Kapitulo 1

373 18 0
                                        

Spend

Tingin ko ay inabot yata ng mahigit isang oras ang tinagal namin bago kami muling nakakita ng gate sa unahan, pumasok kami rito nang maabot namin at ang paligid agad ang una kong tiningnan, dinaanan namin ito na napupuno sa mga naggagandahang iba't ibang klase ng bulaklak.

Binasa ko ang ibabang labi habang ang mata ay nakatuon sa mga halaman. Hindi ko akalain na sobrang lawak ng paligid at itong daan papatuktok. Lumipat ang tingin ko sa unahan at nakita ko ang malaking mansion, bahagyang nangunot ang noo ko nang makita sina Mama na nasa bukana ng pinto naghihintay.

"Nakarating na agad sila?" Hindi ko naiwasan ang magsalita ng mahina at puno ng pagtataka.

Hindi ko maiwasang mag-isip kung paano sila agad nakaabot rito samantalang kami ay inabot pa yata ng isang oras bago umabot rito. Tumigil ang pagtakbo ng kabayo sa tapat ng mansion.

"I will come down first," aniya agad ni Zekeil.

Tahimik akong tumango sa kaniyang sinabi, mas mabuti iyon para magkalayo na ang katawan namin.

Ilang sandali nang makababa siya ay inilahad naman niya ang kamay, napadalawang-isip agad ako kung tatanggapin ko ba ito pero sa huli ay inabot ko nalang para makababa na ako, dahan-dahan niya akong inalalayan, bahagyang lumigas ang paa ko kaya hinawakan niya ako sa magkabilang baywang para maagapan niya ang pagkahulog ko. Napalunok ako at hindi pinahalatang nagulat ako sa kaniyang ginawa. Nang tuluyang akong makababa at lumapat ang paa sa semento ay saka ko siya binigyan ng maliit na ngiti.

Naiilang agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nilipat nalang kina Mama na bumaba ng hagdan at nilapitan kami.

"You came late." Natatawang aniya ng ina ni Zekeil.

Zekeil. Napakagat ako sa ibabang labi at napahakbang ng dalawa para makalayo ng kaunti sa kaniya. Tatawagin ko rin siyang Zekeil, tulad ng pagtawag ko sa kaniyang pangalan sa aking isipan.

"Tss!"

I looked at Zekeil as he quickly mounted the horse and galloped off again. His mother just shook her head as she watched him run away.

"Ayos ka lang ba hija? Namumutla ka yata." Tanong niya sa akin, tumango ako at binigyan siya ng ngiti.

"Was that your first time to ride a horse?" Muling tanong niya.

"Ah— uho!"

Napatango naman siya at hindi na nagsalita, ilang saglit pa ay inaya na niya kami ni Mama na pumasok na sa loob ng kanilang mansion.

Napahimas pa muna ako sa braso ko nang maramdamang nakatayo parin ang balahibo. Huminga ako ng malalim saka napailing at sumunod sa kanila. The mansion was built with a u-shape according to what I heard, napapaligiran rin ito ng mga puno sa likod. I must say that this is a bit unique.

I immediately looked at the entire living room of the mansion when I entered and I was amazed to see how spacious it was, there are three chandelier on the ceiling wall. Ang mga gamit ay nahahalo sa bago at luma, nakaorganisa itong nakalagay. Hindi yata sila masyadong mahilig sa mga bagong gamit dahil ang mga kadalasan kong nakikita ay mga antique, old furnitures. Mediterranean Spanish style ang tema ng mansion, nababakas ang karangyaan nito.

The wall is cream, as is the ceiling wall, but the edges are brown. There were semi-candle lights placed, just a few distances apart. Above me is the big chandelier. Pansin na pansin ko ang indoor plants nila na siyang nagbibigay aliwalas sa oversized window nitong Mansion.

Their spiral staircases is a bit longer than I thought, mosaic tiles and a wood beams. By the way, the walls was made of stucco. I noticed it so late.

All their things and furnitures shout with a millions, even their painting. Nakakalula.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon