Kabanata 11: Ang Liham

30 10 0
                                    

Isinulat ito para sa aking anak.

Mahal kong anak,

Hindi pa man kita nakikilala ay natutuwa ako sapagkat nasa mabuti kang kalagayan. Nais kong pasalamatan si Jelouse ngunit tinangka niya ang aming buhay.

Ikaw ang naging sandigan ko upang lumaban ngunit hindi ko iyon nagawa dahil mahina ako walang kapangyarihan. Ngunit nilabanan ko ang aking kahinaan kaya patawarin mo kami ng iyong ama sapagkat wala kaming nagawa upang makapiling ka namin.

Ngayon ay nababasa mo ang aking liham. Sana'y huwag kang magalit sa akin. Mahal na mahal kita kaya namin iyon nagawa. Ako ay aalis babalik sa aking kahariang pinanggalingan. At kung hindi nyo ako makita, ako ay pinalisan na. Ako ay matatagpuan sa Kaharian ng Lavian.

At dahil ikaw anak ay pinangalanan ni Jelouse na Arrho, batid kong ang kapalaran mo ang maghahanap sa akin.

Hindi man kita kapiling, ako'y nasa puso mo. Sana'y ako'y matagpuan mo sa lugar na ibinigay ko sa'yo.

Ang iyong ina, Zavia

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon