Kapitulo 11

131 10 0
                                        


Better

Paulit-ulit kong pinasok ang susi sa butas pero kahit anong gawin ko hindi talaga siya tumutunog. Mariin kong hinawakan ang seradura at hinila ito ng marahas pero talagang hindi siya bumubukas. Bumuntong-hininga ako at nilingon ang kama kung nasaan si Zekeil natutulog.

Ano ba ang pumasok sa kukote nito at bigla nalang ng locked nitong pinto. Naiiling na inalis ko sa kaniya ang tingin, ipinalibot ko ang mga mata sa paligid nitong malawak niyang kwarto. Grabe, wala akong mahagilap na gamit na nagkalat. Sobrang organisa.

Humugot ako ng hininga saka inihilamos ang kanang palad sa aking mukha. Ano na ang gagawin ko upang mabuksan itong pinto. Mabuti sana kung eksperto ako sa paggamit nung hairpin kasi iyon ang gagamitin ko ngayon lalo na at may kasamang hairpin itong susi na binigay niya sa akin.

Naiinggit na nakatingin akong muli kay Zekeil na ang sarap ng tulog. Siya lang ang tanging makakatulong sa akin upang mabuksan itong pinto. Alam kong malalim na ang tulog niya base sa nakikita ko pero nagbabakasakali lang naman.

"Psst!"

Mahina lang ang ginawa kong pagsit-sit sa kaniya kaya siguro hindi ito nagising.

"Psst, Zekeil," pag-uulit ko.

At kahit anong pagsitsit ang ginawa ko sa kaniya ay wala parin, hindi parin siya kumilos o senyalis man lang na gumising, ang bilis naman ata niyang makatulog parang ilang minuto lang e. Siguro ganoon talaga siya kapagod sa paghahanap kanina, sa naisip ay tumigil nalang ako sa ginagawa.

Nakangusong umupo nalang ako sa sahig saka isinandal ang likod ko sa pinto. Nakatalungko ang binti na tumitig ako sa harapan ko kung saan naroon ang kama. Niyapos ko nalang dito ang dalawang braso.

Ramdam na ramdam ko ang pagpungay ng mata ko dahil sa antok na naramdaman, dalawang beses narin akong humikab. Dito na ata ako makakatulog. Muli pa akong humikab, dinahan-dahan ko nalang na ipinatong sa ibabaw ng tuhod ko ang baba saka ipinikit ang mata.

Pumipintig sa sobrang sakit ang ulo ko kaya naman idinilat ko ang mata, sandali akong kumurap-kurap saka napangiwing bumangon. Antok na antok pa ako pero dahil ang sakit ng ulo ko napilitan akong gumising. Ilang oras lang kaya ang naitulog ko.

Napaawang ang labi ko sa gamit na nakikita ko, noon ko lang naalalang nakatulog pala ako sa kwarto ni Zekeil. Marahan kong ipinalibot ang paningin at huminto ito sa kaniya na naroon pala sa unahan, nakaupo sa racking chair. Na sa akin ang mata niya nakatuon. Lumunok ako at pinilit ang sariling magmukhang maayos kahit na mas lumala lang ang pintig ng ulo ko.

Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa sakit ng init na tumatama sa loob ng kwarto niya parang tanghali na ito.

"Hi." Ilang kong ani sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin habang may hinihigop na kape. Wala ata siyang balak hugotin ang mata paalis sa akin. Inilagay niyang muli ang tasa sa ibabaw ng platito. Humugot siya ng hininga saka tumayo at inilapag sa rattan table ang hawak na tasa pagkatapos ay lumakad palapit rito sa kama.

Parang sinuri niya ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

"Good morning!" Aniya.

Napaawang muli ang labi ko dahil sa kaniyang sinabi. Totoo kaya ito, hindi ba ako namamalikmata man lang? Umupo siya sa dulo nitong kama, sa bahagi nitong paanan ko. Sandaling lumipat ang tingin niya sa kumot at inayos ito nang makita niya ang paa kong lumabas roon.

"Uhh... good morning..." naguguluhan akong tumitig sa kaniya.

"Breakfast?"

"Napunta ako rito?" Tukoy ko sa kama, hindi ko na muna pinansin ang sinabi niya.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon