Kabanata 6: Prinsesang Walang Kalayaan

51 10 0
                                    

"Asan ako? Bakit ako nandito? Bakit ako nakakulong?" tanong ni Raven.

"Isa kang taksil prinsesa dapat kang ikulong sapagkat pinaslang mo ang iyong ama!" sabi ng isang kawal.

"Siya ay aking ama hindi ko siya kayang paslangin! Hindi ako ang pumaslang sa kaniya!" giit ni Raven.

"Ngunit ang mga mamamayan na mismo ang nakakita dahil ikaw ay duguan at may hawak na punyal na syang ginamit upang patayin ang hari."

"Wala akong alam sa sinasabi nyo sapagkat mahal na mahal ko ang aking ama!"

"Huwag ka nang magmatigas sapagkat iyan ang inaasahan naming sasabihin mo kaya manahimik ka nalang prinsesa."

Walang nagawa si Raven kundi ipagluksa ang kaniyang ama.

"Kung ganon kawal, hayaan nyo lang akong makita ang bangkay ng aking ama bago siya ilibing." malungkot nyang sinabi.

"Sige prinsesa ngunit dapat ay ikaw ay nakagapos nang aming matiyak na ikaw ay walang gagawing masama sa libing."

"Sige kung iyon ang iyong nais."
Nagluluksa, wala siyang nagawa dahil alam nyang kinasusuklaman siya ng mga tao.

Samantala sa Greedia...

"Anong ulat kawal?"

"Mahal na Reyna Jelouse, nais kong sabihin na dinakip na at kinulong si prinsesa Raven. At nais ko ring sabihin na wala nang namumuno sa Maharlika at bukas ay ililibing na ang kanilang hari."

"Magaling! Tagumpay ang ating plano! Maghanda kayo sasalakay tayo bukas!" Masayang masaya si Jelouse dahil wala nang kokontra sa iba pang plano nya sa Maharlika.

Ngunit habang nag-uusap sila narinig ito ni Arrho kaya nagtanong siya sa kaibigan nyang si Parael.

"Parael may nais akong malaman. Hindi bat si Prinsesa Raven ay nawalay ng matagal sa kaniyang ama? Sino ang nag-alaga sa kaniya?" tanong ni Arrho.

"Ang paki wari ko'y ito ay nanirahan dati sa bayan ng Sierra at ngayon ay naninirahan naman siya sa isang malapit na nayon na ang pangalan ay Halin."

"Salamat kaibigan."

"Bakit Arrho? Huwag mong sabihin na pupuntahan mo sya don?"

"Oo upang matulungan niya akong palayain ang prinsesa."

"Nahihibang kaba Arrho? Kalaban siya ng iyong ina, wala ka bang utang na loob sa kaniya?"

"Parael, hindi siya ang aking tunay na ina sapagkat ang aking totoong ina ay namayapa na at hindi ako magkakaroon ng utang na loob sa kanya dahil ayoko sa mga hakbang na ginagawa niya. Kinasusuklaman ko sya."

"Kung ganon Arrho hindi na kita mapipigilan paalam!"

"Ikaw din Parael salamat sa iyong tulong."

"Saan ka pupunta Arrho? Narinig ko ang iyong mga sinabi tungkol sa akin!" sabi ni Jelouse

"Totoo iyon Jelouse labis kitang kinasusuklaman dahil napakasama mo kaya gagamitin ko ang nalalaman ko upang tulungan si Raven para mapigilan lahat ng hakbang mo!"
mabilis na umalis si Arrho at nagtungo sa Halin gamit ang mahika.

"Mga kawal, tugisin si Arrho ay dalhin sya rito! Walang maaaring sumira ng plano ko lalo na ang anak ko!" galit na sambit ni Jelouse.

"Ikaw ba si Evi?" tanong ni Arrho.

"Oo ako nga si Evi bakit?"

"Ako si Arrho at nais kong sabihin sa inyo na nakakulong ngayon si Raven dahil sa maling bintang sa kaniya. Hindi ko alam kung sino ang pumaslang sa hari ngunit hindi si Raven yon."

"Arrho salamat at sinabi mo ang balitang ito sapagkat masama ang kutob ko sa Maharlika sa mga nakalipas na araw." pag-aalala ni Evi.

A/N
PLEASE VOTE EVERY PART!!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon