Kabanata 2

473 27 2
                                    

Kabanata 2

Brushing

It's funny how I organized everything. I accepted the opportunity because I'm well aware that I'll never fall in love. Even if I tried to sugarcoat it by telling myself that I was doing it for my friend and my future, the fact remains that I would take the offer because of the money.

Naiwan ako sa kuwarto. Umiiyak at mabigat ang dibdib. Wala naman si Miraes dito upang damayan ako, dahil naroon pa rin sa bar mula pa kahapon nang siya ay umalis. Tiwalang-tiwala siya na talagang ako'y aalis na gagawin ko naman talaga para sa aming dalawa. She didn't call me. Tingin ko ay abala siya sa ginagawa sa bar. Mas mabigat nga ang kaniyang trabaho. Dahil buong gabi, pagsisilbihan ang mga customer. Minsan nga, pinagdarasal ko na sana ay hindi siya alukin ng kung anu-ano ng customers sa bar. 

Dala ko pa rin ang malaking bag, at nang makita ng tauhan na ipinadala ni Ma'am Alicia, agad akong tinulungan nito. 'Di kalayuan ay pinanonood ako ni Nathan. Batid kong hindi niya pinalalabas si Auntie Sinag dahil kapag nalaman nito ang gagawin ko, tiyak na pipigilan niya rin ako sa aking gagawin. Ikakagalit niya ito na puwedeng maging resulta ng eskandalo na hindi ko naman gustong mangyari dahil maraming tao rito na hilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao at 'yong iba, may dagdag pa. 

Nakatitig si Nathan. Nakasandal ang kanang kamay sa pundasyon ng kanilang kubo habang madilim na nakatingin sa akin. Ipinaliwanag ko na sa kaniya kanina ang papasukin ko ngunit nakaukit na sa kaniyang isipan na gagaya ako kay Miraes, na maging escort.

Mabilis kong iniwas ang aking paningin sa kaniya at agad nang pumasok sa malaking van na puti.

Nang umandar na ang makina, muli kong tiningnan si Nathan na nakatitig pa rin sa akin. Kinabahan ako nang nawala na siya sa aking paningin. Natatakot pa rin ako sa papasukin ko. Ni minsan, hindi ko nakausap ang Alicia na iyon. Tanging si Miraes lang ang kanyang nakakausap at si Miraes naman ang nagsasabi sa akin kung anu-ano ang kanilang pinag-usapan. Tinuruan din ako ni Miraes kung paano ang gagawin. Liban na lamang sa mga hindi kaaya-ayang bagay na gusto niyang ituro sa akin. Hindi ko na lamang pinakikinggan ang mga sinasambit niya kapag tungkol sa mga bagay na hindi ko gustong marinig. 

Miraes told me that if Alicia's son didn't want me, she'd let me go with a small sum of money. Tiyak na kukuha agad sila ng pamalit. Guess it works like that, huh? Mommy and daddy aren't into arranged marriages. They won't even benefit from it. Kung buhay pa sila, hindi ko ito gagawin at nasisiguro kong hindi nila ako papayagan lalo na kung hindi ko naman ito gusto. But no one likes me among our relatives. Papa's side, which is lolo and lola. They want me, but they will put up barriers just to discipline me, as they did to daddy, which doesn't sit well with me. Kaya naman pilit ko silang tinatakbuhan. On my mother's side, her sisters hate her. Lahat sila ay hindi ako gusto at hindi ko naman gustong ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. 

Nang lumiko ang van ay napukaw ang aking atensyon ng magagandang tanawin. As I soaked in the landscape, I felt a sense of pride and serenity wash over me. All were unique, with each person having their own distinct sense of style, which was mirrored in their respective fields. What you see is a work of art. Earlier, we drove past a mansion. It was my first sight of a mansion in Batangas. However, as time passed, the one mansion seemed to be fragmented, as it was no longer just one but many. I'm not sure whether it's needed or whether they're only wealthy.

Each mansion was distinct from the others. They were separated by large gardens. It's incredible how they want the trees and flowers in their gardens to dangle. It fascinates me. The calm scenery and the smell that only smells faintly.

My wide-set eyes saw the clouds above me as I looked up. There were a lot of tumultuous, gloomy, and ragged clouds in the sky. I was about to divert my eyes when I saw a distant mountain that seemed to be reaching out to me.

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon