Kabanata 16

243 16 0
                                    

Kabanata 16

Hypocrite

I'm still sweating bullets. Kahit na kausap ni Nate si Peter, nasa akin pa rin ang atensyon niya. Hindi naman napapansin ni Archer iyon dahil abala na ngayon sa pakikipag-usap kay Perlita tungkol sa sinabi raw ni Tita Alicia.

Nag-iwas ako ng tingin sa kay Nate at muling umupo sa silya. He seems to be mocking me with his big grin. Hindi ako sigurado kung may galit ba roon dahil panunuya lamang ang nararamdaman at nakikita ko.

Pumukaw sa atensyon naming lahat ang pagbaba ni Tita Alicia. She was wearing a floral dress under her knee. Malinis na nakapusod ang buhok. Ngunit hindi ko napansin ang paborito niyang purse na palamuti lamang sa suot. Matapang ngunit marahan siyang bumaba sa hagdan, at nang Makita si Archer, Nathan at Peter, ngumiti siya. Nagtagal ang tingin niya kay Nathan.

"Peter," salubong niya sa pamangkin. Napabaling din sa kay Nate na animoy nahihiyang Makita siya nito. "Hijo," anito at ngumiti, hindi hinagkan si Nate.

"Madam," said Nate and smiled.

"It's been years since you last visited Nasugbu. Kumusta si Sinag?"

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Bahagyang tumingin sa akin si Tita Alicia ngunit sulyap lang iyon. My brows furrowed and I swallowed hard.

"You okay?" Hinilot ni Archer ang balikat ko.

Tumango ako at nakinig muli kina Tita Alicia. Archer joined them because Tita Alicia is commading Archer to do something for her.

"You can stay here for a while, Nathan. Maraming guest room ang mansion. Besides, hindi pa naman dumarating ang asawa ko. Sa engagement party pa," aniya't nilingon si Archer. "Sa garden muna ang pinsan at kaibigan mo. Ipinatatawag ka ng Tito Hercules mo." She rolled her eyes somewhere.

"For?" si Archer.

"He wants to talk to you to find someone. I know he has a lot of men, pero ikaw ang gustong makausap. Don't worry. Kleine and Kierran are also helping. I don't know why he is so whipped with Caitriona. Sa kapatid pa talaga ng asawa niya. Hindi naman inuutos ni Caitriona 'yon," aniya pa at muling tumaray. "His actions reflect. Go on, pumunta ka sa taas kasama itong si Peter. Ayaw ni Hercules na may pagala-galang San Diego sa Nasugbu." Tumingin sa akin si Tita Alicia.

She immediately walked away and swayed her hair, muling aalis.

San Diego? Who's that? Wanted?

"You can stay here. Puwede ring sa garden katulad ng sinabi ni Mama. Sasabihan ko sina Vanelle para may makasama ka," si Archer na hindi ko napansing nakabalik na sa tabi ko.

I nodded. He immediately called Peter and they went up. Hindi ko alam kung bakit nakaawang ang labi ko. Para bang may hinihintay na dapat niyang gawin na nakalimutan naman.

Naisip ko ang sinabi ni Tita Alicia at ang mga tingin niya sa akin. Alam niya ba kung sino si Nate sa buhay ko? Alam niya kayang nakikisakay lang ako kay Archer? Is she plotting something? At kasama ba si Nate roon? But Nathan is my childhood friend. May mga sinisikreto man sa isa't isa, madalas namang nagdadamayan. I know he respects the boundaries that I have built between myself and the people surrounding me. Kahit kay Miraes, may sinisikreto ako. There are just secrets that didn't have to be spilled out. Mainam na ikaw lang ang nakakaalam.

I was about to relax when I heard him clear his throat. Ngayon ko lang napansin na kami na lang ang narito. I am pre-occupied the whole time because of his presence. Hindi pa rin ako makapaniwala at natatakot sa mga puwede niyang gawin.

He knows I'm not into relationships and don't believe in love, and he can simply tell Archer that. I'm solely interested in money and things that might help me survive. I adore things that help me survive on this dreadful planet. At kung sasabihin man niya iyon kay Archer, wala pang ilang minuto ay mapapalayas na ako rito. Katulad ng ginawa nila sa huli niyang ex-fiance, hahanap agad sila ng kapalit. They appeared to be changing their clothes and spewing hot rice. Madaling-madali sa kanila ang magbitaw ng mga tao o bagay dahil mayaman sila. Even though I had the privilege of being a princess, I can confidently state that neither my parents nor I were ever involved in such depravity. Masahol pa sa hayop ang mga ginagawa nila ngunit wala naman akong mapagpipilian dahil kailangan ko ang pera nila.

Nate walked towards the door, ramdam kong hinihintay niya ako.

I stood up and looked at my clothes. Is this a hint? Kaya ba naisip ko siya noong gabi at kanina dahil dito? Is going here his dream and plan? Bakit ba hindi ko naisip iyon? Noong una pa lang. Kilala niya na ang mga Mercedes. Obviously, he knows this place too, because it is a famous place! Kahit pa sa Maynila ay sikat ito. Hindi ko lang siguro alam noon dahil hindi ako interesado at aminado namang narinig na ngunit hinahayaan lang. Kung ito nga ang plano niya noon pa lang, ibig sabihin binigyan niya lang ako ng isang buwan dahil... unang araw na ng Mayo ngayon?

"Umalis ka na," bungad ko sa kanya nang maabot siya.

There are diamond chairs in front of us and a round table. Gustuhin ko mang umupo ay hindi ko magawa dahil sa panginginig at panlalamig. I am so eager to make him leave. At kung hindi, ako na mismo ang kakaladkad sa kanya papalayo sa mansion na ito.

"Bakit ako aalis kung ikaw ang sadya ko rito, Luan? I gave you a month to play with Archer. Ubos na ang pasensya ko kahihintay sa'yo. At kung hindi ka pa sasama sa akin-"

"Magsusumbong ka?" I cut him off and killed the distance between us. "Why? Are you dumb? You are two years older than me but you don't know the words 'privacy' and 'respect'. Bakit ba nangingialam ka?"

Lumupit ang kanyang ekspresyon, ang paborito niya. "Ano ba sa'yo 'to, Luan? I am your friend! At mas matanda nga ako sa'yo kaya alam ko ang tama! Pinigilan na kita noon pero nagpumilit ka pa rin!" sigaw niya, napatingin ako sa itaas ng mansion at agad na tinampal ang braso niya.

"Shut the fuck up! I went here because I wanted to! Hindi ako mabubuhay ng konstraksyon-konstraksyon mo na 'yan at hindi mo ako pamilya para buhayin! I can feed myself, kaya lumayas ka na rito!"

Bahagyan siyang natawa. "You can feed yourself? Through what, Luan? Through selling your body? Bakit, nagustuhan mo na ba? Hindi naman 'di ba?" He laughed again. "So you're pretending? Kunwaring nagkakagusto ka na? At ano ba ang ginagawa n'yo-"

"Manahimik ka!"

Mas dumilim ang pagtingin niya sa akin. "You're a minor! Baka nakakalimutan mo? Kapag nalaman niya 'yon, mandidiri siya, Luan! At kapag nalaman kong may ginagawa siya sa'yong kagaguhan, ipapakulong ko siya!" His fist is trembling while he looks at me darkly. Halos mamula na rin ang mukha dahil sag alit at tila nakaukit na ang nakakunot na kilay dahil sa sama ng loob. "Kahit na hindi ko siya ipakulong, kapag nalaman niyang menor de edad ka, siya mismo ang magpapakulong sa sarili niya dahil sa pandidiri! Being with a hypocrite minor is disgusting, Leilohana!"

Dahil sa matinding emosyon ay nasampal ko siya. Umigting ang kanyang mga panga. Bakas pa rin ang pagkakasampal ko sa kanya.

"Fuck you and fuck your plans! Bakit ba pati rito sa Nasugbu ay hinabol mo ako? Why, are you into me?" Natawa ako. "Kadiri ka naman. At kung hindi, calm your cock down! Kung tama ang hinuha ko, maraming babae rito! Fuck them endlessly, wala akong pakialam sa'yo!"

"Ang mga sinasabi mo, Leilohana! 'Yan ba ang tinuturo sa'yo ng Miraes na 'yon? Sinabi ko nang layuan mo 'yon! At mali ka. I care for you as a young sister! You're not even my type! Kung unang beses kitang makikita, sigurado akong pagkakamalan kitang nasa sekondarya ng high school! Kung hindi ka sasama sa akin pauwi, gagawa ako ng paraan para mapilit ka. Huling paraan na ang papuntahin dito ang lolo at lola mo."

"What?" mas napukaw ng aking atensyon ang huli niyang sinabi.

He smirked slightly. "I won't repeat what I've just said. Minor ka at ang mga desisyon mo, baluktot. I will not drag you out of here for your dignity. Pero mapapaalis kita rito, Luan. Why? Because you are a minor and you are my friend.

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon