Kabanata 14

271 21 1
                                    

Kabanata 14

Leave

I don't know if he is serious about what he said last night. Kung totoo man iyon, mahihirapan siguro akong umalis. Naisip ko kung gano'n din ba siya sa mga ex-fiancés niya. Na ang lahat ng ginagawa niya para sa akin o ang mga ginagawa namin ay nagawa na nila noon. Isn't it good if we talk about his life? Lalo na ang tungkol sa ex niya.

Kumunot ang noo ko sa naisip. Do I want to comfort him or only want to know what happened years ago? Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin? At saka, bakit hindi ko alam 'yon gayong kilala naman ang pamilya nila. Kadalasan sa mga ganitong probinsya kumakalat ang mga chismis. May patong man, may posibilidad naman na totoo 'yon. Hindi ba 'to alam ni Miraes?

Kinagat ko ang labi ko at sinipat ang sarili sa banyo. Maaga akong nagising dahil nag-alarm. Medyo excited kasi ako sa sinabi ni Archer kagabi. Aalis daw kami. Ang huling alis ko sa mansion noong kasama ko pa siya sa farm, at dahil sa mga away namin, hindi na kami nakakapasyal. I don't want us to argue again because my time is burning. Kung mag-aaway lang kami nang mag-aaway, walang mangyayaring character development. Walang development na mangyayari sa aming dalawa. I know that he's a bit smitten, but it's not enough. Having the knowledge that he is hiding something from me about his ex makes me doubt. Kung hindi niya na maaalala ang ex na 'yon, malalaman kong gusto na nga niya ako.

Umirap ako sa kawalan at pumunta sa walk in closet. Hahanap na naman ng masusuot para ma-impress si Archer. Halos lahat ng damit o dress dito ay branded. Even the closet itself looks fabulous. Its color is gold and white with small details in it. Sa tuwing natatapatan ng araw, kumikinang. It looks like a real gold, babasagin.

I pouted as I looked at the clothes. Noong nakaraan H.M ang tatak noong sinuot ko. At ngayon, pinamimilian ang Forever twenty-one o Dior. Sa huli, pinili ko na ang eleganteng white dress.

"Ruffled Short Sleeve Tunic High Side Split Dress," basa ko sa pangalan ng dress.

I sighed and wore it. Hindi ko sana gusto ang ganitong dress at napagpasyahan nang pumili na lang sa mga dala na galing tiangge, pero nang halungkatin ko ang mga dala kong bagahe, nakita kong wala na ang mga 'yon.

Probably, Tita Alicia let Perlita throw those clothes in the bin. She's elegant. She doesn't want anything cheap in her mansion. Dapat lahat, elegante at papasa sa standards niya. Ganoon din kaya ang ibang Mercedes? Matapobre ba ang mga tita nina Archer? Mababait kaya ang mga pinsan niya?

Huli ko nang ginawa ang light makeup. It keeps my face looking vibrant. Natural na kasi sa akin ang maputla at kung hindi magme-makeup, magmumukhang may sakit o multo. I could already hear Tita Alicia's sermon if she saw me not wearing makeup. Tiyak, mandidiri lang at uutusan akong magsuot ng kolorete.

"Beautiful than mornin'," ani Archer at umambang pero pinagtaasan ko lang ng gitnang daliri, ngumiwi siya.

I arched an eyebrow, nilagpasan na siya.

"We're not gesturing dirty gestures in the morning, miss ma'am." Sumunod naman siya.

Tumaray naman ako. "It's already nine in the morning, Archer. Where will we go?"

He kept chasing me. Nainis 'ata ako dahil hindi na nakita ang mga dalang damit. They were my clothes since I was fourteen, at dahil hindi naman mataba, kasya pa rin sa akin ang mga 'yon. At 'yong iba roon paborito ko pa na bigay ni mommy. Mabuti na lang, hindi ko dinala lahat ng damit ko.

"Hey...." Inabot niya ako pero binawi ko ang kamay ko.

"Where to?" muling tanong ko, napabuntong-hininga siya.

"Lipa," sagot niya.

Lipa? Saan naman 'yon?

"For what?"

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon