Sane
Nagtuloy-tuloy ang paglalakad ko hanggang sa nakarating ako sa mga puno, umupo ako sa isang kahoy na upuan. Sa ilalim ito ng puno nakapuwesto. The view is very relaxing. I took a fresh air coming from this fabulous scenery. It's so obvious that I am into nature.
Naiinsulto ako sa ginawa niya kaya naiinis ako at iniwan siya. Gusto kong pakalmahin ang sarili kaya mas mabuti narin na iniwan ko siya roon.
Tahimik ang paligid kaya nakakatulong ito sa'kin upang kumalma ang pakiramdam ko. Bakit kaya ako nagkaganoon. Hindi naman ako naiinis sa kaniya ng sobra. Talagang parte narin siguro ang pag-iwas ko sa kaniya kaya ko siya iniwan.
Napatingin ako sa paligid dahil sa kalmado at preskong hangin. May mga puno akong nakikita. Ang kapaligiran ay sobrang linis kaya tuloy litaw na litaw ang ganda nito. Napapikit ako at sinamyo ang hangin. Natutuwa ako sa lugar na ito. Ang dami kong nakikitang iba't ibang klase ng bulaklak.
Ang tunog ng mga dahon ang siyang tanging naririnig ko. I feel relax. The little birds singing. Mas dumagdag ang mangha ko sa islang ito. Nagdilat ako ng mata at ang mga mata agad ni Zekeil ang natitigan ko.
"Bakit?"
Mahinahon na ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa paligid o dahil sa mata niyang sobrang ganda kong tingnan. His eyes is very rare. It's green. Nakakamangha.
I noticed that he examined my face. Bahagya pang kumiling ang ulo. Talagang sinuri ako. Tinaasan ko siya ng kilay to suppress the awkwardness I feel. Nakita ko ang pag-iling niya ng ulo.
"Uuwi na tayong mansion. I'm sure my mother's looking for you."
Napaatras ang ulo ko at tiningala siya.
"Mamaya na."
Saka ko binaba ang ulo. Nahabol ko pa ang pagtitig niya sa akin.
"You need to go home, it's almost night. " Tanging sabi niya.
Tumayo ako at nagpagpag sa puwetan ng suot kong damit. Lumakad din ako paalis matapos kong gawin iyon. Gusto kong mauna sa kaniya.
"Yiahna!"
Napahinto ako sa paglalakad. Hinihintay kong mapantayan niya ang kinatatayuan ko. I guess it won't happen. Nilingon ko siya.
"Bakit na naman?"
"Inaway mo ako kanina," seryosong sabi niya.
Hindi ko talaga alam kung bakit tila ang pagsasalita niya ng tagalog ay sobrang sarap sa pandinig ko. Ngayon ko lang ito nararamdaman.
"Ako ba ang nagsimula? Hindi ba at Ikaw iyon." Akusa ko. My heart is beating abnormally.
"I won't say anything."
Our conversation ended in that way. Sabay kaming naglalakad pabalik ng mansion. The environment is quite serene tuloy nag-umpisa na naman akong mailang. Medyo dumistansiya ako mula kay Zekeil dahil sa pagiging dikit ng braso namin. Hindi naman niya pinansin ang pagdistansiya ko. Siguro nga napansin niya rin ang pagiging pagdikit ng balat namin kaya hindi na niya minasama ang ginawa ko.
Tahimik naming binagtas ang mahaba nilang asyenda. Napansin ko lang ngayong araw na ito medyo naging palasalita siya.
Nakapagtataka, madalas ko siyang napapansin sa mansion nila na sobrang tahimik lang. Ang kaniyang mga kaibigan ay hindi sinasagot sa mga tanong nito, importante man o hindi. Si Tita naman ay sinasagot niya pero ng tipid lang.
Napatingin ako sa kaniya.
"Zekeil?"
Tawag pansin ko. Binalingan naman niya ako.

BINABASA MO ANG
Uncontrollable Obsession
RomanceA kind of a story that formicates a romance between a veterinarian and an architect-businessman. Yviana Pherigo is a soft-spoken, demure and beautiful woman who loves animals. She works in her own clinic but is temporarily transferred to the hospita...