Kapitulo 8

115 10 0
                                    


Abutin

Kaagad nangunot ang noo ko nang malayo palang ay nakikita ko na ang mga taong nakakumpol sa labas ng mansion. Parang abala ang mga ito sa kanilang paligid.

"Anong ginagawa nila diyan?" Tanong ko kay Trievin habang ang tingin ay nasa unahan namin.

"I don't know. Hindi ka ba nagmamadali?"

Saglit niya akong sinulyapan sa kaniyang tabi. Umiling naman ako. Hindi naman ako nagmamadali ngayon.

"Okay. Isi-search sana natin sa google kung bakit nasa labas sila."

Umismid ako nang marinig ang kaniyang kalokohan. Humahalakhak lang siya habang nagmamaneho. Bakit ko nga ba siya tinanong kung alam ko naman ang isasagot niya?

"Minsan talaga nakakainis kang kausap."

Tumaas ang kilay niya, ang labi ay may bahid ng ngisi.

"Talaga? Ngayon mo pa nga lang ako nakausap." Aniya.

"Ngayon pa nga, pero hindi mo ba nakikita sa mga kasama mong naiinis sila sa'yo sa tuwing nagsasalita ka? Puro nalang pagbibiro ang laman ng utak mo kaya iyang lumalabas sa bibig mo ay iyong iba walang katuturan."

"Pero napapatawa ko naman? Hindi ba?"

Muli ko lang siyang inilingan at hindi na kinausap. Siya naman ay patuloy lang sa paghalakhak, minsan ay sumipol-sipol. Napapailing nalang ako. Bakit nga ba siya ang napili ni Zekeil na maghatid sa akin dito sa mansion?

Nang huminto ang sasakyan ay kaagad kong tinanggal ang suot na seatbelt saka tinulak palabas ang pinto para bumukas ito at makalabas ako. Kaagad na nilipad ng hangin ang buhok ko. Hinayaan ko nalang ito at mas tinuon ang atensiyon sa aming harapan kung saan naroon ang mga katulong. Nandito rin naman ang mga lalaki.

"Anong ganap?" Bungad ni Trievin.

Hindi pa man tuluyang nakalabas ng kotse ay nagtanong agad. Sumulyap ang iba sa akin bago tumuon kay Trievin ang tingin.

"Later, you will know." Si Jeighvynn.

Lumakad sila ni Trievin sa karamihan, kung saan mga kaibigan nila ang nandoon. Naiwan ako sa grupo ng mga matatanda.

Wala mang alam ay nakikikumpol na lang din ako sa kanila. Iyon nga lang medyo may mahabang distansiya sa pagitan nila.

Tumingin ako sa kanilang tiningnan pero wala naman akong kung anong nakikita roon kundi ang mga puno, bulaklak at tahimik na daan. Siguro may paparating na importanteng tao. Mali, baka importanteng bisita pala ang kanilang hinihintay dito sa labas.

Tiningala ko agad ang ulo nang makarinig ako ng ingay galing sa himapapawid at nakita ko ang isang helicopter. Lumabi akong tumitig rito. Ito yata ang kanilang hinihintay.

"Ano pong meron?" Kuryusong tanong ko sa isang matandang katulong.

Mula sa pagkakatingala ay nagbaba ito ng tingin sa akin at tiningnan ako.

"Ngayon ang dating ni Russhianna." Sagot niya.

Napatango ako kahit hindi ko naman kilala ang babaeng tinutukoy niya. Anak kaya iyon ni Tita? Pamangkin? Inaanak niya? Kapatid? O bisita lang talaga.

"Sino po iyon?"

"Iyon ang asawa ni Zekeil."

Sandali akong natigilan at parang nabingi dahil sa kaniyang sinagot sa akin. Iba pala ang mararamdaman ng isang tao kapag alam nitong may dadating. Napakurap-kurap ako at ngumiti sa kaniya nang makitang nakatuon nalang ang tingin nito sa akin.

"Ah!"

Huminga ako nang malalim saka inalis sa matanda ang atensiyon. Hindi niya sa akin sinabi na ito pala ang dahilan niya kung bakit hindi niya ako personal na maihatid rito. Napangiti ako at muling sumulyap sa helicopter na unti-unting lumapag.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon