WriterAtHeart
CHAPTER TWENTY
Minslet Kyo POV'
“Sigurado kaba sa desisyon mo anak?” Pag aalalang tanong ni mom. Napahilamos naman ako ng mukha.
“Yes mom. Para kay Ian. Ayokong tanggihan si Mrs. Soo kasi alam ko namang tama iyon.” Nakayukong sabi ko.
“Kyo alam mong masasaktan mo si Ian.” Sabi ni mom. Kasabay ng pagmasahe niya sa buhok ko.
“Mom ako rin naman eh. Kakayanin niya yun mom kakayanin ni Ian once na nawala na ako.” Sabi ko sabay tayo.
“Mom do me a favor?” Seryosong tingin ko kay mom. Tumayo naman ito sabay buntong hininga.
“Please take care of Ian. Stay by his side habang mahina pa siya. Once na kaya na niya lahat okay na ko. Mas okay na yun.” Kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Niyakap naman ako ni mom.
“Kailangan ang flight mo?” Tanong ni mom.
“Mamayang madaling araw.” Malungkot kong sabi dito.
“I need to go mom. I want to spend time with Ian. This is the last time.” Sabi mo sabay punas ng luha na tumulo galing sa mata ko.
“Wala ka bang balak sabihin kung saan ka talaga pupunta?” Boses iyon ni dad.
“I’m sorry dad but I can’t tell you.” Pilit na ngiting tugon ko. Tumango naman ito.
“Take care of yourself. Bumalik ka.” Sabi ni mom na umiiyak na ren. Sumandal din naman siya sa balikat ni dad. Inalo naman siya ni dad.
“Goodbye sweetie.” Nakangiting sabi ni dad.
“I love you mom,dad.” Sabi ko naman at tuluyan ng umalis.
Nang makapasok ako sa bahay ni Ian ay bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti. Nakapasok ako sa kwarto ni Ian. Nakita ko naman siya na mahimbing na natutulog.
He’s tired. Naupo ako sa kama at tinitigan si Ian. Ang pogi niya lalo.
Medyo tumaba narin siya. Namumuo na yung luha ko ng magising si Ian. Tumingin ako sa taas at palihim na pinunasan iyon.“Your back baby.” Bulong ni Ian sa akin at hinalikan ako sa labi.
“Yeah.” Nakangiting sabi ko. Tsaka ako tumayo at kinuha yung tubig at gamot niya.
“Kumain kana ba? Uminom ka naba ng gamot?” Tanong ko sa kanya ng makalapit.
“I didd eat kanina sa ospital pero I forgot to take my medicine.” Tumango naman ako at iniabot sa kanya ang tubig at gamot. Pagkatapos niyang inumin iyon ay nilapag ko ito sa lamesa doon.
Humarap naman ako kay Ian. Kinuha naman niya ang kamay ko at inupo ako sa gitna ng hita niya at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
“Ian I have something to tell you?” Sabi ko habang nilalaro niya ang daliri ko.
“Hmm. What is it?” Tanong naman niya.
“Kaya mo ba na mag isa ka? Yung ikaw lang lahat gumagawa? Without anyone help or without my help?” Tanong ko rito.
“Hmm. I don’t know but I know naman na tutulungan mo ako eh right.” Sabi naman nito. Kumirot naman bigla yung puso ko.
“Hmm. Kung wala ako kaya moba lahat?” Sabi ko pa rito.
“Kaya ang alin?” Tanong naman niya.
“Like lahat ng problema gagawan mo ng paraan ng mag isa kalang. And you can protect yourself without Cassius or Accius help. Or without anyone helping you.” Sagot ko naman dito. Napatigil naman siya sa ginagawa niya.
“You mean like I’m strong?” Tanong nito.
“Something like that. Your strong enough Ian pero hindi sa lahat ng bagay.” Sabi ko naman dito. Tinignan ko naman siya at ngumiti.
“Siguro kaya ko.” Sabi naman nito at ngumiti rin.
“Yeah.” pilit akong ngumiti kahit na ang sakit sakit.
“Can we sleep now?” Tanong naman niya sakin.
“Of course.” Sabi ko tsaka kami nagtawanan. Lumipas ang mga oras at napansin kong mahimbing na ang tulog ni Ian.
Umalis ako sa pagkakayakap nito saakin. Tinignan ko si Ian.
“Ian I know na kaya mo yan. Someday ikaw na ang mag proprotekta sa akin o sa amin. I’m sorry sa gagawin ko but I need to. Be strong without me. If sakali man na bumalik ako sana malakas kana at masaya na sa kung anong meron ka. And please try to forget me. Sisihin mo ako sa lahat. Humanap ka ng babaeng hindi ka iiwan tulad ko.” Tahimik na umiiyak na sabi ko at pinipigilang humikbi. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo.
“Always remember that I love you.” Bulong ko rito.
“And I think it was also right for me to leave.” Bulong ko rin dito.
“Why? Because no matter what happens if we’re meant to be we will still meet.” Bulong ko sa sarili ko ng tumayo ako. Ako lang din ang nagsagot.
Lumabas ako ng kwarto at sa huling sandali tinignan ko si Ian. Ngumiti ako at walang boses na sinabi ang:
“LIKE YOU AND I ARE PERFECT TWO.
YOU ARE MINE AND I AM YOURS.”×××
Thank you for reading! Have a nice day!
Kindly vote for my stories and follow me <'3
×××
Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

BINABASA MO ANG
Taming My Innocent Boyfriend | ✔︎
DiversosTaming My Innocent Boyfriend | ✔︎ ××× She found out right after her graduation that she had a fiancé. She was surprised so she immediately left their house without even thinking about what would happen to her. It never crossed her mind that the car...