Kabanata 4
Yours
I stayed in my room. Pinoproseso ang mga bagay-bagay. I am not a particularly mischievous person, especially when it comes to males. Kaya naman lahat ng ginawa ay tinitingnan ko lang bilang isa sa mga kailangan kong gawin upang hindi itapon na para bang basura. If I am not as exciting as his flings, I know he will dump me. Hindi ko nga maintindihan na may mga ganoon palang tao sa mga probinsyang ganito. Kadalasan ay mahinhin ang mga lalaki at marespeto. Siguro ay dumaan dito ang masamang hangin at lahat ng iyon ay sininghot ni Archer. Kung sabagay, mayaman sila. Baka ganoon talaga umakto. Lalo na't marami silang ari-arian dito sa Nasugbu. Pati na rin sa Maynila, kaya naman kilalang-kilala talaga sila.
Napabaling ako sa cabinet na nasa aking gilid. Isinandal ko ang aking likod sa headboard ng kama at inaliw ang mga mata sa mga mamahaling gamit dito sa aking silid.
Naisip kong tupiin ang mga damit na dinala ko ngunit naalala kong si Perlita na pala ang gumawa noon. I turned my head and stared at the view outside. Maaga pa naman. Tirik na tirik ang araw. I don't think that I could walk well today. Dahil sa mga nangyari, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang kumilos. I'll surely experience the second hand embarrassment if I'm a different person watching myself argue with Archer earlier. Kung bakit ba naman kasi ako nakipag-away kay Archer. And it's all about my boobs! Sa buong buhay ko, hindi ko pa ginagawa iyon. Ganoon ba ako kadesperada?
I thought I would sleep until night, but Ivar knocked on the door. Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos. Mabuting pa-gabi niya na ako tinawag dahil alam kong kaunting libot lang ang aming gagawin. Maybe we will praise the rock formation and go home quickly. Hindi ko naman talaga gustong umikot-ikot sa isla dahil sa pagod, ngunit nahihiya naman akong tumanggi kay Ivar. Lalo na sa nagawa ko sa kaniya kanina. Iniisip kong ito ang paraan ko para humingi ng tawad.
"Sinabi ko na sa'yo, kuya won't accompany you." Iginiya niya ako sa bukana at hinawakan ang aking baywang.
Before we went out, I glanced again at the mansion. In particular, on the second floor. But the moment my eyes reached the second floor, I felt like I was freezing and not able to move. Tama nga ako! He is on the second floor! He's watching! Nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Ivar.
Serves you right, sir.
Ivar looked at me and asked me what it was, but I told him that I was just staring at the lizard at the mansion.
"Bukas aagahan natin. It's already four-thirty in the afternoon. Masyado yatang late para ipasyal ka. Malaki-laki ang Thalassa del Fuego," aniya at patuloy na naglakad.
Napangiti ako. Thalassa means sea. It's my mom's second name. Even if it's her second name, she won't allow everyone to call her that name again. Tanging si dad lang ang nakakatawag sa kaniya ng ganoong pangalan.
"That's a great name for an island. Sino ang nag pangalan?"
Patuloy ang paglalakad namin sa mainit na buhangin. Kung minsan ay iniiwas niya ako sa mga bato na pakalat-kalat sa tuwing hindi ko namamalayan ang mga ito.
"My dad and my mom. Pero si Papa ang nagpasimuno ng pangalan ng isla na ito. At first, they said that mom didn't like that name, but when she found out that thalassa means sea, she allowed it."
Tumango ako. "Medyo malaki ang isla na 'to. Kayo lang ang namamahala rito? Apat lang kayo at... May negosyo rin sa Maynila. Who manages the whole island, then?"
He sighed; huminto. Hudyat na ito na ang dulo. "Kami nina Mama. But my mother is busy helping Papa in Manila. Kaya madalas, si Kuya ang namamahala. Kasama na ro'n ang maliit na planta, rancho, at farm."
BINABASA MO ANG
Adoring Your Soul
Aktuelle LiteraturSoul Duology #1 Started: August 2020 Completed: November 2020 - Lohana Anoñuevo has never been enthralled with her fiancé, Archer Mercedes. She doesn't want to live in his menace world: he fucks; she does not; he is hubristic; she is meek and somewh...