Simula

713 27 1
                                        

Simula

Umahon ako mula sa pagkakahiga at umalis ng kama. Dumiretso akong tumungo sa banyo at naligo. Kani-kanina lang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa assistant kong binigay pa ni Mama para sa akin.

After my routines I went out from the restroom and proceed to my dressing room. I wear my white cotton tie-neck t-shirt and white trousers paired with a lita boots. Matapos sa pagbibihis ay lumabas ako at humarap  sa malaking salamin. Tinitigan ko ang sariling repleksiyon. Inabot ko ang hair dryer saka tinanggal ang tuwalya sa aking buhok at sinimulan itong pinatuyo. I usually not apply any kinds of make up but because of my pale lips, I force to put a little lipgloss and rubbed powder on my face.

I pursed my lips after I got the shoulder bag. Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta sa sala.

"Good morning, Yvia!" Bungad ni Nana.

Mabilis nitong ibinaba ang hawak na unan nang makitang tinungo ko siya. I then extended my arms to hug her tightly.

"Good morning rin po, Nana." I gave her a right to left kiss on the cheeks. "Please po, tell Mama and Papa that I will have my own breakfast at my office. See you tonight!"

"Kahit magkape ka nalang, Langga!"

"Huwag na po."

Isang beses ko pa siyang sinulyapan bago tuluyang umalis ng bahay. Pagkatapos nalang siguro ng trabaho ako kakain.

Matiwasay lamang ang byahe, hindi masyadong traffic. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa mga matatayog na gusaling nadadaanan. Kitang-kita ko na naman ang malaking building ng mga Valverde. Noon paman daw, kilalang-kilala na ang angkan nila sa pagiging magaling na arkitektura at inhenyiro.

Napanguso nalang ako ng maalala ang mukha ng isang lalaking nakatagilid sa aking paningin noong minsang napunta ako sa kompanya nila dahil kay Mama. Pina-renovate niya kasi ang bahagi ng swimming pool namin.

Ilang sandali lang ang lumipas ay hininto ko na ang kotse ni Papa sa harapan ng hospital. Isang kamarero ang lumapit sa akin kaya binigay ko ang susi bago pumasok ng hospital.

Nasa unang palapag lang naman ang opisina ko kaya hindi na ako natagalang makarating doon. Nilagay ko lang ang shoulder bag at kinuha ang doctor's suit sa coat's stand at sinuot ito. Gumawi ako sa room ng pasyente ko. Bumungad agad ang mukha ni Shiea at Riemigs.

Abala si Reimigs sa pakikipag-usap sa isang supistikadang babae. Napatingin si Shiea sa akin at agad na nagsalita.

"O, tama na, nandito na si Doktora."

"Anong nangyari, Shiea?"

Lumapit ako sa kanila. Agad kong nakita ang nakahilatang aso na halatang nasagasaan dahil sa dami ng dugo, may nakuha rin itong kalakihang sugat.

"Tumawid daw ang aso kaya nasagasaan ng kotse."

Humarap bigla ang babae sa akin at hilam ang mukhang kinausap ako.

"Please, iligtas niyo po siya. Kahit magkano magbabayad ako," aniya, garalgal ang boses.

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng boses niya ngayon. Kahit sino namang tao labis na masasaktan kapag ang mahal na mahal mong alaga nasa bingit ng kamatayan o aksedinte. Sinipat ko ang kaniyang hitsura at sobrang dumi ng damit niya dahil sa dugo. Naka-tsenilas lang din siya at halatang nakapambahay lang. Tumakas siguro ang aso kaya nasagasaan.

Muli kong sinulyapan ang aso bago siya sinagot. "Don't worry, ililigtas ko siya. Sa ngayon lumabas ka muna at gagawin ko ang trabaho."

Paulit-ulit itong tumango at sinunod ang sinabi ko. Sina Shiea at Reimigs ay mabilis akong tinulungan sa paghahanda ng gagamitin. Si Shiea ang taga-abot ng kinakailangan kong gamit habang si Reimigs naman ay pinapalitan ako sa pagmomonitor dahil nakatuon lamang sa sugat ang buong atensiyon ko.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon