Kabanata 13: Desisyon

28 9 0
                                    

"Ama hulaan mo kung sino naririto, ang anak ni Zavia at ang kaniyang iniibig mayroon pa siyang ibang kasama kaya't pupuntahan ko sila sa piitan." wika ni Amber.

"Mabuti anak sige puntahan mo sila." wika ng kaniyang ama na nagngangalang Fhang.

Nagtungo ang taksil na prinsesa patungo sa silid-piitan.

"Kumusta mga bihag namin, Arrho paumanhin ngunit nandoon ang ina mo na si Zavia sa kabilang gusali." sabi ni Amber.

"Kaya pala wala siya rito, isa kang lapastangan!" galit ni Arrho.

"Ito ang gusto kong mangyari. Nais kong pakasalan mo ako. At kapag sinunod mo ang aking nais ay papakawalan ko ang aking ina at iyong mga kasama. Maliwanag?" wika ni Amber.

"Arrho papayag ka ba sa sinasabi niya?" tanong ni Raven.

"Amber, maaari mo ba akong bigyan ng panahon upang makapag-isip?" tanong ni Arrho.

"Oo naman mahal ko, bibigyan kita ng dalawang oras upang makapag-isip." sagot ni Amber

At umalis si Amber...

"Arrho kapag pumayag kang magpakasal kay Amber, magagawa namin na makalaya." sambit ni Evi.

"At kapag nakalaya kami, maiiiwan ka rito ngunit huwag kang mag-alala. Titira lang kami sa malapit na nayon sa ibaba ng bundok. Gamit ang mga natutunan ni Raven ay para sa pag-aaklas natin. Mangangalap ka ng mga bagong kaanib na palihim. Gamit ang kayamanan ng Lavian ay unti-unti mong kukunin ang kanilang loob at doon tayo sasalakay." paliwanag ni Naga.

"Ngunit maraming masasaktan kapag ako ay nagpakasal roon isa pa hindi ko siya mahal." wika ni Arrho.

"Magpapanggap ka na mahal mo siya ngunit hindi pala. Huwag kang mag-alala." ani ni Evi.

"Arrho huwag ka nang magpakasal, gagamitin ko nalang ang aking kapangyarihan para makalaya tayo." wika ni Raven.

"Paano mo magagamit ang iyong kapangyarihan? Nakagapos ang ating kamay." banggit ni Naga.

"Kung ganon iyon nalang ang aking magagawa upang makalaya kayo. Huwag nyo akong alalahanin, magiging maayos ako rito. Isasagawa ninyo ang plano na pag-aaklas tsaka ako makikipaghiwalay." sabi ni Arrho.

Walang nasabi ang prinsesa dahil napamahal na si Arrho sa kanya. Naging tahimik siya sa buong pag-uusap nila. Hanggang lumipas ang dalawang oras.

"Nakapag-desisyon na ba kayo?" tanong ni Amber.

"Oo Amber. Pumapayag na akong na magpakasal sa iyo upang mailigtas ko ang aking mga kasama at ang aking ina." sagot ni Arrho.

"Kung ganon, Arrho Lumabas ka na rito pati ang mga kasama mo. Imbitado sila sa ating kasalan. Pagkatapos ng kasalan ay malaya na silang mamumuhay sa labas o sa loob ng kaharian. Ngunit ikaw Aking mahal ay dito lang sa loob." paliwanag ni Amber.

Pinalaya na sila at naghanda naman si Arrho para sa kasalan.

"Nais ko munang makita ang aking ina Amber." wika ni Arrho.

"Ikaw ang aking anak? At ang ngalan mo ay Arrho? Nabasa mo naba ang aking liham?" tanong ni Zavia

"Ina tsaka ko na sasabihin ang lahat ng kaganapan pagkat sa ngayon ay malaya na kayo." sabi ni Arrho.

"Bakit anak? Hindi ka ba sasama sa amin?" Tanong muli ni Zavia.

"Oo ina hindi ako makakasama sa inyo dahil nangako ako kay Amber na magpakasal para sa kaligtasan mo." paliwanag niya.

Nagyakapan ang dalawa. Umalis na sila at naiwan si Arrho para sa gaganaping kasalan.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon