Kabanata 34

295 13 6
                                    

Kabanata 34

Prayer

I returned to my room while crying. I can't believe that he actually thinks that I did that to his mother. I do not have any bad intentions towards Tita Alicia. Kahit pa malupit siya sa akin, wala akong naiisip na gawing masama sa kanya. I always behaved like an infant to keep this job until D-day. I'll admit that I am kind of stern toward Winnie, Peter, and people who treat me like nothing, but with Tita Alicia, I was like a controlled robot. 

Tama nga si Nathan. Pamilya sila. Mercedes sila. Sila-sila lang ang makikinig sa isa't isa. Even if I am the fiancé, if his mother is hurt, he won't care about me. I even tried to explain my side, but he didn't listen. Pinaniwalaan niya ang mama niya. Wala siyang tiwala sa akin. 

Nathan:

I heard what happened in the mansion. Sinabi ko nang umalis na tayo. Do you see? He won't fight for you. 

Ako:

Hindi ako aalis dito hangga't hindi tapos ang engagement party. 

Dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ngunit hindi ko alam kung anong oras matatapos ang party. 

Ako:

Alas nuebe. Pumunta ka sa likod ng mansion ng alas nuebe. Sasama ako sa'yo pauwi. 

Itatabi ko na sana ang telepono nang marinig kong tumunog muli ito. Ngumuso ako dahil sira yata ang pindutan ng volume dahil kahit anong pindot ko, ayaw mahinaan. 

Nanginig ang kamay ko nang muli iyong tumunog. Buti na lang at nasa kuwarto na ako, dito lang siguro dinig. 

I looked at the wall clock. Eight twenty eight in the evening. Kung nasa kuwarto nga ako at tunong nang tunog ang cell phone, maririnig pa rin nila dahil wala ng ingay sa labas. 

Nathan:

Sa bahay tayo uuwi. 

Nathan:

Alas nuebe? Bakit hindi na lang alas siete?

Pumikit ako ng mariin nang makita ang sinabi niya. Why does he need to question every decision I make?

Ako:

Alas nuebe dahil sinabi ko. At bakit sa bahay ninyo? Nakakahiya kay Auntie Sinag.  Nasaan si Miraes? She's the one who's taking care of the mansion. 

Nathan:

Taking care...

Ngumuso ako nang makitang parang in-echo niya ang sinabi ko. Marami ba siyang load? Hindi ko alam kung paano nagka-load ang sim ko. Ilang araw ko ring hindi nagamit 'to simula nang maghanap ako ng scholarship. Hanggang ngayon yata, wala akong nahahanap. 

Nathan:

'Wag ka nang magpalit kapag natapos ang party. Hihiram ako ng kotse sa kaibigan. 'Wag ka na ring magdala ng damit o mga gamit mo diyan.

Tumaray ako ang itinago na ang telepono ngunit muling napaungol nang marinig na tumunog iyon. 

0987654321:

Are you texting someone? Kanina ko pa naririnig ang cellphone mo. Gabi na. Matulog ka na.

I paused when I saw his text. Hindi ko alam kung kailan ko d-in-elete ang number niya sa contacts ko. I pouted and rolled my eyes again. Nanginig tuloy ako at nanlamig dahil sa text na 'yon. My heart raced a bit. Nakakainis na gano'n kaagad ang epekto niya sa akin isang text lang. 

Wala akong balak mag-reply. Pagkatapos ng nangyari kanina, wala na akong tiwala sa kanya. Siguro, kahit na umalis na ako, ayos lang na hindi kami magkakaayos. Ito naman ang huli naming pagkikita. Hindi na ako pupunta rito sa Nasugbu. Sa Maynila na lang ako. At kung magkakasalubong kami sa Maynila, malabong makilala niya ako dahil malaki na ako sa mga araw na iyon. Dalagang-dalaga na siguro ako at may iba nang nobyo. 

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon