Flashbacks 1
"So, what good news do you have about Nickollause Valverde?"
Napawi ang ngiti kong naramdaman at nauwi sa dismaya. Tanong na lamang ang pumasok sa utak ko sa narinig ko kay Papa.
Kalalabas ko lang ng kotse at kararating ko lang din galing Italy pero ito agad ang tanong ni Papa sa akin. Hindi man lang niya ba ako kukumustahin? At magpapasalamat dahil ligtas ang byahe ko?
I bit the inside of my lip. I had forgotten that he actually sent someone to pick me up at the airport to ensure I arrived safely and directly here at home, right on the time he specified. Napilitan akong ayusin ang mukha at winaglit ang dismayang naramdaman.
Nakikita niya ako ngayon dahil mag-isa akong dumating. My brother didn’t come with me because he had something important to take care of, so I got here first.
Sinalubong ako ni Mama ng halik sa pisngi at mahigpit na yakap samantalang kinuha naman ni Vildan ang bagahe kong dala. Napasunod nalang ako ng tingin sa katulong namin na pumasok ng bahay.
"Can't you hear me? I'm asking you, Ishwariah!"
Naibaling ko kay Papa ang paningin. Hindi ko sinasadyang hindi agad siya sinagot. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi. Naramdaman ko ang pagkainip niya kaya nagsalita na ako.
"Natanggap po ang proposal, Papa. Pero hindi ko po kilala ang sinasabi mong Nickollause–"
Tumabingi ang mukha ko sa lakas ng sampal na inabot ko galing kay Papa. Bakit? Mali ba ang sinabi ko?
"Estupida! Hindi ba at sinabi ko sa 'yong lapitan mo ang lalake kapag tapos na kayo sa meeting?! You're absolutely useless!"
I swallowed hard. Nanatiling nakatabingi ang pisngi ko habang nasa sahig ang paningin. Hindi ko alam na may binilin pala siya sa akin. Wala kasi akong natanggap na habilin.
He pulled my mother and dragged her inside the house. While, I was left there wondering.
Ano naman ang gagawin ko kapag nalapitan ko ang lalake? At hindi ba ayaw niya akong lumalapit kahit nino? Kaya hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Para saan naman?
Nataranta ako n'ong natauhan sa nangyari at dali-daling sumunod sa kanila.
Malawak ang bahay namin at sa laking hakbang ni Papa at bilis nito madali lang siyang nakalayo at nakaliko.
Nagtataka ang mukha ni Vildan na nakatingin sa akin samantalang kalalabas lamang ni Vildar galing kusina. Magpinsan ang katulong naming iyon at mas malapit ako kay Vildan kumpara kay Vildar.
Matanda nga pala si Vildar kumpara kay Vildan. Si Vildan kasi ay parang kaedad lang ni Mama at mabait sa akin kaya naging malapit na ako sa kaniya samantalang si Vildar ay mailap pero mabait din naman. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi sila magkasundong dalawa gayung pinsan naman sila. Marahil dahil sa agwat ng kanilang edad?
"May pasalubong po ako sa inyo. Mamaya ko na ibibigay."
Sinundan ko iyon ng alanganing ngiti at nilampasan sa pagmamadali.
Nahabol ko sila Papa at Mama na pumasok ng library. Tinakbo ko ang distansiya para makahabol pero sumara na 'to.
"Cintiuz, parang awa mo na..."
My eyes widened. I tried to push the door, but it wouldn't open. Instead, I heard the click of the lock.
I ran a hand through my hair in frustration.
"Cintiuz, pakawalan mo ako rito!"
I don't usually sweat, but at this moment I suddenly broke out in a cold sweat, fearing for my mother. I get so nervous whenever he hurts her. I don't know what he'll do to her this time. She always gets punished whenever I make a mistake. Why can't it just be me instead?
BINABASA MO ANG
Uncontrollable Obsession
RomanceA kind of a story that formicates a romance between a veterinarian and an architect-businessman. Yviahna Pherigo is a soft-spoken, demure and beautiful woman who loves animals. She works in her own clinic but is temporarily transferred to the hospit...
