Kabanata 8
Trying Hard
Habang pabalik sa mansion, inisip ko ang sinabi niya. Pinili ko raw siya kaysa kay Ivar. Nababaliw na siya. I never chose him! Ni hindi ko alam noon na nabubuhay pala si Ivar. Ito lang ang napagkasunduan namin ni Tita Alicia, wala ng iba pa. So I couldn't possibly choose him over his brother. Kung alam ko nga ito noong una pa lang, baka nga si Ivar na ang pinili ko. Mas mukha namang mabait si Ivar kaysa sa kanya na masungit tingnan. He looked rugged and cocky. Hindi lang siguro "mukha" dahil ganyan talaga siya.
Twelve thirty nang makarating kami sa mansion. Katulad noong mga nakaraan, wala si Tita Alicia. Kung hindi aalis, nasa study room lang.
Maglalakad pa sana ako ng tuloy-tuloy ngunit may narinig ako mula sa salas. Nang maglakad pa upang kumpirmahin ang narinig, doon ko na natantong si Winnie iyon. Ang paboritong kaibigan ni Archer.
Sinipat ko si Archer upang tingnan ang reaksyon niya dahil nandito ang kaibigan niya. Katulad ng madalas niyang ekspresyon, wala iyong kuwenta.
"Archer!" salubong ni Winnie. Animo'y hangin lamang ako dahil nilagpasan lang.
Tinitigan ko sila at ipinagkrus ang mga braso. Napansin kong idinidikit ni Winnie ang dibdib niya kay Archer at halatang ipinapakita iyon sa akin. She smiled while brushing her breasts against him slightly.
I made a face and pursed my lips disgustedly. Cheap move.
"Ang bilis ninyo, ah? Balita ko eleven kayo umalis." Tumingin siya sa akin. "Na-bore ka?" Bumalik ang tingin niya sa kay Archer. Hinawi-hawi pa ang buhok. "Paano ba naman kasi... nagsama ka ng non-experienced—"
"Inexperience," pagatama ko at nginisihan siya.
Ramdam ko ang presensya ni Ivar sa aking likod. Mas nakumpirma ko pa iyon nang tingnan siya ni Archer sa likod ko. Winnie fixed her posture, mas idinikit ang dibdib kay Archer. Archer on the other hand, looks bored... or mad?
I don't care.
"Pakialam mo? Non-experience at inexperience, pareho lang 'yon! Kasama ako sa dean's lister... kaya huwag kang nagmamagaling!"
I shrugged. "Guess you prayed so hard for it." I rolled my eyes and faced Ivar.
Nginitian ko siya. Come on, Archer. Get mad and dump me. Humanap ka ng babaeng gusto ka. Babaeng maloloko mo at makokontrol mo. I may be a seventeen-year-old girl, but I know many things here in this world. Nadungisan na ang pagkainosente ko nang mamulat sa katotohanang hindi maganda ang mundo katulad ng iniisip ng iba. Hindi ito paraiso. The Earth is a sinful place. Lahat ng kasamaan ay dito nangyayari. There's no way that this is a paradise. Ang lahat ng lugar sa mundo, pinakamaliit man, ay nabahiran na ng kasamaan. Just play well so you won't lose.
Lumipas ang dalawang araw, hindi ko nakita si Archer. He never showed himself. Kapag naman tinatanong ko si Ivar, wala rin siyang alam o 'di kaya'y sasabihin na nasa farm lang ang kuya. Mainam siguro iyon ngunit nabuburyo ako rito. Ni hindi ko maaya si Ivar, dahil marami siyang kaibigan at malamang, mas gusto niyang kasama ang mga iyon. He isn't like Archer na makapal ang mukha.
Archer.
Natatawa ako sa aking isipan sa tuwing iniisip na nagtatampo siya. Paano naman? He is a big man. Paanong magtatampo 'yon? Is he a cry-baby? Ganito rin kaya siya sa mga ex-flings niya? Na kapag ayaw sa kanya o tinanggihan siya, gagawin niya ito? Para saan at para ano? Nagpapaawa ba siya? At kung maawa sila? Would they let him fuck them?
Umiling ako. Ang isip, Leilohana. This is bad!
Pinasadahan ko ang binatana. Maganda ang araw. Hindi ko napansin na halos magdadalawang linggo na ako rito; dalawang linggo ngunit hindi pa rin kami nagkakasundo. Ano naman? Gusto ko ba no'n? Gusto ko bang magkasundo kami? Gusto ko ba ng magandang koneksyon with him?
BINABASA MO ANG
Adoring Your Soul
General FictionSoul Duology #1 Started: August 2020 Completed: November 2020 - Lohana Anoñuevo has never been enthralled with her fiancé, Archer Mercedes. She doesn't want to live in his menace world: he fucks; she does not; he is hubristic; she is meek and somewh...