Tinakas ni Evi si Raven at naglakbay ng malayo at nanirahan sila sa bayan ng Sierra; isang bayan na malayong-malayo sa Greedia at Maharlika.
Pinalaki ni Evi si Raven na parang anak. Tinuruan nya ito kung paano maipagtanggol ang kaniyang sarili at magmahal.
Habang lumalaki si Raven ay napapansin nya na ang kaniyang kakaibang marka na parang titik "X" ay lumilitaw sa kaliwang pisngi ng prinsesa na tanda na malapit nang matupad ang paghihiganti nya kay Jelouse.
Dahil dito'y sinanay na sya ng husto ni Evi nang sa ganon ay makapaghanda sya sa kaniyang pagbabalik. Ngunit habang sinasanay sya nito ay nagtataka lang sya kung bakit may marka siya sa mukha at bakit sinasanay sya nito ng matindi.
"Sapagkat ikaw ay isang prinsesa ng isang mayamang kaharian ng Maharlika. Ikaw ay anak nina Haring Giovan at Reyna Rasha. Ngunit si Jelouse ay inagaw ang inyong kaharian dahil sa kayamanan nito, ikinulong ang iyong ama at pinaslang ang iyong ina kung kaya't kabilin-bilinan ng iyong ina na ipaghiganti ang lahat ng buhay na nawala at bawiin ang inyong kaharian sa kamay ni Jelouse" -Evi
"Ngunit bakit may palatandaan ako sa marka?" tanong ni Raven
"Tanda 'yan ng nalalapit mong paghihiganti kay Jelouse" dagdag ni Evi
"Kung ganon, maghihiganti ako para sa aking magulang at kaharian" -Raven
Ipinagpatuloy nila ang pagsasanay hanggang dumating na ang takdang araw ng paghihiganti ng prinsesa...
A/N
Please Vote Every Part! Thanks❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...