Panaginip
"Hahaha..."
Malakas at dumagundong sa buong salas ng mansion ang tawanan ng mga lalaki. Pababa palang ako sa malawak na hagdan at iyon agad ang naririnig ko.
Iniwan ko roon sa aking kuwarto ang mga libro na ibibigay ko kay Valthazar bukas, bigla nalang kasi akong nakaramdam nang uhaw kaya bumaba ako at heto nga ang naririnig ko, ang tawanan nila, habang tinatahak ang kusina. Gabing-gabi na pero narito parin sila. Siguro ay nagtatrabaho pa sila at paminsan-minsan ay nagbibiruan na rin.
Kumuha ako ng baso saka nilagyan ito ng tubig. Hindi ko binalingan ng tingin si Zekeil na alam kong sinulyapan ako. Natatakot ako sa maaaring makita sa kaniyang mukha.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin mabigyan ng sagot ang sinasabi ko sa kaniya kanina. Kahit ako ay nagtataka na sa aking ugali. Talaga bang nasabi ko ang bagay na iyon? Talaga bang nasabi ko iyon mismo kay Zekeil? At talaga rin bang nagawa ko iyon sa kaniya? Mariin akong kumagat sa ibabang labi. Sana panaginip nalang ang lahat ng nangyari kanina.
"Uuwi na tayo. Habang tumatagal nandidilim ang paningin ko sa pagmumukha mo."
Kaagad kong napansin ang pag-iiba ng ekspresiyon niya. Ang kaniyang umaangat na labi ay nawala at napalitan ng isang-linya. Wala ng bahid na kung anumang ekspresiyon sa gwapo'ng mukha.
Mahina akong suminghap nang maalala ang sinabi ko. Kaya ba naging blangko ang ekspresiyon niya? Dahil sa sinabi ko? Nagalit ko pa ata siya. Bumuntong-hininga ako at napalaylay ang balikat.
Narinig kong may tumawa sa loob ng kotse, batid kong ang lalaking nasa driver seat iyon. Nag-init ang mukha ko kaya naman pinili kong guluhin ang buhok para tumabing sa mukha ko.
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa kotse, iniwan ko si Zekeil na walang imik, diretso kong binuksan ang pinto saka pumasok rito. Ni ang magpaalam sa kanila ni Tay Emuelto ay hindi ko na nagawa.
Si Zekeil ay marahas na napatingin sa gawi ko ngunit dumausdos na lamang ako ng upo para maitago ang mukha. Hindi ko na pala siya naayang sumakay.
"Bro, have you noticed the time?" Sabi ng lalaki na nasa driver seat.
Hindi ko tiningnan ang kinatatayuan ni Zekeil dahil kahit mula rito sa aking pwesto ay ramdam ko pa rin ang kaniyang matulis na tingin. Sobrang talim, tumatagos sa katawan nitong kotse.
Nasa backseat ko napiling umupo. Sigurado naman akong sa passenger seat siya uupo. Tatabi sa lalaking nasa driver seat. Sino nga pala ang lalaking ito? Kaibigan? Ilang kaibigan ba ang meroon siya? Bakit sobrang dami nila. Palakaibigan pala siya?
Umayos ako ng upo nang makitang nasa kabilang gawi nitong backseat lumiko si Zekeil. Sa backseat din siya uupo. Tatabi pa yata sa akin.
Sunod-sunod ang kabog sa dibdib ko nang makita sa gilid ng mata ang pagbukas ng pinto. Balak ko sanang magtanong kung bakit sa akin siya tumabi pero narinig kong nagsalita ang lalaki sa harapan namin.
"Aalis na ba tayo o aandar?" Halatang nagpipigil tumawa.
Napatingin ako sa kaniya at nagtaka ng tingin. Nakita ko naman siyang tiningnan ni Zekeil ng nakakabobong ekspresiyon.
"Alright. We will run." Aniya, inumpisahang buhayin ang makina ng kotse saka ito pinaandar.
"Today, Nickollause Valverde make me his handsome driver. I'm such a pro. It's really fine to my ego. Thank you!" Halata ang sarkasmo sa boses nito. Sumulyap pa siya sa aming dalawa.
Kaagad akong nagbawi ng tingin at sa harapan nalang ng kotse itinuon ang paningin.
"Welcome!" With his lazy voice.
BINABASA MO ANG
Uncontrollable Obsession
RomanceA kind of a story that formicates a romance between a veterinarian and an architect-businessman. Yviahna Pherigo is a soft-spoken, demure and beautiful woman who loves animals. She works in her own clinic but is temporarily transferred to the hospit...
