Kabanata 7

302 23 0
                                    

Kabanata 7

I Make You

Hindi ako makatulog noong gabing iyon. I wanted to laugh endlessly. He is Archer, Mercedes siya. Malamang, ginagawa niya lang ito para mahulog ako sa kanyang pain. He would never be serious with a girl like me. Halatang-halata na mahilig siya sa babaeng ka-edaran niya.

I'm aware of his preferences and desires. A woman with a big booty, big boobs, and a wicked attitude. I don't even have the "characteristics" that he admires or desires. Paanong seseryosohin niya ako? If I know, he only wants to fool me.

I tried calling Miraes but she did not answer. Gustong-gusto kong magtanong sa kanya tungkol sa mga Mercedes dahil siya ang lubos na nakakakilala sa mga ito. Ilang beses ko nang t-in-ry na kausapin siya ngunit wala.

Today is the day. Pupunta kami sa kanilang farm. Malaki raw ang farm na iyon ngunit nasabi niya sa aking may mas malaki pa. Kahit sa rancho, at sa resort na ito ay mas may malaki pa. Iniisip ko kung saan iyon. Ibig bang sabihin... may iba pa silang isla? At mas malaki iyon kaysa rito? At ano pala ito? Mini Island? No! Malaki ang mansion nila, kahit na ang rancho at farm. Ano pa kaya kung... iyong binabanggit niya?

"Islas de Merced. The Mercedes clan were living there. Kung hindi mismo sa isla, sa labas ng isla, pero malapit lang din," kwento niya.

Patuloy kaming naglakad. Kumunot ang aking noo. "That island is bigger than yours... at doon nakatira halos lahat ng Mercedes. Bakit naman malayo kayo?"

Kung lahat ng Mercedes ay doon nakatira, dapat, doon din sila. Katulad noong naisip ko kanina, malaki na ang isla nila. Hindi ko na maisip kung gaano pa kalaki ang binabanggit niya. Malamang, sobrang laki no'n, lalo pa't doon nakatira ang lahat ng Mercedes. Ibig bang sabihin... marami siyang pinsan?

"My lola is rugged. Ayaw ni Mama kaya bumukod kami."

Bahagyang napaawang ang aking labi ngunit agad ko iyong itinikom. Dahil doon ay bumukod sila? I can't believe it! Dalawa ang isla ng mga Mercedes. At sila, kanila talaga ang isla na iyon! Mayaman sila pero...

I just shut my mouth. I lived a fancy life in the past, but I am not as rich as them. Naiisip ko kung gaano kalaki ang isla na iyon. Kung gaano karami ang pinsan na mayroon siya.

He is a Mercedes. A-god-like human being. He must be "respected" because of his title, but I am fooling him. Niloloko namin sila. Hihintayin ko lang ang araw na aayawan niya ako at kukunin ko na ang pera na para sa amin ni Miraes.

Karma niya na siguro ito. I am his karma.

Nakarating na rin kami sa kanilang farm. It's sweltering outside. The sun was high in the sky, which was a brilliant blue. It blazed brightly, as if it was hell-bent on scorching everything beneath the sky.

There was a nipa hut by itself, next to a mango tree. I strain my eyes to get a better view of the intricacies. And there, the tall coconut trees stood willingly: they were perfectly aligned. The sun's heat seemed to be scorching everything right now, yet the breeze was keeping it at bay. Our bodies were being brushed by the breeze. The trees danced as the wind touched them.

Napansin yata ni Archer ang pagrereklamo ko sa utak ko, kaya naman may inilabas siyang payong at ipinagdikit ng kaunti ang aming mga katawan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sinabi ko naman na huwag alas-onse dahil sikat na sikat ang araw. Pero nagmagaling kaya naman halos masunog na ang balat ko rito. Habang siya, sanay naman. Lalo na't paborito niyang mag trabaho rito.

"I told you. We can go here before sunset. Medyo mahangin at maganda ang araw." Tumaray ako.

Sinabi niya pa sa akin kanina na kukulimlim daw at medyo aambon. Pero kahit na anong sipat ko ngayon sa kalangitan, talagang wala. Nananakit lamang ang aking mga mata dahil sa sikat ng araw.

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon