Organic
Nagtagal din ng minuto ang pagkasalo niya sa akin bago ako ilapag sa lupa at itinayo ng dahan-dahan. I looked like a child who had just started to learn to stand. I could feel his eyes so I cleared my throat and pretended to fix the clothes that were slightly tangled.
Ang gulo ko! Iniwasan ko ang mga tingin niya pero nang lumakad siya nakita ko nalang ang sariling sinundan siya ng tingin ng aluin niya ang nagwawalang kabayo. Hindi ko na pala napansin ang pagtitig sa kaniya ng matagal, masyado akong namangha sa pag-alo niya nito. Marahan niya lang kasing hinimas ang katawan at sa ganoong paraan, kumalma agad ang kabayo.
Iniwas ko ang mata nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Muli akong tumikhim at nagyuko ng ulo. Bahagya pa akong gumilid, nagkunwaring iniwasan ang bulaklak na naapakan ko. Kawawa naman. Wala sa sariling bumuntong-hininga ako.
"You alright?"
Napaangat ako ng ulo dahil doon. Nagsalubong ang mata naming dalawa at ako ang unang umiwas.
"Oo naman. Hindi ko alam na nabigla pala siya sa aking ginawa."
Tumaas ang kilay niya pero hindi na muling nagsalita. Naiintindihan ko kasi nakakasawa naman akong kausap.
Bumalik siyang humarap sa kabayo kaya naman nilibang ko nalang din ang sarili sa paligid. Nawala agad sa aking plano ang umalis dahil sa malinis na tubig ng ilog na kulay lunti. Hinanap ng paningin ko kung saan nagsimula ang agos nito kaso kailangan ko pang lakarin ang papalikong daan.
Tumingin muna ako kay Zekeil na abala sa harap ng kabayo, sa nakita ko ay naisip kong huwag nalang siyang disturbuhin lalo na at patuloy niya paring inalo ang kabayo kahit hindi na ito nag-iingay.
Iniwan ko siya roon at sinundan lang ang daan ng ilog. Hindi naman madamo kaya kampante lang ang pakiramdam ko. Siguro inabot ako ng mahigit kalahating minuto bago naisipang tumigil sa ginagawa. Malayo na kasi ang narating ko at ang pinagmulan ng ilog ay 'di ko parin naabot. Mukha lang akong tanga kung ipagpatuloy ko pa.
Pumihit ako at akmang babalik na sa dinaanan nang masulyapan ng mata ko ang isang napakaliit na kubo. Noong una, nag-aalangan pa akong puntahan ito dahil malay ko ba kung sino ang tumira diyan pero ewan ko talaga sa sarili ko at namalayan nalang na nasa bakuran na ako nito nakatayo habang titig na titig. Pamilyar ang kubo. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan.
Humakbang ako at tinangkang itulak ang pintong kahoy. Akala ko hindi ito bubukas pero laking gulat ko nalang nang kusa itong bumukas kahit hindi pa lumapat ang kamay ko nito. Napalunok ako at dali-daling tumalikod para sana umalis kaso napatigil ako at binalikan ito. Hindi ako lumaki na pumapasok sa bahay ng iba ng walang paalam pero nang mga oras na 'yon, pinasok ko ang kubo dala ng matinding kuryusidad.
Sinilip ko pa ito noong una pero kalaunan tumuloy na sa loob at inikot ang buong paligid. Madilim. Walang sinag ng araw ang makakapasok kasi sarado lahat ng bintana. Hindi ko rin dala ang selpon ko kaya walang pang-ilaw.
Ngumuso ako at umalis nalang doon. Nakabalik ako sa kinaroroonan na walang Zekeil ang nakita. Naroon ang kabayo pero ang amo ay wala. Ang paypag na kaniyang tinanggalan ng tali ay naroon lang at nakatali ulit.
Iniwan niya ba ako? Ito ba ang parusa ko? Nagsimula na akong kabahan ulit nang naisip iyon. Marahan kong nilapitan ang kabayo na hindi man lang tinali ng may-ari. Paano kung umalis ito rito. Wala na talaga akong kasama ngayon. Agad kong pinulot ang tali saka mahigpit itong hinawakan. Kahit anong mangyari, babalik ako ng mansiyon.
Umahon ang matinding pag-alala sa akin. Paano nalang kung maabutan ako ng gabi. Si Zekeil ba ang sisihin ko o ang sarili mismo? Kasi paano kung umalis pala siya para hanapin ako? Iniwan ko kasi siya kanina nang hindi nagpaalam.
BINABASA MO ANG
Uncontrollable Obsession
RomanceA kind of a story that formicates a romance between a veterinarian and an architect-businessman. Yviahna Pherigo is a soft-spoken, demure and beautiful woman who loves animals. She works in her own clinic but is temporarily transferred to the hospit...
