Lumipad sila sa isang maliit na isla.
"Bakit mo ako dinala rito Raven? Bakit ayaw mong doon nalang tayo maglaban?"
"Dahil walang makakagulo rito Jelouse. Walang magiging balakid! Upang masigurado na patas at walang lamang sa labanan na ito. Matira mabubuhay!"
Naglaban ang dalawa. Nilabas ni Raven ang kapangyarihan niya.
"Bakit ka gumagamit ng kapangyarihan Raven? Sinabi mong patas lang ang labanan kaya sandata lang ang gagamitin!"
"Wala ka lang kapangyarihan! Mahina ka Jelouse dahil hindi mo napigilan ang tawag ng kasakiman mo! Kung hindi lang dahil sa kaharian namin hindi sana tayo aabot rito! Ngunit anong ginawa mo? Kung tutuusin madali lang naman mapaunlad ang Greedia ngunit mahina ka!"
"Walanghiya ka Raven!"
Nagtuos ang dalawa ngunit naunang masugatan si Raven.
"Ngayon sino ang mahina Raven?"
Ngunit nakabawi siya ng lakas at sinugatan din siya.
"Bakit mo sinasabi iyan sa iyong sarili?"
Maririnig mo lang ay mga nagkikiskisang mga metal mula sa kanilang sandata hanggang sa..
*Sinaksak ni Jelouse si Raven
"Ngayon Raven? Ikaw talaga ang mahina!"
*Tinanggal ang sandata sa pagkasaksak."Hindi pa ako mamamatay" bulong ni Raven.
*Bumagsak siya."WHAHAHAHAHA TAGUMPAY! NAGAPI KO ANG PRINSESA KAYA AKIN LANG ANG MAHARLIKA!"
Samantala sa Greedia...
"Huwag ninyong hayaan na mabawi muli ang Greedia sa masasama!" Sigaw ni Parael.
"Tama ka! Dapat walang susuko sa atin." sagot ni Arrho.
"Ngunit tila nauubos na ang ating lakas! Nasaan na ba si Raven?" -Amber
"Naglaban sila ni Jelouse, tiyak kong talo na ngayon si Jelouse!" sigaw ni Evi.
"Tumigil ang lahat! Wala na tayong problema! Sige tinatanggap ko na sa inyo na ang Greedia." sigaw ni Jelouse.
"Ano ang dahilan ng iyong mga sinambit Jelouse?" tanong ni Parael.
"Napaslang ko si Raven. Naroon siya sa islang 'yon"*tinuro ang isla. "Kung kaya't lilisan na kami ng aming mga kawal dahil hindi nyo na mapapa-unlad ang Greedia dahil nagapi na kayo kaya sa inyo na ang Greedia." wika ni Jelouse.
Nagsilisan ang mga kawal ni Jelouse kaya natapos na ang labanan.
"Bakit tila umiiyak ang prinsipe Arrho?" tanong ni Parael.
"Dahil patay na ang aking minamahal. Hindi ko na siya masasaksihan." sagot ni Arrho.
"Bukas na bukas ay pupuntahan natin ang bangkay ngunit huwag ngayon dahil gabi na." wika ni Amber.
Pagbalik ni Jelouse ay agad siyang kinausap ni Fhang.
"Kumusta ang pagsugod niyo? Ano ang nangyari Jelouse?" tanong ni Fhang.
"Napasalang ko ang prinsesa kaya wala na tayong problema." sagot ni Jelouse.
"Ay yung mga alagad niya?" dagdag ni Fhang
"Hindi ko na iyo kailangan problemahin dahil wala na silang silbi." sagot muli ni Jelouse.
"Nakakatiyak ka ba Jelouse?"
"Oo dahil tumumba siya at alam kong kinain na siguro siya ng mga hayop doon."
"Magaling ngayon naman ay magsaya tayo. Bukas ay maghahanda ako ng piging."
Samantala..
"Wala pa ding kibo ang prinsipe hanggan ngayon. Marahil ay nadala siya sa pagmatay ng prinsesa." wika ni Amber.
"Ganon na nga mismo dahil minahal niya ito ng labis." sagot ni Evi.
"Pagbabayaran ni Jelouse ito ipaghihiganti natin si Raven!" sigaw ni Arrho.
"Sa tingin nyo buhay pa kaya siya?" tanong ni Parael.
"Oo" sagot ni Evi
A/N
Thank you for reading again!❤️
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...