Kabanata 27

226 15 0
                                    

Kabanata 27

Bored

My lips were still parted because of what he said. Nanginginig kong ibinaba ang aking mga kamay, inalis na ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo. Matalim pa rin ang titig niya sa akin, naninimbang. I wiped the tears from my cheek and laughed. 

"I am not in love with anyone!" I averted my gaze as I shouted. 

Rinig ko ang lalim ng kanyang paghinga. When I returned my gaze to him again, he was still looking at me in a serious way. Walang kahit na anong panunuya sa kanyang mukha. He really wants me to leave!

"Stop being in denial. Kung ayaw mong aminin, walang pipilit sa'yo, but I want you out of here. Magsisisi ka sa huli kapag nanatili ka pa rito. I'm giving you options. If you leave now, I'll give you money; if you don't leave, I'll let you taste my punishment." Tumalikod na siya. "The first one is more convenient for you. Choose wisely. If you choose the second one, you'll taste every part of that punishment." He slammed the door. 

Napa-upo na lamang ako sa kama habang kagat-kagat ang labi. Kahit na hindi niya ako bigyan ng pamimilian, sigurado na akong gusto kong manatili rito. I knew Miraes had enough money. Hindi ko alam kung ang beses na siyang naabutan ni Tita Alicia ngunit nasisiguro kong malaki-laki na 'yon. Kaya kahit na walang matanggap sa huling araw ay ayos lang. 

At first, when Ivar said I needed to leave, I thought of the money. I want full payment. It would be enough for me and Miraes. Baka hindi na makuha sa amin ang bahay kapag marami na kaming pera. I know that those hundreds of thousands of cash are insufficient to compensate for my problem. Kukunin sa amin ang bahay . . . kukunin sa amin iyon ng grandparents ko and they have enough money to do that. At ako, wala. 

Kinagabihan, hindi na ako bumaba para sa hapunan. Rinig kong kumatok si Archer, ngunit hindi ko siya nilabas. He has access to my room, but he didn't go in. Hindi ko kayang makasama si Ivar sa iisang hapag. Sa lahat ng panunuya nina Winnie, Tita Alicia, at Peter, sa kanya lang ako takot. Hindi dahil sa mga salita niya, kundi dahil alam niya ang totoo. Alam kong walang-wala sa pamilya nila kung kakalat mang naloko sila ng desi siete anyos. They can cover it up and make a new issue, hanggang sa mamatay ang isyu tungkol sa akin. I know Ivar knows it, but he is protecting his family. Especially Archer. Hindi lang naman ako ang maapektuhan kapag sinabi niya ang totoo. Archer would experience a deep breakdown if he knew I was a minor. 

Kinabukasan, nagpahatid na lang ako ng pagkain kay Perlita. Gano'n ang naging desisyon ko. Dahil hindi lumalabas ng kuwarto, alam kong alam na ni Ivar kung ano ang pinili ko. Surely, he would make me taste his punishment thoroughly. Kung ano man iyon, tatanggapin ko na lang. After all, I'd stay here for a few more days. Ilang araw na lang. 

Naihatid na ni Perlita ang pagkain at ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't have any work to do. Hindi ko pa rin gustong magpinta, at ang course naman na kukunin sa kolehiyo ay wala pa sa isipan ko. I only have a few weeks left, ngunit hindi ko pa iyon napagpaplanuhan. Siguro, tatawag na lang ako kay Miraes para i-enroll ako o puwede namang humabol na lang. 

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon