually lahat naiintindihan ko, pero anong magagawa ko napag palit ko na.
Umiling lang ako. Hinayaan nya nalang din ako.
"Makinig ka kasi ng mabuti." bulong sakin ni kailer
Tinaas ko sya ng kilay.
"Excuse me, nag aaral ako ng mabuti." mataray na sagot koMapang asar syang tumawa.
"E bakit mali mali yung project mo?" asar nya
Sagutin mo ang tanong mo, bakit mali mali ang project mo?
"Wala lang ako sa mood kaya mali mali yon, pero matalino ako gusto mo pataasan pa tayo e." pag mamayabang ko
Nag smirk sya."Sige ba, ang mababa manlilibre ng lunch." hamon nya
"Sige!"
Saktong nag pa quiz si sir kaya naman todo sagot kami, nag tataguan pa kami ng papel para hindi maka kopya.
"Okay pass your papers." sabi ni sir kaya sabay kaming tumayo
"Handa mo na wallet mo." asar nya
Nag smirk ako
. "Ikaw ang maghanda sa wallet mo dahil malilimas yan ngayon." asar ko din
Sabay kaming nag pasa kay sir, nauna pa kami'ng dalawa at yung iba pa ay nag sasagot pa.Nag maipasa lahat ay nag check na si sir.
"Hilton 15/30."
"limmer 10/30."
"piper nako 8/30."
"Martinez nako isa pa to! 3/30."
Napahawak sa ulo si sir habang sinasabi ang score nila.
Tumingin sakin si kailer ng tinawag ang pangalan nya.
"Markeze 21/30 good job!" sabi ni sir
Mas lalong lumaki ang ngisi nya pero hindi ako nag patalo nung tawagin ang pangalan ko.
"Larkin 10/30."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sir.
Sure sya don? Bakit parang mali?
Bakit ako magiging 10 e alam ko lahat ng tanong na binigay nya?
Wtf!
"Well well well, handa mo na ang wallet mo, gutom pa naman ako." asar ni kailer sakin habang hinihimas ang tyan nya
"Oh-wait! Sorry mali pala ako! Larkin got 21 while markeze got 10, im sorry!" sabi ni sirNapatawa ako'ng tumingin kay kailer na hindi makapaniwala.
Na miss Columbia sya ngayon!
"Well well well, handa mo na wallet mo, gutom pa naman ako." panggagaya ko sa sinabi nya at hinihimas ang tyan ko at binelatan sya.Bleehh!
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙂𝙞𝙧𝙡𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙞𝙨 𝙖 𝙈𝘼𝙁𝙄𝘼 𝙃𝙀𝙄𝙍𝙀𝙎𝙎
ActionPROLOGUE Hawak hawak ko ang envelope sa kamay ko at matagal na tinitigan to. Dumating ito kanina sa bahay at ngayon ko lang naisipang bukasan, wala kong kaideya ideya kung anong laman neto. Binuksan ko eto at kinuha ang laman. Tumaas ang kilay ko ng...