Kabanata 3: Simula ng Paghihiganti

136 11 7
                                    

Sinimulan na nina Evi at Raven ang kanilang paglalakbay. Sumuong sa masusukal na kagubatan, naglayag sa sasakyang pandagat, sumakay sa sasakyang panlupa at sa wakas ay nakarating sila sa Maharlika.

Mahigpit ang pagbabantay sa loob ngunit dahil sinanay si Raven sa pakikipaglaban ay nakapasok sila sa may pook at doon nagtago.

Habang nagtatago, narinig nilang nag-uusap ang mga mamamayan ng Maharlika.

"Nagpapakasarap pa rin si Jelouse sa mga kayamanan ng kaharian at hindi man lang nya binibigyan tayo"

"Lagi na lamang tayong ginagawang alipin ng Reyna at hindi man lang tayo pinapalaya. Lagi tayong pinapahirapan. Mabuti pa si Haring Giovan."

"Kailangan natin ng isang pag-aaklas laban sa pamumuno ni Jelouse"

"Ngunit paano tayo makakalaban, mababang uri lang tayo na nilalang sa mata niya."

"Ako ang tutulong sa inyo" ani ni Prinsesa Raven

"Ngunit sino ka ba"

"Hayaan nyong ako ang magkwento sa kaniyang buhay" -Evi

Nai-kwento nya ang lahat ng nangyari kay Prinsesa Raven.

"Ikaw ang nawawalang prinsesa" ani ng mga mamamayan.

"Huwag kayong maingay" -Raven

"Sang-ayon kami sa inyong pagtulong"

"Ganito ang plano, gabi tayo sasalakay habang tulog si Jelouse. Susugurin nyo ang mga kawal nya at kukunin ang mga sandata nito. Papalayain nyo ang mga dating bihag at dadakpin nyo ang mga kawal ni Jelouse. Ako na ang haharap sa kanya." -Raven

At iyon nga ang nangyari.

Nagkagulo ang mga tao, napalaya ang mga bihag kasama na si Haring Giovan, nadakip na ang mga kawal ng Greedia at ang pagtatapos ng malupit na pamumuno ni Jelouse.

"Ngayon, matutupad na ang paghihiganti." ani ni Prinsesa Raven.

Bago isagawa ang plano, habang natutulog si Jelouse ay dahan-dahan siyang pumasok sa kaniyang silid at nag-antay na magkagulo.

Sa sobrang ingay ay nagising si Jelouse. Dali-dali namang nagpunta si Raven nang may takip sa mukha.

"Nakikilala mo ba ako" -Raven

"Hindi, magpakilala ka" -Jelouse

"Ako ang anak ng Haring Giovan, ako ang anak ni Reyna Rasha, ako ang Prinsesang pinagkaitan na makasama ang aking magulang at maging prinsesa. Sino kaya ang dahilan kung bakit naging ganito kapalaran ko? Hmmm... ikaw Jelouse!" Galit na sinabi ni Raven.

"Hindi, hindi mo mababawi sa'kin ang Maharlika!" Mariing tanggi ni Jelouse.

"Kung ganon panahon na para parusahan ka" Matapang nyang sinabi.

Nagtuos ang dalawa, kinuha ni Jelouse ang kaniyang sandata at nilabanan si Raven ngunit mas matapang si Raven kaya nasugatan nya ito.

Isang lalaking hindi makilala ang nanakit kay Raven hanggang mawalan ng malay at itinakas si Jelouse.
Hanggang sa matapos ang digmaan. Nang makita ng mga tao ang prinsesa ay agad nila itong ginamot. At naalala rin ng prinsesa na parang kapareho rin ng nangyari sa kaniyang ina ang nangyari kay Jelouse na iniligtas sya at itinakas. Hindi na muna nya ito inalala.

Sinabi ni Evi na "Hindi pa ito ang iyong paghihiganti sapagkat hindi pa kumpleto ang marka sa iyong mukha."

Nagtungo sa silid si Haring Giovan at sa wakas ay nagkita na sila.

"Ama!" masayang banggit ni Raven.

"Aking anak!" banggit ni Haring Giovan

Niyakap nila ang isa't-isa. Nai-kwento ni Raven sa kaniyang ama ang nangyari sa kaniya.

"Kung ganon ay matinding hirap pala ang pinagdaan mo, titiyakin kong magbabayad si Jelouse."

A/N
Please vote Every Part! Thanks❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon