Kapitulo 3

178 17 0
                                    

Quarrel

"Sit down here."

Lumakad ako palapit sa hinilang upuan ni Zekeil para sa akin. Pagkaupo ay nagpasalamat ako sa kaniya. Tumingin ako sa pagitan naming lamesa at pansin ko agad na wala pang pagkain na inorder si Tita Elis.

"You didn't yet order the food?" Tanong ni Zekeil sa ina pagkaupo niya sa aking tabi.

Ngumiti si Tita saka umiling.

"I just thought maybe you would order what you like if you get here." Tinaas ni Tita ang isang kamay, senyas para lumapit ang waiter na naghihintay na tawagin.

"Give them the menu." Aniya, nang makaabot ito sa amin.

Inilapag ng waiter ang dalawang menu sa amin ni Zekeil.

"I won't eat." Sabi ni Zekeil sa ina, inusog niya rin ang menu palayo sa kaniya.

Tumaas ang kanang kilay ni Tita. Inekis nito ang braso saka puno ng istrikta ang mukhang tumingin kay Zekeil.

"You will, it's already seven in the evening," matamis agad siyang nagbitaw ng ngiti. Narinig ko na pumalatak ang kamay ni Zekeil sa dulo ng lamesa.

Ang haba kasi ng binyahe namin papunta rito kaya nang makarating kami ay madilim na pero hindi ko naman inakalang alas syete na pala ng gabi. Habang wala akong ginawa kundi ang manood sa kanila ay pinulot ko nalang ang isang menu saka binuksan ito. Pinakli ko ang unang pahina at nagbasa ng mga pangalan ng pagkain ngunit napakunot ang noo ko kasi hindi ko kilala ang mga pangalan ng pagkain na narito.

Sinara ko ang menu saka binasa ang label nito sa cover. Italian and Mexican seafood, ang nakasulat. Napatango ako at muling binuksan ang menu. Madalas kong orderin ay american cuisine kaya hindi ako naging pamilyar sa Italian foods.

Sila Tita at Zekeil ay abala sa isa't isa. Hindi ko alam kong pagtatalo ba o pag-uusap ang kanilang ginagawa ngayon. Gusto ni Zekeil na puntahan sa opisina ang kaibigan niya. Hindi ko alam kung saan ang opisina na tinutukoy niya pero si Tita naman ay hindi pumapayag sa anak.

"Come on, La Reina, he will discuss me about the materials," pagpipilit niya na nagmukhang tunog irita sa akin.

"No. Hindi pwede!" Inis na aniya. "Kapag kami ni Yinna ang kasama mo wala kang dapat nakikilalang trabaho, naiintindihan mo?" Mataray na rugtong niya.

Nakayuko lang ako habang tahimik na binabasa ang pangalan ng pagkain. Pamilyar sa akin ang mukha ng seafood pero sa pangalan ay hindi. Hinayaan ko na lamang silang mag-uusap. Mas nakatuon lang kasi ang atensiyon ko sa hindi kilalang pagkain na nasa menu'ng hawak ko kaya napabayaan ko na silang nag-uusap.

"Tss..."

"I don't like it," pag-alma ni Tita sa narinig.

"I will be back here, just—"

"I said you don't know works when we're in front of you. Which of those is hard to understand? Zekeil, don't give me stress."

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Zekeil, tila parang nauubusan na ng ganang makipagtalo sa ina. Kumibot-kibot naman ang labi ko habang nahihirapang pumili.

"I'm sorry..." aniya.

Isang tikhim lang ang narinig ko na naging sagot kay Tita sa kaniyang anak. Napanguso naman ako nang wala pa ring mapili.

"You still do things that give me headache and you're sorry aren't sounds sincere," mayamayang sinabi ni Tita. Kumunot ang noo ni Zekeil nang sandali kong inangat ang tingin.

"I'm sincere and it's not that it will stress you out, La Reina, let just say that you really love to meddle my works."

"See? You're talking back to me. Still, I stand my words. Wala kang nakikilalang trabaho kapag kami ni Yinna ang kasama mo," mariin ang bawat salitang pagbigkas niya.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon