Kabanata 27: Bagong Pinuno ng Greedia

23 9 0
                                    

Ilang linggo ang lumipas, napaka-unlad na agad ng Greedia mula sa maliit na kaharian ay lumago ang pamumuhay at naging maganda at maliwanag ang kaharian ngunit may hindi inaasahan.

Lumuhod si Parael sa harap ni Amber at sinabi ito
"Maaari ba tayong magpakasal? Nais kong palawigin ang relasyong ito kahit ilang buwan pa lamang tayo."

"Oo pumapayag ako!" sagot ni Amber.

Nagsigawan ang mga tao.

Sa Maharlika..

"Bakit tila walang kinikilos ang reyna ng Maharlika at nakatigil lang dito sa kaharian na tila wala na siyang problema?"

"Hinirang kita na hari upang tulungan ako. Tandaan mo, ako ang pumayag kaya ako ang mas makapangyarihan kaya tulungan mo ako na paslangin si Raven!"

"Sandali lang Jelouse, tila nawala ang talino mo. Hindi mo ba alam na mas malakas ka? Mas malaki ang Maharlika kaya mas madali mong masasakop ang Greedia."

"Bakit ko nga ba sinayang ang ilang linggo sa pag-iisip ng solusyon?"

Sa Greedia muli...

"Isang baul ng ginto galing sa Lavian, pinapadala ng mahal na Hari." wika ng kawal mula sa Lavian.

"Iparating mo sa aking ama ang pasasalamat." sagot ni Arrho.

"Hindi nyo ba narinig ang balita na si Parael ang anak ng punong kawal noon ay papakasalan ang babaeng taga-Lavian." wika ng ilang kababaihan.

Narinig ito ni Arrho at agad nagtungo sa bahay ni Parael.

"Totoo ba na pakakasalan mo si Amber? Kay bilis naman ata Parael."

"Totoo Arrho, walang tutol sinuman dito dahil mahal na talaga namin ang isa't-isa. Bakit Prinsipe? Sa ilang buwan na pagkakasama niyo ng prinsesa ay hindi ka nakatikim ng isang halik?"

"Ika'y manahimik kung ayaw mong hindi ko ituloy ang kasal."

"Walang tututol sa kasalan. Ninais nila ito. Isa pa ay nais ko silang gawing pinuno ng Lavian." wika ni Raven matapos sumulpot sa pinto.

"Ibig mong sabihin ay nais mo akong maging hari prinsesa?" tanong ni Parael.

"Katuwang ng Maharlika noon ang Greedia noong hindi pa si Jelouse ang namumuno ayon sa aking ama kaya nais kong ikaw ang mamuno upang matiyak na mayroong tagapagmana ang Greedia." sagot ni Raven.

"Kaya nais mong walang tumutol sa kasal nila. Nakuha ko ang iyong punto prinsesa!" wika ni Arrho.

"Maghanda ang lahat mamayang gabi. Mamadaliin natin ang kasal nang walang kasiyahan upang walang maka-alam." wika ni Raven.

Kinagabihan ikinasal ang dalawa at ganoon din ang pagbibigay ng korona sa kanilang dalawa.

"Batid kong nais niyo ng tapat at mabuting mamumuno kaya hinirang ko si Parael bilang bagong hari at si Amber bilang bagong reyna sa ngalan ng aking ama na si Giovan at ang dating hari at ama ni Jelouse. Ngayong gabi ay may bago na kayong pinuno!" sigaw ni Raven.

Mga sigawan sa galak ng mamamayan ang maririnig sa Greedia hanggang sa dumating si Jelouse.

"Naka-abala ba ako sa inyong kasiyahan? Mga kawal maghasik ng gulo dito sa Greedia!" sigaw ni Jelouse.

"Hindi mo maaaring saktan ang mga tao rito! Ako ang kalabanin mo magnanakaw!" sabi ni Raven.

A/N
Thanks for reading! Don't forget to vote and follow me!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon