Kabanata 31

229 13 0
                                    

Kabanata 31

Distant

I don't know where to go. Pinagsisisihan kong umalis pa ako sa silid na 'yon. Nilingon ko ang baybayin at tumingala upang tingnan ang papalubog na araw. Papalit na ang buwan na ngayo'y lumalapat sa kanluran. 

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang buwan. Why do I feel so far away from you? Noong unang tapak ko rito sa Nasugbu, para bang ang lapit-lapit ko sa'yo. Ngayong nagdaan na ang ilang buwan at linggo, pakiramdam ko, ang layo-layo mo na. Masyado ka nang mahirap abutin.

Bumagsak ang tingin ko sa buhangin at marahang umupo roon upang panoorin ang magandang tanawin habang nalulunod sa kalungkutan. Hindi naman ako nalulunod, pero pakiramdam ko, nasa ilalim ako ng tubig at kahit na anong sigaw ang gawin ko para maibsan ang nararamdam, walang nangyayari.

Nakayanan ko naman lahat ng binatong masasakit na salita nina Nathan at Winnie no'ng mga nakaraan. Pakiramdam ko pa, waging-wagi ako noong mga oras na iyon dahil kinampihan ko ang pride ko at hindi ako umiyak. Ni hindi ako nagpatinag dahil lang sa mga sinabi nila. Pero pagdating sa kanya, isang galaw o salita, masakit na kaagad. Ni kaya ko pang alalahanin ang ekspresyong ipinakita niya sa akin kanina, at kung paano niya kausapin si Winnie. Higit sa lahat, ang pagsisisi sa mga mata niya na kung hindi ko nga nakita iyon, hinding-hindi siya aakyat.

Lahat ng iyon ay nangyari lang ng isang buong araw, kaya hindi ko kayang iproseso sa utak ko ang lahat. Nangyari pa ngayong kaarawan ko. Ngayong espesyal na araw nangyari lahat ng iyon. I want this day to be perfect. Gusto kong mag-celebrate kasama siya nang hindi sinasabing desi-otso na ako. Para lang kahit na hindi niya alam, espesyal pa rin ang araw na ito dahil sa kanya, pero dahil sa mga nangyari, gusto ko nang kalimutan ang araw na ito.

I'm not sure where it came from, but it stings my heart when memories of what happened when he was with Winnie come flooding back. I'm not sure where it came from, but it stings my heart when memories of what happened when he was with Winnie come flooding back.

. Sa pang-ilang beses, pinalis ko ang aking luha. Nakakainis na kahit na anong isipin o gawin ko, patuloy pa ring tumatakas ang mga luha mula sa aking mga mata.

All I could do was regret my decisions. Kung maibabalik ko ang panahon, sana, hindi na lang ako pumunta sa lugar na ito.

Itinaklob ko na ang kumot sa aking tainga dahil sunod-sunod ang malalakas na katok mula sa pinto ng aking silid. Umirap ako at mas diniin ang kumot sa tainga.

"Let's talk, Lohana," sa panglimang beses na aniya, garalgal na ang boses.

The special day has passed. Pagkatapos magmuni-muni sa baybayin, agad akong umuwi noong gabing iyon at dumaan sa back door upang hindi mapansin. Nagtagumpay nga ako dahil ni isa sa kanila, wala roon. Ngayon umaga lang ako kinatok nang mapagtanto nilang nandito na ako."

I don't want to talk, Archer. Respect that—" Natigil ako sa pagsasalita nang malakas na bumukas ang pinto. Kasabay no'n ang mabilis kong pagbangon mula sa pagkakahiga.

Madilim ang tingin niya sa akin habang unti-unting binibitawan ang pagkakahawak sa pinto. Nilingon ko ang labas at nakita ko si Perlita na nakasilip habang hawak ang tray ng pagkain. 

"Pumasok ka, Perlita," ani Archer ngunit umiling ako. 

"Hindi ako nagugutom. Hindi ako kakain. Umalis ka rito—"

Bumagsak ang mga mata ko sa kanyang kamay na kumuyom. Dahil doon, mas nag-alab ang apoy ng galit sa aking kalooban. Bakit parang galit siya? Bakit mas galit siya kaysa sa akin?

"Bring the food in, Perlita."

Walang kung anu-ano ay pumasok na si Perlita at inilapag ang tray sa mini table. She went out, and I was a bit shocked when she closed the door. Nang balingan ko si Archer, ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Madilim at mariin kung makatingin. Marahan kong kinagat ang aking labi nang mapansing parang stressed siya at mabilis na tumubo ang balbas. Kumpara sa kahapon, medyo humaba nga 'yon.

"Hindi ako sabi nagugutom, Archer. I don't want to see you here. Umalis ka na."

"Hindi ka pa kumakain mula nang umuwi ka."

I blinked twice when his expression changed. It was hard earlier, but it has changed. Lumambot iyon matapos niyang sabihin ang kanyang sinabi. Despite that, I furrowed my eyebrows and looked away.

"You looked mad when you entered this room. Bakit? You have the right to get mad after laughing with another girl while we have a misunderstanding?"

He looked away before answering. His jaw clenched and he shook his head. Muli akong nagulat nang medyo lumapit siya. I made him pause, and he did.

"I am sorry," he said before I opened my mouth. Matagal ko siyang tinitigan at muling nag-iwas. "I should've asked and didn't judge you. Galit ako dahil hinayaan kita kahapon. Dapat kinausap kita, dapat nakinig ako. But I let my feelings get the best of me. Eat. After that, we will talk."

"Hindi. I don't want to talk to you," ulit ko, pinalis ang traydor na luha. "Get out of here."

Nagulat ako nang umupo siya sa kama at yakapin ako. I did not want to hug or touch him, but I grabbed the back of his shirt firmly. Umiling ako at ibinulong, "We won't be okay as before because of hugs and kisses."

"I know." He brushed my head. "I am just sorry. Kumain ka na, at kung gusto mong wala ako rito, aalis ako. Kung bukas o sa susunod pang mga araw mo gustong magpaliwanag, hahayaan kita. Makakapag hintay ako, Lohana."

Tumango ako sa aking isipan. Mas gumugulo sa akin kung bakit siya sumama kay Winnie. Kung bakit si Winnie at kung paano nangyari. 

I don't know how to fix arguments in relationships. Katulad nito. In particular, we have a strong intimacy with each other. 

Why do I feel like he cheated on me? I feel like he betrayed me. For me, it is not shallow. Masyadong masakit para tanggaping hinayaan niya ako kahapon habang may kasamang iba. Am I overreacting? 

"Why were you with her?" Bumitaw ako sa pagkakayap. He sighed.

"We did have plans before, but I cancelled it, and I was waiting for you to cool off your head. Mainit din ang ulo ko, kaya mas pinili kong umalis. I didn't know she'd show up. I realised I was wrong when I saw you in that window."

"Do you like her?"

"I don't like her, Lohana." He looked straight into my eyes. 

Where is the endearment?

"We have a problem other than those two. I don't know if I have that problem or you have it," I said. "You are so distant from me. You became distant, Archer. Ang layo-layo mo. I don't know, just leave, please."

Adoring Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon