Kabanata 30
Time and SpaceHindi niya sinabi iyon ngunit sigurado akong nandidiri siya sa akin. Nandidiri siya sa nakita niya. At sigurado akong mas nakumbinsi niya ang sarili niyang nagsisinungaling ako dahil dati ko nang nabanggit sa kanya na hindi ko nga kilala si Nathan pero ngayong nakita niyang magkayakap kami, inisip niyang nagsisinungaling ako. What should I do? I told him that we weren't related to each other, but then he saw us hugging! Sigurado akong nakita na siya ni Nathan sa likod ko kaya niya ginawa iyon!
Hindi ako mapakali. Ilang araw na lang at gaganapin na ang engagement party. Hindi puwedeng magkaaway kami bago ang party na iyon. That is what Nathan wants. Gusto niyang umalis kami sa Nasugbu bago ng party dahil iniisip niyang mapapahamak ako na hindi naman!
Gusto kong matawa dahil iniisip ni Nathan 'yon na imposible at hindi naman mangyayari. I am sure things will fall in the right places, just like what I am expecting. Kung hindi siya mangingialam, magiging maayos nga ang plano ko, pero dahil nangialam na siya, kailangan ko pang ayusin ang gulo na ginawa niya!
Should I ask Archer? Should I ask him to let Nathan leave? Pero kung gagawin ko 'yon, mas lalo lang siyang maghihinala at malabong manyari dahil galit siya sa akin!
Ilang beses kong narinig na kumatok si Perlita, ngunit hinayaan ko lamang. Ni isang salita ay hindi ko ginawa. Kahit na nag-aayos na ng kuwarto, hindi mawala sa isipan ko ang nangyari. Ni hindi ako makahanap ng scholarship dahil sa mga iniisip.
"Miss, meryenda na po—"
"Hindi ako gutom, Perlita! At sinong nagpapabigay?"
Hinintay ko ang sasabihin niya. Umakto ako na para bang inilalapit ang tainga sa pinto upang mas marinig ang sasabihin niya. Ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin.
Dahil sa inip, magsasalita na sana ako nang mauna siya.
"Ako lang po, Miss Lohana. . . napansin ko po kasi na hindi pa po kayo lumalabas simula nang bumalik kayo ni Señor kaninang tanghali, kaya naisip ko pong hatiran kayo ng makakain."
Nag-iwas ako ng tingin at umirap sa kawalan. Hindi si Archer.
"Where is he?"
Muli, pinalipas niya muna ang ilang minuto bago sumagot.
"K-Kasama po si Ma'am Winnie. Pumunta po kasi si Ma'am Winnie rito at sinabing may usapan daw sila ni Señor. . . ."
Usapan? May usapan sila? We had a misunderstanding and he went out with Winnie? Nababaliw na ba siya?! Or was he really into her in the very beginning? Talagang pinapaikot niya lang ako! How can he go out with another girl when his fiancé has a heavy heart? Gago pala siya!
I crumpled the paper in my hand. Kanina, susubukan ko sanang magpinta o gumuhit, pero dahil sa nabalitaan ko, wala na akong gana!
"You may leave now, Perlita. I don't want to eat."
Gumapang ako sa kama at humiga. He didn't change. Gano'n pa rin siya. I've changed because of what he showed me. Gusto ko siya. Ayaw ko man, pero gusto ko na nga siya. How about him? Is he really playing with my feelings? While nurturing and respecting his feelings for me, he sat on mine as if it were a foolish thing. I am respecting it because I cannot give the "love" that he is feeling for me. Pakiramdam ko, utang na loob ko sa kanya na mahal niya ako, but I realized that love should not be seen as indulgence. People can give love and not receive it from the people they love. Malaya dapat ang pag-ibig at hindi pinipilit. Hindi dapat masakit at mapanlinlang dahil ang salitang pag-ibig ay positibo.
He is not requiring me to love him back, but why do I feel like I am supposed to? At ang pagmamahal na iyon ay nakakalito. Minsan matamis, at madalas, mapait. Ganoon ba talaga o likas na sa kanyang masakit magmahal? Iyon ba ang dahilan kung bakit walang tumagal sa kanya? Matutulad ba ako sa mga naging finacé niya?
Someone says that if a person truly loves you, you will never be confused, and if you are, that person is not into you. Is it right that I am confused? Para kaming nag-cha-cha cha. Tila pabalik-balik ang aming pagsasayaw. Masaya, malungkot. Vice versa.
I think we'll dance until the end of the month. We'll continue dancing to the music that confuses us. The music that deceives us: him. That is the music, him.
Pinalis ko ang aking luha at naalala si mommy. She truly believes in the power of love. Kahit na hindi siya mahal ni daddy, minamahal niya pa rin ito. I didn't have the perseverance that she had. Dahil sa tiwala sa pag-ibig, namatay siya. My parents died because the feelings were not mutual.
My parents were married because of an arranged marriage. Mayaman ang pamilya ni daddy kaya siya ang napili ng lolo at lola ko sa side ni mommy. I heard my mother was still in love with her first love when she married my father. Because of that, Daddy never loved her.
The memories are still vivid. When I was a child, I saw my mother chasing a man while the tears were running down her cheeks. Maybe that man was her first love. Kaya siguro hindi siya minahal ni daddy dahil may iba pa siyang mahal. And they both died in a car accident. Daddy dragged her to the car and committed suicide with her. Galit ako kay daddy. I know my mother still wanted to live at that time.
How am I supposed to believe in love when my parents died because of it?
Muli kong pinalis ang aking luha at bumangon upang silipin ang labas mula sa bintana.
I saw Archer talking to Winnie. I was not expecting him to look up, but he did. Natigil ang pagngiti niya nang makita ako.
Why did I believe in love because of him?
I went out of the room and saw Ivar. His eyes widened a bit when he saw me crying. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"I hope this makes you really happy, Ivar." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad nang umalis.
Bago pa man tuluyang makababa sa hagdan, nakita ko si Archer na hinahabol ang paghinga. Halos takbuhin ang hagdanan maabutan lamang ako. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya. He's a bit guilty for what he had done kaya pumunta siya rito sa taas. Siguro kung hindi ko nakita iyon, hindi siya pupunta rito upang suyuin ako.
"I was just giving you some time and space. . . ."
Tumango ako.
"Great."
I walked on the opposite side and left them. Sa bukana, nakita ko si Winnie, nginisihan ako.
I sighed and didn't mind her. Magulo na ang utak ko para makipag-argumento pa sa kanila.
I didn't believe in love because of its capability, but I did believe it right away also because of its "capability". It's possible that experiencing it is the only way to believe it. Ngayong naniniwala na nga ako sa pag-ibig, ayaw ko na nito dahil lahat ng taong nahuhulog nang mas malalim ay nalulugi. Mas mahirap umahon sa pinaka malalim na balon, kaysa sa mababaw.

BINABASA MO ANG
Adoring Your Soul
General FictionSoul Duology #1 Started: August 2020 Completed: November 2020 - Lohana Anoñuevo has never been enthralled with her fiancé, Archer Mercedes. She doesn't want to live in his menace world: he fucks; she does not; he is hubristic; she is meek and somewh...