Kabanata 5: Trahedya ng Koronasyon

67 10 0
                                    

"Raven! Raven?! Gumising ka na ngayon at ikaw ay maghanda para sa gaganaping koronasyon sa iyo." masayang ginising ni Haring Giovan.

"Ngunit ama, hindi pa ako handa sapagkat wala akong alam sa pagiging reyna." nangagambang sabi ni Raven.

"Alam ko anak at dahil rin alam ko na ikaw ay matalino ay magagampanan mo ng maayos at maganda ang iyong magiging pamumuno. Dahil maipagtatanggol mo ang mga mamamayan sa mga kaaway lalo na kay Jelouse na hindi pa natin alam kung nasaan." banggit ng hari.

Sa takot ay nabanggit ito ni Raven,
"Kaya nga ayoko pang maging reyna ama sapagkat hindi pa natin alam kung anong susunod na hakbang ni Jelouse at kung ano pang magawa nya!"

"Kaya nga dapat ay tanggapin mo ang aking alok na maging tagapagmana dahil matapang ka!"

"Kung ganon ama, tinatanggap ko ang katungkulan na ito!"

"Magaling Raven! Mamaya magaganap ang koronasyon at nais kong maghanda ka!"

Naghanda na sila at mga mamamayan. Isang malaki at magandang mga disenyo at palamuti ang nailibot sa palasyo. Nagbunyi ang mga mamamayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may masamang binabalak si Jelouse.

"Aking mga kasama, alam nyo naman ang ating plano kaya sa oras ng koronasyon ay ayokong iputong kay Raven ang korona sapagkat nais kong sa akin ito mapunta.

Gabi ng koronasyon, madaming liwanag sa palasyo at daanan.

"Mga mamamayan ng Maharlika, ilang sandali nalang ay nandito na si Prinsesa Raven kasama si Haring Giovan. Magbigay pugay sa ating kamahalan!" sabi ng tagapagsalita.

Yumuko ang lahat sa kanilang dalawa.

"Aking mga minamahal na mamamayan, nais kong sabihin sa simula sa araw na ito, ikaw Raven aking anak ay magiging reyna ng Maharlika ngayon at sa darating pang mga panahon!"

Naghiyawan ang mga tao ngunit nung ipuputong na ang korona ay may lumabas na makapal na usok. Nahimatay ang mga mamamayan.

"Ngayon kawal, akin na ang punyal. Ngayon Giovan, magwawakas na ang iyong buhay Haaaa~"

"Bitawan mo ang aking ama kung ayaw mong ikaw ang mapaslang!" Raven

Nagtuos muli ang dalawa.

"Raven, mga kawal hawakan nyo ang mga kamay niya!" galit na sinabi ni Jelouse.

"Bakit Jelouse? anong gagawin mo?" tanong ni Raven

*Sinugatan ni Jelouse si Raven, at nawalan ng malay.

"Ngayon Giovan, paalam! HAHAHAHAHA!!!" masayang sabi ni Jelouse.

*Sinaksak ni Jelouse si Giovan

"Isinusumpa ko Jelouse hindi habang buhay nasayo ang kahariaan na ito, m-maghihiganti s-si Raven." *Namatay si Haring Giovan.

Nailagay ni Jelouse ang punyal sa kamay ni Raven at umalis.

Ilang minuto ang lumipas nagising nalang ang mga tao na nakahandusay at nakita ang karumaldumal na bangkay ng hari habang nakita nila si Raven na may hawak na punyal.

Nag-usap ang mga mamamayan.
"Tingnan nyo si Haring Giovan patay na! At si Prisesa Raven ay hawak ang punyal!"

"Kung ganon si Prinsesa Raven ang kumitil sa buhay ng ating hari! Kaya siguro may sugat siya ay nilabanan ito ng hari ngunit pinaslang nya ito!"

"Isa siyang taksil kailangan siyang parusahan!"
"Ngunit sino na ang mamumuno nito?"

"Maaari tayong masakop ng iba kung hindi tayo magkakaroon ng pinuno."

"Ngunit sino wala namang ibang maaaring pinuno tayo sapagkat kung si Prinsesa Raven ang ating magiging pinuno ay papahirapan nya tayo!"

"Kaya nga dapat ay ipadakip siya at ikulong ng habang buhay!"

Ikinulong nila si Prinsesa Raven...

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon