Kabanata 9: Pagsasanay

37 10 0
                                    

Kinakabahan, maagang nagising ang prinsesa para maghanda sa kanilang pagsasanay. Nauna na rin na pumunta si Evi upang kausapin si Naga kaya naiwan muli ang dalawa.

"Magandang umaga prinsesa, maaari mo ba akong sabayan muli sa pagkain?" bati ni Arrho.

"Ikaw nalang kumain mag-isa dahil may pagsasanay pa akong gagawin. Kaya kung maaari ay~"

"Ay ano prinsesa? Kapag hindi ka kumain ay hindi ka makakapag sanay ng maayos." pangungumbinsi ni Arrho.

"Sasabayan na kita. Basta huwag mo akong titingnan. Doon ka sa labas ako ay rito kakain. Maliwanag ba prinsipe?" sambit ni Raven.

"Bakit ako kakain sa labas? Isa akong prinsipe." tugon ni Arrho.

"Huwag na tayong magsayang ng oras, kumain nalang tayo!" sabi ni Raven.

Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa tirahan ni Naga kung saan nakahanda na ang mga kagamitan sa kaniyang pagsasanay. Tinawag siya ni Naga.
"Prinsesa dito tayo magsasanay ng mga mahika tutulungan ka din ni Evi. Maaari kang umupo dito sa tabi Arrho."

Sinimulan na nila ang pagsasanay at sinabi ni Naga ang tungkol sa aklat ng kaalaman.
"Prinsesa, ito ang aklat ng kaalaman at tanging ang mayroong matatalas ang isip ang nakakabasa nito."

"At ang mga salitang yan ay hindi nababasa kung kaya't kailangan mo ng talas ng isip upang mabasa ang nakatagong salita at sa oras na matutunan mo itong masahin makakaramdam ka ng kakaibang lakas. Ang kailangan mo lang ay matapos ang lahat mg kabanata nito at pag-aralan ang bawat salita. dagdag ni Evi

"Sa tingin ko ay sa loob ng isang araw ay matatapos mo yang basahin. Iuwi mo ang aklat na yan at basahin mo ngayon. Bukas muli tayo magkikita at magsasanay na tayo ng mahika." sabi ni Naga.

Kinabukasan ay nagtungo ulit sila sa bahay ni Naga.
"Naga, ngayon ay nakaramdam na ako ng ibang lakas." ani ng prinsesa.

"Ganyan nga! At alam ko ang bago mong kapangyarihan. Nagagalaw mo ang hangin. Dahil iyon ang napili ng iyong puso at isip. Ang hangin ay simbolo ng iyong pagkadalisay, mapagmahal at kapag inapi ay magagalit na parang isang buhawi. Kaya't hangin ang iyong kapagyarihan." paliwanag ni Naga.

"Makakayanan mong kontrolin ang hangin. Magagawa mong lumipad nang walang pakpak. Magagawa mo ding paliparin ang mga bagay." dagdag ni Evi.

"Nakakamangha ang mga sinambit nyo ngunit nararamdaman ko na ang hangin sa aking katawan." ani ni Raven.

Simulan na ang pagsasanay.

"Gamit ang iyong mga kamay, subukan mong palutangin ang mga bagay." -Naga.

Lumipad ang mga bagay sa paligid at humangin ng malakas.

"Ngayon naman ay subukan mong lumipad gamit ang iyong kapangyarihan." sigaw ni Evi.

Nakalipad ang prinsesa at namangha si Arrho.

Sa isip ni Arrho..
"Kay ganda ng minamahal ko. Hindi lamang siya makapangyarihan, napaka dalisay ng kaniyang puso.

Ipinagpatuloy nila ang pagsasanay..
Habang papalipad si Raven ay sinigaw ito ni Arrho
"Raven, napakalakas mo na! Aking mahal!"

Biglang bumagsak si Raven. Buti nalang sinalo ito ni Arrho.

"Aking mahal? Bakit mo ako tinawag na mahal?" tanong ni Raven.

"Oo Raven, mahal kita! Mahal na mahal kita." sambit ni Arrho.

"Hindi mo ako pwedeng mahalin." tugon ni Raven.

"Ngunit, Argh ang bigat mo prinsesa" *Nahulog sa lapag si Raven.

"ARRHO!!! NAKAKA-INIS KA TALAGA!!"
*Sinuntok sa mukha. *Nawalan ng malay si Arrho.

Samantala...

"Anong nangyari?" tanong ni Evi.

"Nasuntok ko siya kasi nahulog ako sa kanya tapos hinulog lang niya ako sa lapag!" inis na sabi ni Raven.

Nagising na si Arrho.

Natapos ang araw at naging matagumpay ang pagsasanay.

A/N
Having fun reading? Stay Tuned for upcoming parts. Follow me and dont forget to vote every part!😘

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon