Kabanata 1: Miserableng Buhay

347 22 1
                                    

MY BOOK IS ONLY POSTED ON WATTPAD AND SHOULD NOT BE POSTED TO OTHER WEBSITES AND APPS.

IF YOU SAW MY BOOK POSTED ON OTHER WEBSITES OR APPS, CONSIDER TO REPORT IT.

PLEASE!

Sa isang pambihirang mundong napupuno ng hiwaga, kailan kaya makakamtan ang purong kasiyahan?

Isang mundong puno ng misteryo, masasagot pa kaya?

Lahat ba ng lihim ay may limitasyon upang ito'y masagot?

Kailan sasaya ang isang prinsesang pinuno ng paghihirap sa buong buhay niya?

Kailan tutuldukan ang lahat?

***

Ang kaharian ng Maharlika ay isa sa mayayamang kaharian. Dito'y namumuno si Haring Giovan kasama ang kaniyang asawa na si Reyna Rasha.
Mayroon silang isang anak na nagngangalang Prinsesa Raven.

Matayog ang narating nito mula nang gambalain ng maraming pagsubok. Nanatiling matatag ang Maharlika sa kabila ng lahat ng mga nilalang ninanais na sumakop dito.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroong isang sakim na Reyna na ninanais ang mga kayamanan ng Maharlika. Siya si Reyna Jelouse na nakatira sa Kaharian ng Greedia na isa sa mga pinakamahirap na kaharian.

Kilala ang dalawang kahariang ito sa kanilang magulo at masalimuot na nakaraan na puno ng pag-aaway, agawan at galit sa isa't-isa. Puno ng galit ang kaharian ng Greedia sa Maharlika. Dalawang lupain na malapit lang ngunit maglayo ang mga puso kung saan namamagitan ang karagatang puno ng galit.

Ang Greedia sa kamay ni Jelouse ay naging mahirap dahil sa baluktok nitong pamamahala. Kulang sa ginto, kagamitan at trabaho ang mga mamamayan
kaya naman labis ang paghihirap ng mga mamamayan nito. Sa pag-iisip niya, isang kakaibang plano ang nais gawin ni Jelouse.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng mga mamayan habang lumakad palabas ng bulwagan ng palasyo sina Giovan at Rasha. Dalawang kaharian ang pinagbuklod ng pagmamahalan kaya naman tuwang-tuwa ang mamamayan sa pagdating ng bagong mamumuno sa kaharian.

Masayang nagsama ang dalawa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Naging mabuti ang kanilang pagsasama hanggang sa lumipas ang ilang taon at mayroon nang naging bunga.

"Giovan, manganganak na 'ko." halos hindi na makagalaw sa sakit si Rasha nang malamang manganganak na ito.

Hinalikan ni Giovan sa noo si Rasha. "Mahal, dyan ka lang. Tatawagin ko lang ang kumadrona at sinisigurado kong magiging masaya na tayong pamilya.

Kaya naman ipinatawag na nila ang kumadrona upang makapanganak nang matiwasay si Rasha. Sila lamang tatlo ang nasa loob ng silid upang hindi maging kontrobersyal lalo na sa publiko ang magiging panganganak ng kanilang reyna. Kahit na maraming pinagdaanan sina Giovann at Rasha sa gitna ng pagbubuntis nila, maayos niyang naipanganak ang kanilang mga anak.

Buong kaharian ay nagalak sa pagdating ng prinsesa. Kahit bagong panganak pa lang ito'y nagkaroon ng malaking piging sa buong kaharian upang ipagdiwang ang kaniyang pagdating.

Isang araw, nagising na lang ang mga mamamayan ng Maharlika na may galak sa kanilang mga puso. Isang pagdiriwang na ikararangal ng lahat na kanilang magiging susunod na pinuno. Ang Kaharian ng Maharlika ay naghahanda na ang mga tao dito para sa kaarawan ni Prinsesa Raven. Tuwang-tuwa ang lahat sa piging na gaganapin sa kaarawan nito.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon