Kabanata 1

709 31 10
                                    

Kabanata 1

Love

 

I think of the offer and what I had promised Miraes. Halos hindi ako makatulog kakaisip sa mga mangyayari o nangyari. Firstly, I promised that I would accept the offer. Secondly, I am not familiar with Mercedes'. Lastly, when I came to my senses, I realized that I was wrong. Padalos-dalos ako: ang mga desisyon ko. Dahil sa malungkot na kaibigan, bigla akong nagdesisyon na maling-mali.

"Yes, Mrs. Mercedes. Of course, handa na si Luan. Oh. . . ." Napahinto siya sa kaniyang pagtawa. "Okay! No worries, Ma'am Alicia. I prepared her credentials and emailed them to you. Yes, yes. Basta kotse na lang ang maghahatid sa kaniya diyan," aniya at tumawa muli.

Nakurot ko ang aking daliri. Hindi alam kung ngingiti o sisimangot dahil sa mga naririnig. I wish that this was just a dreadful dream. A dream that I'll forget eventually. Masaya naman ako; masaya ako para kay Miraes dahil magiging tulay ako para sa mga pangarap niya. I am aware that she is having a hard time making money. Sa tuwing sumasahod, tanging sa pamilya niya lamang napupunta ang mga iyon. Kaya ako ang nagpo-provide para sa aming dalawa at nakakahiya na marinig ang madalas na pagrereklamo niya tungkol sa mga niluluto kong ulam. Pagkakasyahin ko kasi ang singkwenta para lang magkaulam kami. Kung susuwertehin man, dadalaw naman si Nathan at dadalhan kami ng masasarap na ulam gawa ni Auntie Sinag, ang mama ni Nathan.

Nathan was my childhood friend. I should have called him Kuya Nathan, but I was used to calling him just "Nathan." Pabor naman siya roon, dahil hindi siya nagmumukhang matanda.

Muli kong narinig ang hagikgik ni Miraes. "When will you send the money, Ma'am Alicia? Just to make sure. . . ." She laughed awkwardly. "Oh! Naku at magaling naman itong si Luan," wika niya at sa wakas ay tiningnan ako na nakangiti pa rin.

She gestured with an okay sign.

Narinig kong nagpaalam na siya sa kay Alicia Mercedes. Kaya naman ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa mga pampaganda ni Miraes na muling nagulo kahit na kakaayos ko lang kahapon. Ramdam ko ang pag-upo niya sa kama at rinig pa rin ang mumunting hagikgik.

"Gagalingan mo lang sa pag-acting at unti-unti nating matatangap ang kalahating milyon. Huwag kang mag-alala dahil iingatan ko ang perang paghihirapan mo. Saka, hindi mo naman kailangan 'yon dahil. . . sa mansion ka na titira, hindi ba? Why won't you just act nicely and seduce the oldest Mercedes? Malay mo naman kumagat at pakasalan ka talaga!"

Umiling ako. "Dalawang buwan, Miraes. 'Yon lang ang usapan." Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos. Lumapit siya at kinuha ang matapang na shade ng lipstick.

"Kung ako iyon, naku! Talagang gagalingan ko para mabaliw ang Mercedes na iyan. Madali lang iyon. You need to be kind, serve him, and do whatever he wants, then voila! Baliw na sa'yo!"

Tinitigan ko siya at inagapan iyon ng tawa. "Baka naman ako ang unang mabaliw, Miraes? If I do that, surely he will think that I am really crazy over him. At iyang mga binanggit mo, hindi ba't . . . parang aso ka naman kung gagawin mo 'yan . . . ." Humina ang boses ko sa huling sinabi.

Mas pinakapal niya ang lipstick. "Well, at least he is mine. Talagang kalbo ang aagaw sa pera ko. I mean, saka roon sa magiging fiancé ko. Sayang din, 'no. I'll be a demon in bed while fucking him, so he won't forget it. Turuan kita?" Nangingiti siya.

Agad akong nailang. "No, thanks. I'll list what I have to do."

"Tips? You want? I am an expert, Luan. Baka naman ikaw ang mapikot ng Mercedes na 'yan. Baka isang haplos umuungol ka na—"

"Miraes shut up!"

"What?! You are just a kid. Ano ba, Luan! Natataranta tuloy ako kung ano ang gagawin mo sa mansyon na 'yon. Baka hindi natin makuha ang pera!" Hinampas niya ako.

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon