Kapitulo 39

65 1 0
                                        

Fight

I fell into a deep sleep after I ate. Kinaumagahan inaasahan kong pagkagising ko'y bubungad sa mga mata ko ang mukha ni Zekeil ngunit natanto kong mag-isa nalang pala ako roon. Umalis siya. Ganoon! I couldn't believe it. I'd always heard his angry voice on the radio whenever his men gave him negative reports about their search for me.

Para saan pala 'yon kung iiwan lang niya ako rito? I mean hindi ko pinangarap ang kung anumang romansa. Ang gusto ko ay ang mag-usap kami...

This is too early to be irritated. Umahon nalang ako kaysa mag-isip ng masama sa kaniya.

I fixed my hair before reaching for the curtain to pull it aside, but I loosened my grip when I saw what was outside. Why were there so many people there? Muli kong hinawi ang kurtina ng bahagya. Men were scattered everywhere. They were all dressed in black. At first, I thought they were all Zekeil's men, but I caught sight of a man who looked familiar, though I couldn't remember where I had seen him. Siguro karamihan sa mga iyan ay kasama ng lalake.

Dali-dali akong bumaba at binuksan ang pinto para sana salubungin ang lalake ngunit nauna akong salubungin nito.

"Yiahna!" Bungad nito.

Saglit lang kaming nagkatitigan dahil iniwas ko sa ibang direksiyon ang paningin.

"I haven't seen you in a long time," aniya. His wide smile confirmed it.

Naibalik ko ang paningin sa kaniya at sinubukang kinilatis ng tahimik ang pagkatao.

He was big, not much different from Zekeil. Ang pinagkaiba lang nila ay ang katayuan. He was slightly shorter than Zekeil. He had a sharp, perfectly shaped face and beautiful skin tone.  But I still prefer Zekeil's complexion. May maliit na bigote sa kaniyang panga dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba.

Masungit siyang tingnan, gaya ni Zekeil. Iyon nga lang mas masungit pa rin si Zekeil kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon. Pero ganunpaman komportable naman ako kay Zekeil. Hindi kagaya nitong lalaking nasa harapan ko at katitigan. Napansin ko ang mga mata niyang kumikislap sana ganiyan din si Zekeil... I shook my head. Why am I comparing them?

Nasa bukana palang ako kaya naisip kong lumabas ng tuluyan ngunit nabigla ako sa ginawa nito.

"Sorry, but damn, I really miss you!"

Naestatwa ako at hindi alam ang dapat gawin nang kinulong niya bigla ang katawan ko sa mahigpit niyang yakap. Ramdam ko ang pananabik niya nang sandaling iyon.

Ilang minuto bago ako nakabawi at mabilis ko siyang tinulak ngunit hindi natinag nang puwersa ko ang mga braso niyang nakayapos.

"L–let go of me!"

It took me several pushes before I finally broke free from him. Agad akong umatras at sinara ang pinto na napigilan niya. Umatras ako nang umatras habang tinitigan siya nang maigi.

I know this man, I'm sure of it. Ngunit bakit hindi ko matandaan? Saan ko siya unang nakita?

His strides were long, causing me to panic.

"Hanggang diyan ka lang!"

Napabilis ang atras ko.

"W–what's wrong? I'm not here to hurt you.  Don't you remember me?" Aniya na tuloy-tuloy naman ang lakad.

The space around us was small, so even though I wanted to get away from him, I couldn't. Noon ko palang natanto na nakarating na ako sa kusina kung saan ang sa gilid ko'y pinto na ng banyo.

"If only I had known Vildan was telling the truth, Yiahn, I would have come here to see you long ago."

Nangunot ang noo ko at pinigilan ang sariling pumasok sa banyo para harapin siya. Tingin ko hindi naman siya masama.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon