Kabanata 5

339 26 0
                                    

Kabanata 5

He Won't Come



Takot man, mas pinili ko na lamang na bumaba. Lahat ng nangyari sa comfort room na iyon ay nagpapatakot sa akin. It is a comfort room, it should comfort you, but what happened last night shakes me. He didn't do anything bad to me, but I was shocked. Ganoon niya rin ba kausapin iyong mga babaeng naka-fling niya? O mayroon pang mas sobra sa ganoon?

I am sure he read my credentials and all. Kaya ang nakasaad roon ay nineteen years old. Of course, he thinks that I am already nineteen, so he could do those things to me. I don't know, but sitting in someone else's lap is odd. Especially if it was a man. Ngunit ano nga bang magagawa ko? We're fooling them, but that doesn't mean I'll allow him to do naughty things to me. Besides, I don't like him. At ang singsing na ibinigay ay pangpalubag lamang ng loob. Kung sa tingin niyang makukuha niya ako sa mga ganoong galawan, nagkakamali siya. Hinding-hindi niya na iyon magagawang muli.

"Miss!" salubong ni Perlita.

Agad na dumako ang aking mga mata sa hapag kainan. Wala naman kung sino roon. Naisip ko tuloy ang mga pagkain na inihanda ni Tita Alicia kahapon nang dumating ako. Malamang, lahat ng iyon ay naitapon na, o 'di kaya'y naipakain na sa alagang hayop.

"Hinintay po kayo ni Ma'am Alicia, pero umalis din kaagad. Mahaba po ang tulog n'yo kaya... tanghalian na po itong hinanda ko." She smiled afterwards.

Naglakad ako papunta sa hapag at binusisi ang mga nakahain. Hihilain ko sana ang upuan ngunit nauna si Perlita sa paggawa no'n.

"Si Ivar, Perlita?" tanong ko at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga pagkain.

Nang hindi marinig ang sagot, ang saglit na pagbaling ay naging matagal. Medyo kumunot ang noo niya at muling inisip ang tinanong ko. She is probably thinking about why I am looking for Ivar instead of Archer.

"Ah. Si Sir Ivar po ay kasama ang mga kaibigan sa rancho. Habang si Señor—"

"I'm only asking for Ivar, Perlita," I cut her off.

I was about to eat the food when we heard an awful din. Isang malakas na yapag ang nagpa-angat sa aking ulo mula sa pagkakayuko. A kid was standing in front of me while clenching her fist. Masama ang tingin sa akin.

"Bakit mo hinahanap si Ivar?" Taas kilay na aniya.

I chuckled a bit and looked at her again, especially her appearance. She looks very young with her thin body. Sa pagtawang ginawa ko, nainsulto siya at napakapit nang mahigpit sa mamahaling bag na hawak.

"Is there anything funny, Perlita?" tanong niya kay Perlita ngunit sa akin nakatingin. Mariin din ang pagturan sa mga salita.

"Miss Riry, bakit po kayo-"

"Where are Tita Alicia and Kuya Alas? Bakit ka nagpapasok ng dugyot na babae rito, Perlita?" her lips were trembling and her face was reddened.

What? Dugyot? Dugyot who?

"I was just looking for my friend—"

"I am not even asking you!"

"Okay...." I mouthed after she shouted.

Suminghal siya. "I'll come back next week. Kapag wala na'ng mga peste rito." She flipped her hair and gave me a disgusted look before leaving.

Okay, it's just a kid, Luan.

Tinawag pa siyang muli ni Perlita ngunit hindi na ito lumingon. When I glanced at Perlita, she looked at me apologetically.

Umiling ako. Kids nowadays. They have everything, so respect is slowly evaporating. Furthermore, the world is evolving as a result of technological advancements and the mass media. As a result, kids enjoy using social media platforms that they forgot how to respect.

"Naku, Miss! Pasensya na po! Batang-bata pa po kasi iyon. Bali-balita'y gusto si Sir Ivar kaya ganoon na lang kung mag-react."

Tumango lamang ako sa kanya, hindi interesado sa chismis.

"You can join me, Perlita. Wala pa naman sina Archer."

Napabaling ako sa engrandeng bukana ng mansion at pinagsisihang binanggit ang pangalan na iyon. He is with his friends, laughing and giggling on the threshold.

Mabuti na lang ay nakita ko ang isa kong pag-asa, si Ivar. Nang makita ako ay napahinto siya at iniwan ang kasama.

"Mabuti at nagising ka na?" He smiled. "I tried to reach out, but Perlita said you were asleep." He licked his lower lip.

Kinagat ko ang aking labi, naalalang hindi nga pala ako nakapagpaalam ng maayos kagabi matapos manatili sa comfort room kasama ang kuya niya.

"N-Napagod lang sa paglalakad, Ivar. But I am happy that you are already here!" I said, and I saw he parted his lips. Shock because of my excitement.

Gulat man, mas pinili nitong ngumiti.

"But... but someone's finding you, Ivar," pagbabago ko sa usapan. Kumunot naman ang noo niya.

He didn't say anything. So I moved my head a bit to see his friends. Katulad kanina, nagtatawanan pa rin ang mga ito ngunit nakaupo na sa mamahaling sofa. Hindi man gusto ngunit napabaling ako sa taong kinaaayawan ko. He was sitting on the left side of the sofa while letting a girl snake through his arms. Nakikitawa rin ngunit madalas na bumaling sa aming gawi. Nang makitang nakatingin ako, hindi niya na inalis ang kanyang pagtitig.

He then slid his hands down the legs of the girl. Napaiwas ako ng tingin at ibinalik iyon kay Ivar.

"Ay opo, Sir Ivar! Pumunta po rito si Miss Riry! Kung anu-ano ang sinabi kay Miss Luan. Mabuti na lang, mabait si Miss," agap ni Perlita, hindi na napigilang hindi magsalita.

"She did?" Ivar asked. He narrowed his eyes. "Where is she?"

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Ivar sa upuan. My brows furrowed. Is he mad?

"Umalis na, sir. Pero kaya ko pong habulin—"

"Let her be," pinal na sambit ni Ivar, at bumaling sa akin. "Join us. We will ride a horse. Marunong ka?"

Agad akong umiling at saglit na binalingan ang kanilang mga kaibigan. "Hindi. I don't like horses. Besides, I have plans for today, so... next time?"

Ngumiti siya at iniling ang ulo. "C'mon." He held my hand. "I'll be the guide."

"Ivar!" someone called him. Dahil doon, natunghayan nila ang magkahawak naming kamay.

"What's that?" komento no'ng isa at bumulong kay Archer.

"I am convincing her. Mauna na kayo."

"Tara na, Leilohana!" sabi no'ng isang lalaki. Nagulat ako dahil kilala ako nito.

Mariin kong nakagat ang aking labi at umiling. Unti-unting inaalis ang kamay sa kay Ivar ngunit mas hinawakan niya iyon ng mabuti.

"Kay Archer ako sasakay, ah?" anang nag-iisang babae.

"His fiancé is here, Winnie," someone said.

"Why? Hindi ko naman hahawakan! Besides, ako ang nauna rito."

Hahawakan ang alin?

Mas lalong sumama ang aking loob dahil doon. Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Ivar at marahang umiling habang binabawi ang kamay.

"I won't come, either."

Nangibabaw ang boses na iyon na nakapagpatahimik sa aming lahat. He slowly pushed the girl away and looked at me. Nagtaas ng kilay.

I saw Ivar's smile in my peripheral vision.

"So... I'll go with them? Si kuya na ang sasama sa'yo rito?" Mas lumawak ang kanyang ngiti.

He immediately walked away in triumph. Ang kuya niya'y madilim ang tingin sa akin habang siya'y papalapit. I tried calling Ivar again, but he didn't turn his head. Hindi ko maintindihan.

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon