Nang malamang siya ang anak, pinatuloy siya ni Naga sa kaniyang tahanana. Lumipas ang ilang araw, hindi mapakali si Arrho dahil sa kaniyang nabasang liham.
"Ama maaari ba nating puntahan ang aking ina sa kaharian ng Lavian upang aking makilala?" tanong niya."Anak, hintayin nating matapos ang pagsasanay namin ni Raven. Upang hindi siya mapwersa sa mga kaganapang ito."
Naghintay pa ng ilang linggo si Arrho.
"Raven, mahusay! Malapit mo nang matapos ang mga pagsasanay na ito. Mamaya ay ganap nang tapos ang pagsasanay mo." wika ni Naga.
"Ramdam ko na rin ang iyong galit ngunit hindi pa ito ang paghihiganti. Kailangan muna natin magtungo sa Lavian upang hanapin ang ina ni Arrho. Maaari mo ba kaming samahan?" tanong ni Evi.
"Hindi ako tatanggi, sapagkat hindi ako makasarili kaya Prinsipe, hayaan mong samahan ka namin upang makasama mo ang iyong ina." sabi ni Raven.
"Maraming salamat sa inyong lahat! Ngayon din ay maghahanda na ako! Aalis tayo bukas ng madaling-araw." wika ni Arrho.
Agad silang nagsimula sa paglalakbay.
"Dito ang daan papuntang Lavian, kung sasakay tayo sa isang bangka, aabutin tayo ng Gabi bago makarating roon, ngunit kapag naglakad naman tayo ay aabutin tayo ng ilang linggo." ani ni Naga.
"Kung ganon susuungin natin ang tubig. Mananagwan tayo kaysa mapagod ang ating mga kamay! Mahal na prinsesa, gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang mapabilis ang ating paglalakbay nang hindi tayo napapahamak." paliwanag ni Arrho.
Ginamit ng prinsesa ang natutunan niyang mga salamangka upang mapabilis ang bangka habang nagsasagwan sila.
"Sa tulong ng mga hangin,
Pabilisin ang bangka namin
Aking kapangyarihan,
Ilayo kami sa kapahamakanAng aming dalangin,
Kalikasan nawa'y dinggin
Nang sa ganon ay maabutan,
Ina ni Arrho na minamahalIka'y kakampi kalikasan,
Pinanggalingan ko ng kalakasan
Huwag pabayaan,
Gamiting ang kapangyarihan." Awit ng Prinsesa."Narito na agad tayo bago pa man sumapit ang dilim!" sigaw ni Arrho.
"Hindi ko alam na napaka makapangyarihan ng prinsesa ngayon." ani ni Evi.
"Sapagkat matalino siya at matalas ang isip." paliwanag ni Naga.
"Andito na tayo guro!" wika ni Raven.
"Tanaw ko na rito ang palasyo, tayo na!"
Umakyat sila ng bundok at nakarating sa palasyo.
Ngunit pagdating nila doon ay hindi si Zavia ang bumungad sa kanila. Kundi si Prinsesa Amber."Sino ka nasaan ang aking ina?" tanong ni Arrho.
"Kay kisig mo naman. Binata, ikaw siguro ang anak ni Zavia. Anong gusto mo? Ginto? Pilak? Dyamante? O ang aking puso?" sagot ni Amber.
"Nasaan siya hindi ko kailangan ng iyong inaalok dahil may nagmamay-ari na sa puso ko. Siya ay si ra- ah siya ay aking ina at ama!" wika ni Arrho.
"Nakakulong siya sa piitan matapos akong kalabanin. Kung hindi nyo pa ako kilala, ako ay nag-aklas laban kay Zavia. Isa akong anak ng Punong kawal ngunit hindi namin nagustuhan ang pamumuno niya. Isa pa, inibig din siya ng aking ama ngunit hindi siya gusto nito. Ang gusto niya ay yung Naga." paliwanag ni Amber.
"Kailangan nating pakawalan ang aking Mahal." bulong ni Naga.
"Prinsesa gamitin mo ang iyong kapangyarihan." wika ni Evi.
"Mga kawal ikulong sila kasama ni Zavia." sigaw ni Amber.
A/N
Thanks for reading! Follow me for more stories! Thanks!😘
BINABASA MO ANG
The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)
FantasyMabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya. Isa siyang prinsesa ngunit sinakop ang kaniyang kaharian. Nais niya itong ipaghiganti at p...