AWAY
JODIE'S POV
Para akong isang kanyang gulay na naligo, nagbihis at kumain. Sa lahat ng araw, pinaka-ayaw ko talaga ang monday.Natapos na akong nagbihis. Paldang 2 inches above the knee, isang longsleeve at may necktie na kulay gray, 'Yan ang uniform namin. Sinuot ko na din yung black rubber shoes ko.
Kahit late na late na ako ay parang wala lang sakin. Walang monday na lumipas na hindi ako late (pero lang nung first day of school)
Pagtapat ko sa pintuan nang room namin ay pinagtinginan na nanaman ako nang mga classmate ko.
Masanay na kayo tsk
Tinuloy ko ang pagpasok sa room. Dire diretso lang akong umupo sa tabi ni aaron.
"Grabe lakas nang loob nito!"
"Late na nga e,ganyan pa umasta"
"Feeling vip"
"Akala mo kung sino sya"
"Oo nga!"
Sari saring bulungan nila sakin. Pero dinig na dinig ko naman.
"Mrs. Amperaldo! Your late!" Sigaw ni sir shout, siya si Sir Alvera, 50 years Old , nagkukulay white na yung buhok, itim na itim yung labi, kayumanggi. Siya si Sir Alvera pero mas kinikilala kong Sir shout.
"Stand up!" Anito na sobrang stress na stress na.
Tumayo ako.
"Yan sige dyan ka magmayabang"
"Dapat masagot nya yan"
"Lagi nalang syang ganyan umasta"
"Quiet!" Napapikit ako nang mariin ng marinig ang nakakabasag eardrums na boses nito, hinigitan pa si kuya jovee.
Tsaka nga pala, science teacher namin sya.
"Sagutin mo lahat nang itatanong ko sayo, clear?!"
Tumango lang ako.
"Angas mo ha!"
Sarap sa ears
Napangisi ako.
"A solution which has a large amount of solute for a certain volume of solvent."
"Concentrated?"
"Check! Next! Small amount."
"Ho?"
"Yung kanina large amount, eh ano naman yung small amount?!"
Ba't di kasi ipaliwanag nang mabuti eh
"Di kase nag aaral"
"Puro yabang"
"Dilute."sagot ko sa tanong nya.
"Edi wow."
Bulungan nang mga kaklase ko.
'Kala nyo ha!
"Good, eh ito longest word in science?" Napangisi sya
"Yan hindi na nya alam yan."
"Ewan ko lang kung masagot pa nya yan."
Teka! Alam ko yan eh
"Pneumonoultramicroscopicsilicovulcanoconiosis."
Nawala ang ngisi nya. Huminto ang bulungbulungan. Natahimik ang lahat.
*birds chirping*
Mga paghinga nalang namin ang naririnig ko.
"O-okay, next time don't be late Mrs. Amperaldo." Aniya at bumalik na sa pagdidiscuss