Lumipad ang prinsesa patungo sa palasyo kung saan kinalaban niya ang mga kawal at nagpunta sa tore kung nasaan si Arrho.
"Raven? Ikaw ba yan?" tanong ni Arrho.
"Huwag ka nang magtanong dyan, kailangan nating tumakas!" sagot ni Raven.
"Ngunit~"
"Arrho tayo na!" wika ni Raven.
Lumipad sila at tumakas sa palasyo at nagpunta sa bundok kung nasaan ang mga kasama niya.
Nag-iwan siya ng malakas na buhawi upang mapigilan ang paghabol ng mga kawal.
"Magaling ang ginawa mo Raven!" sabi ni Naga.
"Saan tayo sasakay?" tanong ni Zavia.
"Lilipad po tayo gamit ang aking kapangyarihan." sagot ni Raven.
"Ngunit paano ang kaharian ina?" tanong ni Arrho.
"Babawiin muna natin ang Maharlika tapos ay ito namang Lavian." sagot ni Zavia.
Lumipad sila ng mahigit isang oras hanggang tumigil sila sa bayan ng Sierra. Pagkatapos ay mahaba ang nilakbay nila. Di gaya ng pagsakay sa mga sasakyan na inaabot ng ilang araw at linggo, ang kanilang pag-lipad ay inabot lang ng limang oras.
"Nauubos na ang aking lakas dulot ng lubos na kapangyarihan. Kailangan kong magpahinga." wika ni Raven.
"Saan naman tayo magpapahinga gayong alam naman natin na inaabangan tayo ng mga alagad ni Jelouse?" tanong ni Evi.
"Sa isang nayon tayo magtutungo malapit sa Maharlika. Ilang oras lang na paglalakad malapit sa Maharlika." sagot ni Naga.
"Kung ganon ibababa ko kayo." sabi ni Raven.
Naibaba ni Raven ang mga kasama niya at bigla siyang nawalan ng malay. Buti nalang nasalo ito ni Arrho.
"Dulot iyan ng labis-labis niyang paggamit ng kapangyarihan." paliwanag ni Naga.
"Magkakamalay ba siya? Mamamatay ba siya?" nag-aalalang tanong ni Arrho.
"Bakit ka nag-aalala? Ilang oras may malay na siya." sagot ni Naga.
Nagtungo sila sa isang abandonadong bahay at doon nagpalipas.
Sa Maharlika...
Naghihirap muli ang mga mamamayan matapos ang ilang buwan na pagkamatay ng kanilang hari. At si Jelouse naman ay nagpapakasarap sa mga kayamanan."Mahal na Reyna, nandito na ang kalapati." wika ng isang kawal.
"Aking alaga, anong natuklasan mo?" tanong ni Jelouse sa kalapati.
Humuni ang kalapati.
"Ano? Narito na ang prinsesa at kararating lang nila? Ano pa ang iba mong natuklasan." tanong muli niya sa kalapati.
Humuni ulit ang kalapati.
"ARRRGGHH!!! NARITO NA ANG MGA TAMPALASAN AT KASAMA NIYA ANG AKING ANAK?! MAY KAKAYAHAN DIN SIYANG LUMIPAD?! WAAAAAH! HINDI MAAARI!" napasigaw sa galit si Jelouse nang malaman ang mga balitang ito.
"Mga kawal, tawagin nyo ang aking salamangkero. Nais ko siyang makausap." wika ni Jelouse.
"Ano po iyon mahal na Reyna?" tanong ng salamangkero.
"Nais kong magkaroon ng kapangyarihan. Naaayon ba iyon."
"Opo mahal na reyna. Ito ang aklat ng kaalaman at iilan lang ang mga nilalalang na nakakabasa niyan. Kung ikaw ay pinanganak na matalino, kayang kaya mo iyang basahin." paliwanag ng salamangkero.
"Sige susubukan kong basahin. Ako ay walang utak at walang alam kundi pagkaganid. Bakit ganito ang nilalaman ng aklat?" tanong niya sa salamangkero.
"Ah ganiyan po ang nakasulat kung ikaw ay alam mo na po ahh." sabi ng salamangkero.
"ARGHH LUMAYAS KAYONG LAHAT!!" sigaw ni Jelouse.
"HUMANDA SILA DAHIL HINDI KO ITO PALALAGPASIN." dagdag niya.
A/N
Please follow me and vote every part for upcoming chapters and upcoming stories!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...