Kabanata 10: Sikreto

30 10 0
                                    

Ilang araw lumipas noong nagsimula silang magsanay...
"Magandang umaga muli prinsesa." sabi ni Arrho.

"Pwede ba Arrho ikaw na naman? Hulaan ko nandoon muli si Evi sa bahay ng aking guro?"

"Nagkakamali ka prinsesa, nagtungo siya sa pamilihan upang mamili ng mga pagkain. Tayong dalawa muna ang pupunta roon sa bahay ng iyong guro."

"Hindi kita nais sabayan sa pagkain. Doon na ako sa bahay ng aking guro kakain."

"Ngunit prinsesa."

"Arrho nais kitang iwasan dahil sa mga pinagsasasabi mo sa akin noong nakaraang araw. Sabihin mong iyon ay biro lang at hindi totoo sapagkat ayoko munang umibig lalo't nasa gitna pa ako ng kasawian at pagdadalamhati sa mga naganap." paliwanag ng prinsesa.

"Ang sasabihin ko ay ngunit wala kang makakain sa tahanan ni Naga. Kahapon ay wala akong nakitang pagkain sa kaniyang tabihan."

"Ikaw talaga Arrho, hindi ko alam kung bakit ko pa pinagtya-tyagaan ang iyong ugali hayst! BAHALA KA SA BUHAY MO!" inis na sabi ng prinsesa.

"Eto, magbaon ka nalang ng mga prutas."

"Salamat Arrho, siguro nadala ka sa sinabi ko, biro lang yon! Salamat muli at naloko kita HAHAHA!"

Nagtungo na sila sa bahay ni Naga.

"Magandang umaga sa inyong dalawa ipagpapatuloy natin ang ating pagsasanay." wika ni Naga.

Noong binuksan nito ang maling aklat ay may isang papel na bumagsak mula rito. Agad itong pinulot ni Naga.

"Ano iyan guro?" tanong ni Raven.

"Iyan ay liham ng aking asawa para sa aming anak na nawalay sa amin." sagot ni Naga.

"Ngunit sino siya at bakit siya nahiwalay sa inyo?" tanong muli ni Raven.

"Isang prinsesa ang aking asawa noon. Isa akong anak ng salamangkero sa kanilang kaharian. Siya ay umibig sa akin ngunit ipinagbabawal ito sa aming kaharian. Kung kaya't pinalayas kaming dalawa. Napadpad kami sa kaharian ng Greedia. Doon ay kami ay namuhay. Naging salamangkero ako ng Greedia at ang aking asawa ay naging taga-pagsilbi ng reyna na si Jelouse na iyong kinamumuhian Raven. Doon kami ay nagka-anak at mapalad kami dahil nga wala pang asawa si Jelouse ay napunta sa kaniya ang aming anak ngunit sadyang ganid sa kapangyarihan si Jelouse. Pinagtangkaan niyang ipapaslang kaming dalawa. Napunta kami sa isang abandonadong lugar at doon ay gumawa siya ng liham na ipababasa kung sakaling makita ko ang kaniyang anak. Nangako akong hindi ko ito babasahin at sa loob ng maraming taon ay hindi ko ito binasa. Isang araw ay nagising nalang ako na wala siya sa aking tabi. At napadpada ako sa bayan na ito." kwento ni Naga.

"Maaari ba naming malaman kung anong ngalan ng asawa mo?" tanong nila Arrho at Raven .

"Ang pangalan niya ay Zavia. Hindi ko rin alam na may iba palang anak si Jelouse. Ikaw yon Arrho hindi ba?"

"Aking ama? Ikaw ang aking ama! Ako ang nag-iisang anak ni Jelouse!" sambit ni Arrho.

"Ikaw ang aking anak dahil magaan ang loob ko sa iyo!"

Niyakap nila ang isa't-isa.

"Hindi ko inakalang ang prinsesa pa mismo ang dahilan kung bakit tayo nagkita!" banggit ni Naga.

"Bakit ako nasali? Sadyang tadhana na mismo ang nagtapo sa inyo."

"Ama maaari ko bang mabasa at makita ang nilalaman ng liham ng aking ina?" tanong ni Arrho.

"Oo anak eto ang liham."

Ibibigay ni Naga ang liham kay Arrho.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon