Kabanata 8: Puso

39 10 0
                                    

Nakarating sila sa lumang tinitirahan ni Evi.
"Andito na ulit ako sa dating bahay! Ipinapangako ko ama at ina na tutuparin ko ang aking kapalaran alang-alang sa inyo." sabi ng prinsesa.

"Raven, maaari ba kitang makausap?"

"Oo naman Arrho. Ano ba iyong sasabihin?"

"Noong una kitang makita ay~ argh wala lang pala." Masyadong nahihiya si Arrho para magtapat ng pag-ibig nya rito.

"Ano bang ginagawa ninyong dalawa dyan? Magluluto muna ako ng pagkain." sigaw ni Evi

"Wala naman Evi nagkwe-kwentuhan lang hehe." sabi ni Raven.

"Marami pa akong nais malaman sa buhay mo Arrho."

"Raven bukod sa nais kong hanapin ang totoo kong mga magulang ay nais ko din na mahalin ako ng taong mahal ko."

"Sino ba iyang tao mahal mo Arrho?" tanong ni Raven.

"Ikaw!" tugon niya.

"Ako Arrho? Ako ang mahal mo?"

"aahh mali ang sabi ko Ikaw? Sino taong mahal mo?"

"Ah akala ko kase. Syempre kayong lahat lalo na sina ama at ina. nangungulila ako sa kanila." malungkot na sabi ni Raven.

"Syempre andito naman ako para sayo. Ah eh andito pala kami para sayo."

"Bahala ka na nga jan Arrho ako'y kakain na."

Kumain na sila at nag-usap muli.

"Evi, Raven ako'y kukuha muna ng ating makakain para sa kinabukasan. May nakita akong malapit na pamilihan."

"Sige Arrho mag-iingat ka." Tugon ni Raven.

"Raven may naka-usap na akong isang salamangkero makikilala mo siya bukas."

"Talaga Evi? Kung ganon ay hindi na ako makapaghintay!"

Dumating na ang dilim at nakabalik na si Arrho..

"Raven, Evi narito ang ilang mga pagkaing nabili ko sa pamilihan. Talaga nga namang napakaraming mahika ang bumabalot dito sa bayang ito."

"Oo Arrho dahil kalahati ng mga mamamayan rito ay mga salamangkero kabilang na ako." tugon ni Evi.

"Evi, bakit hindi ko ito alam? Iyon ba ay dahil andito lang ako buong araw?" tanong ni Raven.

"Oo Raven dahil nais kong itago ka sa mga tao noon dahil kapag nakarating ito kay Jelouse ay hahanapin ka nila at papaslangin. Kaya ganon nalang ang aking pag-iingat sa iyo." sagot ni Evi.

"Halina't kumain muna kayo." sabi ni Arrho.

Kinabukasan maaga silang gumising upang makilala ang salamangkerong sinasabi ni Evi.

"Magandang Umaga Prinsesa! Nagluto ako ng paborito mong nilagang saging." Bati ni Arrho.

"Teka, bakit mo alam ang paborito kong pagkain? Ano bang meron sa iyo at pati katauhan ko'y alam mo?" tanong ng prinsesa.

"Wala naman prinsesa, ang mabuti pa ay kumain na tayo."

"Nasaan si Evi?" tanong ng prinsesa.

"Nagtungo siya sa salamangkerong kakausapin mo mamaya at ako ang ibinilin nya na maghatid sayo patungo sa kanila. Kaya sabayan mo nalang ako sa pag-aagahan." Sagot ni Arrho.

"Nakaka-inis ka talaga, kung hindi ka lang prisipe, binugbog na kita. Kakain na ako prinsipe, NANG MAG-ISA." tugon ni Raven.

Sila'y kumain at nagtungo sa salamangkero.

"Andito na sila. Naga, ito si Prinsesa Raven ng Maharlika kasama nya si Prinsipe Arrho ng Greedia." Sabi ni Evi.

"Ako si Naga. Isa sa pinakamagaling na salamangkero at manghuhula sa bayan na ito. Anong maipaglilingkod ko prinsesa?"

"Nais kong turuan mo akong gumamit ng mahika upang makaganti sa lapastangang si Jelouse." Hiling ng prinsesa.

"Matutulungan kita prinsesa. Ngunit bakit may kasama kang taga-Greedia? Gayong siya ay inyong kaaway?" tanong ni Naga

"Nangako si Arrho sa akin na tutulungan nya ako."

"Oo iyon ang pinangako ko sapagkat gusto ko siya."

"Ahh gusto ko syang tulungan."  tugon ni Arrho.

Magaan ang loob ni Naga kay Arrho subalit hindi nya alam kung bakit.

"Bukas natin sisimulan ang pagsasanay, sa ngayon ay maghanda at magpahinga muna kayo." sabi ni Naga.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon