CHAPTER THIRTEEN

567 34 5
                                    

WriterAtHeart

CHAPTER THIRTEEN

Minslet Kyo POV'

“Here’s your order ma’am and sir.” The waiter said.

“Thank you.” Sabi ko sabay nakapikit na ngumiti.

“W-welcome ma’am.” Sabi nung waiter na nautal at umalis na.

Nagtataka nalang akong tumingin kay Ian. Nakatingin din naman siya sakin.

“Let’s eat.” Sabi ko naman sa kanya.

“I need to go to the restroom. Wait for me.” Sabi naman ni Ian na dere-deretso papunta sa restroom. Nag kibit balikat nalang ako.

Habang wala siya hinimay ko na yung chicken nung pagkain niya. Tinabi ko narin yung ice tea, and water kasabay nun nilagay ko narin yung kutsara and tinidor. Napansin ko naman na may nakatingin sakin. Nang tumingin naman ako dito. Nakita kong nakatingin sakin yung kabilang table namin magkakaibigan siguro to.

They look like senior college. Ngumiti lang ako at niyuko konti ang ulo ko.

Narinig ko naman na may tumikhim. Nakita ko naman si Ian na nakatayo na sa tabi ko at nakatingin sakin ng seryoso.

“Sit down. Let’s eat.” Sabi ko dito pero imbis na maupo siya sa harap ko naupo siya sa tabi ko na para bang hinaharangan niya yung mga lalaking senior tss.

“There hinimay ko na yan boyfie enjoy your food.” Sabi ko sa kanya sabay turo nung pagkain niya na hinimay kona yung chicken.

“Minnie?” Bigla niyang sabi habang kumakain kami.

“Yez?” Sabi ko naman sa kanya.

“Itaas mo nga yan.” Bulong naman niya sakin.

Nagets ko naman agad ang sinabi niya.
Tinaas ko naman yung long sleeve shirt ko tsaka nagpatuloy sa pagkain. Natapos kaming kumain ni Ian.
Bali nasa sasakyan na kami.

“Sigurado kabang okay kana?” Tumango naman ito habang nakatingin sa daan.

“Sige basta magpahinga ka. Ihahatid na kita sa bahay mo.” Sabi ko habang nakatutok sa daan. Napansin ko naman na nakatingin siya sakin.

“Itabi mo muna sasakyan.” Tipid niyang sagot. Sinunod ko naman ito.

“What is it?” Sabi ko pagkatapos itabi yung sasakyan at tinignan ko siya.

“Ihahatid moko sa bahay?” Tanong naman niya.

“Oo why?” Sabi ko naman sa kanya. Natahimik naman siya at nakayuko.

“May nangyari ba? Dimo pa rin nakwekwento nangyari sayo kanina?” Hindi parin naman siya sumagot tumingin lang ito sa bintana.

“Ian what’s happening?” Tanong ko
naman dito. Nag aalala na ko.

Hindi parin naman siya sumagot. Kinuha ko kamay niya at pinisil pisil iyon.

“Are you okay? What do you want? Tell me. Im worried.” Sabi ko naman sa kanya. I can’t understand him.

“I don’t want to go home.” Sabi naman niya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

“Huh? Why?” Tanong ko na namn sa kanya.

“I-I just don’t want.” Mahina niyang sabi.

“Okay. Sa bahay nalang tayo matulog.” Sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

“Your parents house?” Tanong naman niya sakin. Tumango naman ako.

“Ayoko don.” Sabi na naman niya. What?! San naman niya gusto?

“Ian eh san naman tayo pupunta?” Halos lakasan kona boses ko. Naiinis na ako. Shit.

“D-don’t shout.” Bulong naman niyang sabi. Bumuntong hininga nalang ako.

“I’m not shouting. Ano bang gusto mo?” Seryosong tanong kona sa kanya.Nag angat naman siya ng tingin.

“I want to be a-alone.” Sabi naman niya.

“Why? Baka mapano ka?” Sabi ko naman sa kanya.

“I will be fine because k-kasama ka.” he said.

“What?! Ian are you insane?” Sabi ko naman sa kanya. Aishhh nakakainis lang talaga.

“I said don’t shout at me your scaring me! Gusto kolang naman na makasama ka buong araw eh! Yun lang naman gusto ko.” Sigaw naman niya pabalik sakin. Mukhang nagulat din siya sa pagsigaw niya. Natulala lang naman ako ng magsink ang sinabi niya sakin.

Hindi nalang ako kumibo. Pinaandar kona ang sasakyan. Alam ko na kung saan ko dadalhin si Ian. Dadalhin ko siya sa Villa ko. Yes I have my own villa pero hindi naman siya sobrang laki. Simple Villa Modern lang siya. Pinagawa ito sa akin nila Grandpa and Grandma.

Nakarating kami sa Villa ko and pinark kona ang sasakyan sa parking spaces.

“Let’s go. Dito nalang tayo.” Yaya ko naman kay Ian.

Sumunod naman ito saakin. Nakapasok kami sa bahay ko at nilock kona iyon. Dinala ko sa taas si Ian. Sa Guest room doon.

“Take a shower and rest. May mga damit narin jan, kumpleto.” Sabi ko naman sa kanya.

“Mauna nako, kung nagugutom ka or magugutom pumunta kalang jan sa kusina.” Sabi ko sa kanya at dere-deretso ng pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa cr.

Naligo ako at nagsoot lang ako ng underwear at hindi na nagbra dahil nakasoot naman ako ng Satin silk lace dress color black. Nag blower narin ako ng buhok para mabilis matuyo. Pagkatapos ko sa lahat pati night routine ko ay lumabas na ako sa cr.

Nagulat ako ng makita ko si Ian ng nakaupo at nakayuko sa kama na tumulo pa ang buhok niya. Nakasoot ito ng jogger pants at naka white shirt ito.
Bumalik ako sa banyo at kumuha ng towel. Lumabas ako at lumapit kay Ian sa kama. Nilagay ko sa ulo niya at pinunasan ko naman yung buhok niya.

Dahan dahan ko naman ginagawa iyon.
Nag angat naman siya ng tingin sakin. Inayos ko naman yung buhok na humaharang sa mata niya.

“Stay here. Kukunin ko lang yung Hair dryer.” Sabi ko naman sabay alis pero nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin.

Nakapatong naman ulo niya sa dibdib ko. Lalo naman niyang hinigpitan yung yakap niya saakin. Hinawakan ko naman buhok niya sabay himas ng dahan dahan dahan doon.

“Are you going to sleep here?” Tanong ko naman sa kanya. Nag angat naman ng tingin ito. Sabay tango nito.

He’s like a baby. He’s so cute.

Nahiga kami sa kama. Niyakap naman ako ni Ian ng nakaharap sakin. Nahiga siya sa dibdib ko nakaunan naman siya sa braso ko. Humarap naman ako sa kanya at niyakap ko rin ito.

“Good night boyfie. I love you.” Sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya. Tumingin naman ito sa akin.

Dinampian naman ako ng halik nito sa labi sabay sabing “Good night.” Sabi naman niya.

“Yun lang?” Loko lokong tanong ko sa kanya.

Nakatingin ito saakin at sinubsob sarili niya sa dibdib ko at niyakap ako ng mahigpit.

“I love you very much baby” Sabi naman niya. He’s so shy. Cute.

×××

Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

Taming My Innocent Boyfriend | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon