Kabanata 28
Fiancé
I don't know why he stopped after saying what he said. Para bang nag-aalinlangan pang umalis. Hindi ko alam kung dahil ba sa palusot ko o dahil kay Ivar.
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at napansin ang matinding iritasyon na gumuguhit sa kanyang mukha. Naka amba na sa pinto ngunit hindi mapigilan ang paglingon sa akin. Gusto ko tuloy matawa dahil sa ikinikilos niya. Kung totoo ngang si Ivar ang dahilan nito, walang saysay ang pagtatampo o pagseselos niya. I don't like his younger brother. Noong una, nagustuhan ko ang ugali ni Ivar dahil siya lang ang nakakasundo ko, ngunit sa tinagal-tagal, napansin kong medyo arogante siya. Hindi niya pa ipinapakita iyon ngunit sigurado ako. Hindi katulad ng kuya niya: si Archer, mayabang ngunit straightforward.
Ngumuso ako at medyo napangiti sa naisip. Siguro kung maririnig ni Archer ang lahat ng ito, hindi na siya magseselos pa. Hindi ko nga alam kung mas nayayabangan ako kay Ivar o gusto ko lang si Archer kaya ko siya pinapaboran.
Napansin ni Archer ang pagngiti ko kaya mas kumunot ang noo niya. Ilang beses gumalaw ang panga. At sigurado akong sa mga oras na ito, hindi na talaga siya tutuloy sa trabaho lalo pa't sinundan iyon ng pagbukas ni Ivar ng pinto.
Medyo nagulat si Archer doon at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Tahimik lang si Ivar habang hinuhusgahan ako. Alam kong ayaw niyang mapalapit ako lalo kay Archer; mas gusto niyang lumayo ako upang hindi na mas lumapit pa ang loob ng kuya niya sa akin. Nasabi niya noong in love ako, pero hindi ko iyon tinatanggap, ganoon din siya, dahil minor ako. Kahit pa sabihin ko ngayon na mahal ko nga si Archer, hindi pa rin papayag si Ivar. Para bang nandidiri siya sa mga menor de edad na nagkakagusto sa ilang taon ang tanda sa kanila. Naalala ko tuloy ang batang madalas pumunta rito. Sabi ni Perlita, gusto niya raw si Ivar, pero halata kay Ivar na ayaw niya iyon, nandidiri siya.
Mas hindi na naalis ang iritasyon sa mukha ni Archer. Napansin iyon ni Ivar, kaya naman medyo kumunot na rin ang noo niya. He pushed the door slowly to get in, makiki-usyoso.
He looked at Archer and then returned his gaze to me. Tingin niya pa lang, halatang ayaw niya talagang nandito ako.
"Going to work?" puna ni Ivar kay Archer.
"No. Actually, my wife called me. Paalis na ako nang tawagin niya ako. She wants me here. Hindi na ako tutuloy sa trabaho. Tito Hercules and Elias are already there; hindi na ako kailangan." He looked at me and said, "ikaw? What are you doing here?" kalmadong aniya.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na kayang tumigin kay Ivar, matapos sabihin ni Archer iyon.
"I was looking for you. Sasama sana ako sa work. But I guess I'll leave alone. Perlita said you are here, so . . . ." He raised his brows.
"Then go to work, and you don't have to hurry. You can spend the whole night there. Kung gusto mo sa Isla De Merced ka na. Hear their suggestions about the engagement party. I need it."
BINABASA MO ANG
Adoring Your Soul
General FictionSoul Duology #1 Started: August 2020 Completed: November 2020 - Lohana Anoñuevo has never been enthralled with her fiancé, Archer Mercedes. She doesn't want to live in his menace world: he fucks; she does not; he is hubristic; she is meek and somewh...